LK7

14 1 0
                                    

Jewel's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay nakababa na rin ako sa yate. First time kong sumakay sa sasakyan pangdagat at hindi ko inexpect na nakakahilo pala. Mas gugustuhin ko pang sumakay ng bus buong araw kesa sa sumakay sa yate.

Umupo ako sa malaking bato dahil feeling ko any moment ay matutumba na ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Umiikot din ang paningin ko kaya hindi ko ma explain kung gaano kaganda o kalaki ang yateng sinakyan namin.

NAMIN!

Kasama ang dalawa kong kapatid at ang tatlong sumusunod lagi sa akin. Hindi ko pa natanong ulit pangalan nila.

Lumapit sa akin si Jasper at binigay sa akin ang isang bote ng mineral water. "Ayos ka lang?" tanong nito. Matutuwa na sana ako dahil nagtanong siya sa kalagayan ko at inakalang nag-aalala siya pero nakangisi ito at tuwang-tuwa sa kalagayan ko. Ang sarap itapon sa kanya tong bote eh, kung hindi ko lang to kapatid at gwapo.

"Talagang nakangisi, ano?" asar kong sabi sa kanya.

Tumawa ito saka ti-nap ng tatlong beses ang ulo ko. Ano ako aso?

"Nakakatuwa kasi ang itsura mo. Alam mo ba yung mukhang kengkoy na the adventure time? Ganoong mukha nakikita ko sayo. Hahaha." hindi na tawa ang ginawa niya, kundi halakhak na talaga. Ang sama naman nito. Dun pa talaga ako binase sa pangit na mukha na cartoon characters.

"Che! Ewan ko sayo." nakasimangot kong sabi at agad na tumayo para makalayo sa kanya pero dahil sa nahihilo pa ako at sa biglaang pagtayo, nawalan ako ng balanse at matutumba na sana.

Ang akala ko babagsak na ako sa matutulis na bato, buti na lang at nasalo ako. Nakapikit ako habang mahigpit na nakahawak sa braso ng isang lalaki. Lalaki to dahil malaki ang braso at matigas pa.

I opened my eyes and look to him. Nakatitig siya sa akin tapos ay inayos ako ng tayo saka tinignan ang kabuoan ko.

"May masakit ba sayo?" seryoso nitong tanong. Kung sino ang seryosong taong to, alam niyo na kung sino.

"Bukod sa ulo ko wala naman. Salamat sa pagsalo Onyx." sabi ko sabay ngiti. Ngayon ko lang napansin na nakapulopot pala ang braso niya sa bewang ko.

"Next time kasi mag-ingat." Jasper lectured. Tumingin ako dito at pinaningkitan ng mga mata.

"Kung hindi mo ako inasar eh di hindi sana ako muntikan ng matumba." sagot ko sa kanya.

"Hala! Ako pang sinisi nito." -Jasper habang nakangiti at mas natuwa pang asarin ako.

"Enough that Jasper. Umasta ka ng maayos sa kapatid natin, hindi yung aasta kang parang bata makita lang ang pamunula ng mukha niya." natahimik kaming dalawa ni Jasper at napatingin sa kanya. Uminit ang mukha ko. Namumula ba mukha ko? At talaga bang nakakatawa akong tignan?

"Waaaah!!! I hate you Jasper!" sigaw ko at agad na tinakpan ang mukha ko gamit ang palad ko. Nakakahiya naman! Ampangit ko ba? Wala man lang ba akong ikinatapat sa ganda ng mukha ng dalawang to? Huhuhu

"Grabe ka naman maka 'I hate you!' ipagsigawan ba talaga? Parang naglalambing lang eh, hate na agad ako." nagtatampo nitong sabi tapos nakanguso pa.

Bakit ba ang cute niya? Imbes na ako itong dapat magtampo naunahan pa niya ako.

"Oo na, hindi na kita hate tumigil ka lang." mahina kong sabi saka umiwas ng tingin. Humarap ako kay Onyx na nasa likod ko. Pagtingin ko sa kanya ay nakatitig siya sa akin. Kamukha niya talaga si papa kahit saang anggulo. Bigla itong ngumiti at ako naman napanganga dito. Bigla din uminit ang mukha ko.

Luxur Kingdom (The Heiress Crown)Место, где живут истории. Откройте их для себя