Redentor Serrano (34)

1.8K 142 25
                                    

You're Not My Brother

Episode 34

Red

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang mahimbing na tulog ni Gael matapos ko siyang kumutan gamit ang jacket na suot ko kanina.

Marahil ay napagod siya dahil sa haba ng biyahe namin. Narito kami ngayon sa bayan ng Carmen sa parteng norte ng Pilipinas.

Nakahinto ang sasakyan ko sa tapat ng isang 24 hours na food chain dito sa Cabanatuan. Dahil malalim na rin ang gabi ay dito na lang ang bukas.

Nag-order na lang ako at hindi ko na tinangka pa na gisingin si Gael. Dahil wala silang drive thru ay kinailangan ko pa tuloy lumabas.

Nang makabalik ako sa sasakyan ay mahimbing pa rin ang tulog niya. Inilagay ko na lang muna sa likod ang pagkain saka na ako nagpatuloy sa pagmamaneho.

Madaling araw na nang marating ko ang resthouse na pag-aari ni Granny, lola ko kay Mama. Mabuti na lamang at may susi ako ng bahay na ito.

Hindi pa kailanman nakarating dito si Dad dahil hindi naman sila magkasundo ng lola ko.

Nakarating lang ako sa lugar na ito dahil dito ginanap ang 60th birthday ni lola a year ago. Mabuti na lamang at matandain ako sa mga daan.

Sinulyapan ko si Gael. Natutulog pa rin siya. Naiintindihan ko dahil ilang araw na rin kaming pagod dahil sa dami ng mga nangyari.

Kahit ako ay mabigat na rin ang katawan ko. Hindi na namin nagawa pa na maghapunan man lang kanina dahil sa insecurities na naramdaman ni Gael.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na kinalas ang seatbelt ko. Mabilis akong lumabas ng sasakyan saka ko binuksan ang pintuan sa gawi ni Gael.

Sinubukan ko siyang buhatin pero nagising siya. Mabilis siyang dumiretso ng upo saka niya iniikot ang tingin niya sa buong paligid bago siya bumaling sa akin.

"Nasaan tayo?" mahinang tanong niya. Nakikita ko pa ang antok sa mga mata niya.

"Nasa Baler tayo." sagot ko.

"Baler?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya saka niya sinulyapan ang oras sa cellphone niya.

"Let's go!". sambit ko saka ko na siya inalalayan papasok sa resthouse. Nakikita ko na inuusisa niya ang paligid.

Nang makarating kami sa loob ay kaagad kong binuksan ang aircon sa silid na gagamitin namin.

Paglabas ko doon ay nakita ko na nakadapa si Gael sa ibabaw ng malapad na sofa. Napailing na lang ako. Kahit paano na lang niya ipinuwesto ang sarili niya doon.

Marahil ay talagang mabigat ang pakiramdam niya sa mga sandaling ito. Dahil ba sa ginawa ko sa kanya noong nakaraang gabi at kahapon? Nabigla ko ba siya?

Inosente pa si Gael nang unang beses na maangkin ko siya. Kaya marahil ay dinaramdam pa ng katawan niya ang nangyari sa kanya.

Nakadama ako ng kaunting guilt. Hindi ito ang unang beses na nakagalaw ako ng virgin. Pero ito ang unang beses na lalaking virgin ang nagalaw ko.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga saka ako nagpasya na buhatin si Gael patungo sa silid.

Napapitlag pa siya nang maramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya ngunit wala naman siyang nagawa kundi ang kumapit sa braso at batok ko.

"Kung may binabalak ka na naman sa akin ay huwag mo nang ituloy." bulong niya habang papasok kami sa loob ng silid. "Hindi maganda ang pakiramdam ko."

"Don't worry, hindi kita gagalawin ngayon kung iyon ang nasa isip mo." nakangising sagot ko saka ko siya pinagnakawan ng halik sa pisngi bago ko siya inilapag sa ibabaw ng kama.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now