LK 1

60 3 0
                                    

New year na new year pero para sa akin wala itong pinagbago sa mga nakaraang araw. Lahat ng tao ay nagsasaya sa pagsalubong ng bagong taon pwera sa akin na nasa kusina at naghuhugas ng mga pinggan. Nais ko mang magsaya ay hindi ko magawa, hindi ko rin matapos tapos itong ginagawa ko dahil maya't maya ang utos ng mga kapatid ko.

"Alex, bilisan mo nga d'yan at dalhan mo pa kami ng pagkain dito. My gosh!! So bagal kumilos eh!"

Tulad na lang niyan, kung makapag-utos itong si ate Aicelle kailangan agad-agad.

Pangalawa siya sa panganay sa amin, maganda at mabait. Kapag tulog.

Naghugas muna ako ng kamay at nagpatuyo ng kamay gamit ang apron na suot ko. Kumuha ako ng tray at nilagay doon ng isang malaking bowl ng spaghetti, macaroni at isang tray din ng mango flout. Bago lumabas ay hinubad ko muna ang apron, ang dungis ko kasing tignan dahil sa apron.

Lumabas akong kusina at dumeretso sa living room kung saan nag sama-sama ang mga kaibigan ng mga kapatid kong babae. Si Aicelle at Trixie.

Sa tantya ko ay labingpito silang narito, kasama na ang dalawa kong kapatid.

"Andyan na pala si Alex eh, hay sa wakas makakakain na rin tayo ng desserts." maarteng sabi ng isang babae, hindi ko alam pangalan.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at nilapag na lamang ang dala kong tray. Marami pa akong mga hugasin sa kusina.

"Kapatid niyo ba talaga siya Aic? She look like katulong." sabi naman ng isa.

"Unfortunately yes, pero sana nga eh hindi na lang. Ang layo ng ganda namin sa itsura niya." sagot ni Trixie.

Tumalikod na ako para hindi ko na marinig ang sasabihin pa nila. May mga sinasabi pa sila na nagpapasakit pang lalo sa kalooban ko pero inilabas ko na lang sa kabilang tenga ko.

Kababalik ko pa lang sa kusina ng tawagin naman ako ni Kuya Jerry.

"Dalhan mo kami pulutan sa labas. Bilisan mo."

Ako naman ay sunod agad. Noon kasing hindi ako sumunod sa utos nila ay matinding sipa at sampal ang inabot ko. Hindi pa kasali ang mga masasakit na salita. Wala namang paki-alam sa akin sila mama at papa ng magsumbong ako sa kanila.

"Ui pare, pwede na palang ulamin itong si Alex. Dalagang-dalaga na oh." sabi ng kaibigan ni Kuya Jerry at malagkit na tinignan ang kabuoan ko.

Mga manyakis talaga.

Pagkatapos kong ilapag ang hiningi ni kuya ay nagmadali na akong umalis. Ng makabalik sa kusina ay saka ako nakahinga ng maluwag.

Diyos ko po, ba't po ninyo ako pinaparusahan ng ganito?

Hirap na ang kalooban ko.

*******************************

Isang linggo na ang nakalipas at pasukan na uli. 2nd year high school pa lang ako. Nakapag ayos na ako lahat at ready ng pumasok ng tawagin ako ni mama.

"Heto ang baon mo, pagkatapos ng klase umuwi ka agad. Pag ginabi ka makakatikim ka sa akin. Magluto ka rin pag-uwi mo ha, dahil may lakad din ako. Nagkaka-intindihan ba tayo Alex?"

Tumango ako bilang sagot at kinuha ang 30 pesos na baon ko.

Saktong pagtalikod ko kay mama ay paglapit naman ng mga kapatid ko.

"Baon namin ma, gawin mo ng 500 ha. Mahal na kasi mga food sa cafeteria hindi na kasya sa binibigay mo." sabi ni Ate Aicelle.

"Oo na, eto." inabot ni mama ang isang libo kay Ate Aic. "hati kayo ni Trixie." sabi ni mama saka hinalikan sa pisnge si ate Aic at ate Trixie.

Luxur Kingdom (The Heiress Crown)Where stories live. Discover now