XIV. Classmate

320 21 1
                                    

Isang oras, isang oras na nakatayo ako kasama si bruha sa tapat ng room 208 ang room kung saan nagroroom ang taong minahal ko dati..

Isang oras ko na din sinisingil itong si bruha sa 100 at parang tanga na kinikilig pag tinitingnan nya ang taong minahal ko dati at talon pa ng talon..

Naiinggit ako sa kanya, dahil pag ako kinikilig sa bahay ko lang nilalabas ang lahat, lalo na nung umamin ako sa kanya....

Parang kahapon lang nangyari yun, at tandang tanda ko pa buong detalye sa nangyari...

Nagsimula lang to, ng aminin ko sa katabi ko kung sino ang crush ko, noon, oo tama kayo ng pagkabasa, Crush pala yan, at hindi ko pa sya mahal..

Yung Feeling na nagtiwala ka sa isang tao na hindi nya sasabihin sa taong gusto mo, pero sadyang plastik lang talaga kaya, kayang kaya kang ilaglag nito sa oras na gugustuhin nya...

at dun na simula ang asar saken na, bagay kami, na kaapelyido ko na sya, at syempre ang tinatawag naten na M.U..

sabi nila. Mutual Understanding kami, sabi ng iba, Malanding Ugnayan, para saken, MagIsang Umiibig..... Totoo naman kase ehhh.

pero masakit din palang matawag kang malandi kahit na wala ka naman ginagawa, masakit dahil na kahit alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang lumalapit sa lalakeng iyon eh, ipagtatanggol pa rin nila ang crush/mahal nila at sayo ibibigay o ilalabas ang galit nila...

Minsan, nakakatakot din ang babae, kahit na babae din ako, hindi naman ako ganun kababaw para manghusga ng ganun... pero syempre hindi naman lahat ang tinutukoy ko kaya wag kayong magagalit saken...

July 5, 2013, Friday, 7:18 PM.. Yan ang Exact date and Time na sinabi ko na talaga na may gusto ako sa kanya, na sya ang crush ko, pangiti ngiti pa sya noon, at parang proud na proud sya, yung ang saya nya maglakad, tapos para talagang tanga na sobrang lapad ang ngiti nya..

naalala ko tuloy kung bakit ko sila kasabay, kase yung araw na yun, ang July 5 ay ako naman ang manlilibre ng swirlybits sa kanila, tapos sila sa susunod na araw nila ako lilibre..

Sinadya ko talaga yung ganun set up, para makasama ko ang taong minahal ko dati at makakwentuhan ko at mas lalong maging close sya noon..

Nahihiya na talaga ako nung araw na yun, kaya habang sila ay nauunang maglakad saken, ay nagtanka akong tumakas at di sila ilibre, pero nahuli pa rin ako, at nung makahanap ulit ako ng chance tumakas ulit ako, pero sa huli nahuhuli ako..

kaya ako ang pinauna nila, at hawak hawak nila ang bag ko, na para bang may dalawa akong boyguard noon...

Nung sinabi kong di na ko tatakas eh nagsinungaling ako, nagkunwari akong dadaan sa bilihan ng swirlybits pero agad akong lumiko sa daan papunta sa bahay namin, takbo ako ng takbo, pero nahuli nya pa rin ako, ganun ba sya kabilis ? grabe kinikilig talaga ako nun, kasi hinahabol nya ako, pero dissapointed dahil, hinahabol nya lang ako dahil ako na ang manglilibre ng swirlybits...

nung nahuli nya ko, sya na nagdala ng bag ko papunta sa bibilhan namin, at nung makabili na ako, eh bigla nya akong nilapitan at ti-nap ang ulo ko at sinabi, "Okay lang yan, makakahanap ka din ng iba." sabi nya at sinabi nya pa yung pangalan ng klaklase na lagi nyang inaasar saken...

Masakit, pero pinilit kong ngumiti, ayokong makita nya akong umiyak sa harap nya, at mas malala ay dahil sa kanya...

ang saklap lang talaga eh, pinapahanap na nya ako ng iba, habang nakangiti sya saken, at nirereto nya pa ko sa iba, saklap noh?

pero hindi lang yan ang ginawa nya.... Kung alam nyo lang talaga ang buong nangyari.... hayyy

--

Nagupdate din ^_________^

Wahh, penge po ng votes :) Hehehe, XD Happy 2K Reads :D yehey *\(*U*)/* 

ClassmateWhere stories live. Discover now