LK6

29 1 0
                                    

Someone's POV

Nakapikit ang dalawang mata ko pero alam ko ang bawat galaw ng nasa paligid ko. Ramdam ko ang kakaiba nilang tingin. Hinayaan ko lang silang isipin ang anumang nais nilang isipin. Kung gagawa man sila ng hindi ko nagustuhan ay alam na nila kung ano ang kapalit.

May lumapit sa akin at ramdam kong lumuhod ito sa aking harapan.

"Gising na po siya kamahalan." balita nito. Dumilat ako at tinignan siya, yumuko naman ito at amoy ko ang takot niya sakin. Napangisi ako, iba talaga kapag malakas ka at makapangyarihan. Lahat ay takot sayo.

Tumayo ako at naglakad pababa sa kinauupuan ko. Tumabi naman sa dinaraanan ko ang lalaki.

Gising na ang babaeng mag bibigay sa akin ng walang hanggang buhay at kapangyarihan. Pero nakapagtataka dahil

ngayon lamang siya nagising, mahigit labing limang taon na ang nakakaraan. Ano ang dahilan kung bakit ang haba ng tulog nya?

Agad akong pumasok sa kwarto kung saan siya natutulog. Pagkapasok ko ay nag-angat siya ng tingin, sa haba ng taon na itinulog niya wala pa ring kupas ang ganda niyang taglay. Nakakabighani.

"I-ikaw. Ikaw! Pakawalan mo ako dito ngayon din!" kahit galit na sumigaw siya ay ang ganda niya pa rin. Wala bang ikakapangit niya?

Nginitian ko siya at lumapit sa pinagkulungan ko sa kanya. "Hindi maaari mahal ko, kailangan pa kita." matinding poot ang nakita at naramdaman ko sa kanya para sa akin pero balewala lang sa akin yun.

"Wala kang makukuha sa akin!" galit niya pa ring sigaw. Hindi siya makalapit sa akin kaya hanggang masamang tingin na lamang ang magagawa niya, dahil na rin sa makakapal na bakal na pinagkulungan ko sa kanya. Kahinaan ng isang fairy ang iron. Kapag hahawakan nila ito ay parang masusunog ang balat at manghihina ang katawan nila.

"Meron mahal ko, dahil kapag hindi mo pagbibigyan ang gusto ko sisiguraduhin ko sayong mamamatay ang anak mo mismo sa harapan mo." ang pinaka ayaw ko sa lahat ay hindi sinusunod ang gusto ko. Lahat nakukuha ko kaya wala siyang karapatan na hindi tugunin ang kagustuhan ko.

Napansin kong umilaw ang barrier na pinagawa ko para hindi siya makatakas. Mabuti na lang pala at naisip ko na agad noon na magpalagay ng barrier para hindi niya magamit ang kapangyarihan niyang maglaho at makontak ang kilala nito.

"Nagsasayang ka lang ng lakas mo mahal. Magpapahanda ako ng makakain mo, ang gusto ko ay may sapat kang lakas para maibigay mo sa akin ang aking hinahangad." tumalikod ako pagkatapos masaksihan ang panlulumo niya sa kanyang mukha. Maganda siyang pagmasdan at masarap titigan hanggang magdamag pero kailangan ko munang umalis.

Sa wakas! Matutupad din ang pangarap ko, pero bago yun kailang ko munang hanapin ang anak niya para maisagawa niya ang gusto kong mangyari.

***
Jewel's POV

*wiggle, wigle, wigle! torottottot totot tot
wiggle, wiggle, wiggle!*

Hindi ko mapigilan na mapabunghalit sa kakatawa. Hawak hawak ko ang tyan ko habang nakahiga sa sahig. Naluluha na rin ang mata ko sa kakatawa.

"Mas gugustuhin ko pang masugatan sa digmaan kesa sa gawin ito ulit." sabi ni papa matapos niyang sumayaw ng wiggle.

Hahaha! Ang cute tignan ni papa habang kumekembot at namumula ang buong mukha pati leeg.

Natawa na naman ako ulit habang si papa ay umupo sa sofa at masamang tinignan ako. Pinigilan ko ang sarili kong tumawa pero di ko talaga maiwasang alalahanin yun.

Hahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Para na akong baliw sa kakatawa. First time in my life na nakahalakhak ako ng ganito. Nakita kong napailing si papa at napangiti hanggang sa nakitawa na rin. Hay! Ang sarap ng may ganitong ama. Bukod sa gwapo na, nakikisabay pa trip ng anak niya. Best dad talaga papa ko!

Luxur Kingdom (The Heiress Crown)Where stories live. Discover now