Gabriel Robles (33)

2.1K 145 38
                                    

You're Not My Brother

Episode 33

Gael

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Red mula sa braso ko pababa sa hita ko habang patuloy siya sa pag-angkin sa mga labi ko.

Kahit na naguguluhan ako ay hindi ko siya tinangka na pigilan sa ginagawa niya dahil nagugustuhan ko ito.

Hindi pa nga kami nagkakausap tungkol sa nangyari kagabi ay heto na naman siya, inaangkin ang katawan ko.

Alam ko na hindi tama ang ginagawa namin ni Red ngunit hindi kayang paglabanan ng natitirang katinuan ng isip ko ang mga halik at haplos ni Red.

Nagsimula na siyang magtanggal ng mga damit niya habang ang mga labi niya ay patuloy sa paghalik sa leeg ko.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na rin ang pagtatangka niya na hubarin ang damit ko.

Nang mahubad na niya ang pang itaas ko ay mabilis niya akong binuhat at ipinasok sa silid na inookupa ko.

Napakabilis ng mga naging pangyayari at ang pinakahuli ko na lang na namalayan ay muli na naman akong naangkin ni Red.

Halos ilang minuto rin kaming tahimik habang kapwa naghahabol ng paghinga. Hanggang sa marinig ko na nagsalita si Red.

"Hindi ka magpapagalaw sa akin nang dalawang beses kung wala lang ako sayo, Gael." masuyo ngunit may laman na sabi niya.

Pinili ko na huwag na lang siyang sagutin dahil sa aming dalawa ay ako ang may mas nakakailang na sitwasyon.

Napakatagal kong iningatan ang sarili ko dahil gusto ko ay sa tamang tao ko isusuko ang virginity ko. Ngayon nga ay Red ang nakakuha nito.

Kahit si Neil noon ay halos manggigil na sa akin sa inis dahil gusto niya akong maangkin sa unang buwan pa lang ng relasyon namin. I'm glad that he didn't succeed.

Pero tama nga ba ang naging desisyon ko kay Red sa pagkakataong ito?

Sinulyapan ko siya only to realize na sa akin din pala siya nakatitig. Nakadama ako ng pagkailang kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Maagap naman niyang pinigilan ang ulo ko at muli niya akong iniharap sa kanya. Nagtama ang mga tingin namin at sa sobrang lapit sa akin ng mukha niya ay naaamoy ko na ang mabango niyang hininga.

"May nararamdaman ka na rin ba sa akin, Gael?" seryosong tanong niya.

Pinalis ko ang kamay niya saka ako nagtangka na muling umiwas pero hinila niya ang katawan ko paharap sa kanya. Napahawak tuloy ako sa hubad na dibdib niya.

"Sagutin mo ako." utos niya.

"Alam mo na ang sagot sa tanong mo." seryosong sagot ko saka ko iniiwas ang tingin ko mula sa kanya.

"Gusto kong marinig ang sagot mula mismo sa bibig mo, Gael." maawtoridad niyang sambit.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya saka ako nagbuga ng paghinga. "Sinagot na kita nung nakaraan diba?Hindi ko ipapaubaya sayo ang sarili ko kung wala akong nararamdaman para sayo, Red." pagsuko ko.

Kahit na expected na niya ang sasabihin ko ay nabakas ko pa rin sa anyo niya ang pagkabigla na sinundan niya ng isang satisfied na ngiti.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong gawaran ng isang mabilis na halik sa pisngi ko.

"Hindi ka nagkamali sa desisyon mo, Gael." nakangiting sabi niya. Sa unang pagkakataon mula kaninang umuwi siya ay ngayon lang siya ngumiti ng totoo.

"Dahil kahit ano ang mangyari ay ipaglalaban kita. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo. Kahit pa mawala ang lahat ng mayroon ako."

Hindi na ako nagtangka pa na sumagot. Tumalikod na lang ako sa kanya upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon