Kazu Serrano (6)

4.1K 210 25
                                    

You're Not My Brother

Episode 6

Kazu

Matapos ang halos ilang minuto na pagsakay ko sa motorsiklo ng gwapong waiter ay inihinto niya iyon sa tapat ng isang convinient store sa may pasay.

Nagpark siya sa harapan nito. Pinababa niya ako saka siya sumunod na bumaba. Nagtanggal ng helmet bago siya bumaling sa akin.

"Hintayin mo ako dito." sabi niya saka na siya pumasok sa loob.

Pagbalik niya ay may dala na siyang mainit na kape at kung anu ano pa na nasa plastic. Inabot niya sa akin ang kape.

"Sarado na yung masarap na lugawan na alam ko malapit dito." sabi niya saka siya sumakay sa motor niya. Muli niya akong pinasakay doon at nagtungo kami sa seaside.

Naupo kami sa gilid ng baywalk saka ko na sinimulang inumin ang kape ko.  Kinuha niya sa supot ang isang rice meal na binili niya saka niya iyon binuksan.

"Nagugutom ka ba? May binili akong tinapay o kung gusto mo naman ay mag rice meal ka na lang. Dalawa ang binili ko." sabi niya saka niya kinuha mula sa supot ang mga pagkain na inaalok niya ngunit tumanggi na ako.

"Coffee is fine." mahinang bulong ko saka ako humigop doon.

Huminto naman siya sa pagkalkal sa plastic saka na siya nagsimulang kumain. Pinagmasdan ko ang maliwanag na buwan na kumikislap sa tubig ng dagat.

Hindi ko naman maiwasan na sulyapan ang lalaking katabi ko paminsan-minsan. Hanggang sa maramdaman niya na pinagmamasdan ko siya.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakita ko na nginunguya pa niya ang pagkain na nasa bibig niya.

Hindi ko naiwasan na pagmasdan ang bawat paggalaw ng mapupula niyang labi at ang paggalaw ng adams apple niya kapag lumulunok siya.

[I wanna feel your touch
It's burning me like an ember]

Naalarma ako sa ginagawa ko kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko mula sa kanya. Nagkunwari ako na nakatitig sa dagat.

[Pretending is not enough
I wanna feel us together]

Nang matapos siyang kumain ay iniligpit niya ang mga pinagkainan niya saka siya umayos ng upo.

Hindi ko alam kung sinadya ba niya o aksidente lang nadikitan ng mga daliri niya ang kamay ko na nakalapag din sa gilid namin.

Para akong napaso at mabilis ko iyong iniiwas sa kanya. Sabay pa kaming napasulyap sa isa't isa.

[So I'm giving in]

"Kasali ka ba sa frat?" bigla ay tanong niya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

Nakita ko na seryoso siyang naghihintay ng sagot ko.

"Frat is not my cup of tea." sabi ko saka ako muling tumingin sa madilim na kalangitan.

[So I'm giving in
To the trouble I'm in]

Napatango siya at ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa.

"Kung hindi ka kasali sa frat, bakit ka pinagtangkaan na saktan ng mga lalaking iyon kanina?" tanong niya

Napabuga ako ng hangin saka ko siya sinulyapan sandali. "Hindi ako kasali sa frat pero madalas nila akong makita na kasama ang pinsan ko. Si Red ay miyembro ng isang sikat na frat."

"Bakit hindi mo layuan ang pinsan mo. Nadadamay ka sa mga trouble nila dahil sa pagdikit-dikit mo sa kanya." sabi niya. Kung sa ibang pagkakataon ay makakadama na ako ng inis sa lalaking ito pero nahimigan ko sa tono niya ang concern habang sinasabi niya iyon.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon