four.

1.8K 102 6
                                    

CHAPTER FOUR.

Fritzy's Point of View

"Pagod na ako" Halos limang oras na kami nag-iikot ni Kim sa mall. Pero siya, mukhang kararating palang ng mall.

"Bilis mo naman mapagod! Hindi pa nga ako nakakabili eh!"

"Limang oras na kaya tayo dito!"

"Oo nga, minsan umaabot pa ako ng sampu eh!" Napanganga nalang ako.

Lesson learned, huwag sasamahan si Kimberly sa pagshoshopping. Nakakamatay.

"Uy! Si Cloud ba yun?" Sabi niya sabay turo sa direksyon sa kaliwa. Lumingon ako.

"Oo..." Sagot ko.

"Tara puntahan natin!" Hinatak niya ako bigla pero hinatak ko kamay ko.

"Uy! Bat mo ko hinahatak? Dali! Baka makaalis na siya!" Napailing ako.

"Ikaw nalang lumapit. May nakita akong libro sa nbs! Bibilin ko muna! Bye!" Tumakbo na ako papalayo sa kanya.

Nakahinga ako nang maluwag. Muntikan na yun.










"Fritzy oh! Yung crush mo papalapit na sayo! Ayieeee" Inaasar nanaman ako ni Leen.

Papalapit na nga siya. Ang gwapo niya talaga! Ang cool niya talaga kahit kailan.

"Hi Leen!" Nilapitan niya si Leen.

"Hello! Kaibigan ko nga pala, si Fritzy" Nanlaki mata ko sa sinabi ni Leen.

Tumingin sakin si Cloud. Nilahad niya kamay niya.

"Hi, i'm Cloud" Nakipaghandshake ako sa kanya. Siguro, ito na yung pinakamasayang araw ko sa tanang buhay ko.










"Nasan na kaya yung libro na yun?" Hinahanap ko yung libro na 'A Dog's Purpose' kaso nawawala nanaman.

Tinago ko lang naman yun dito, bat kaya nawawala? May nakakita kaya ng pinagtataguan ko? Hays, bibilhin ko yun eh!

Nanlumo akong pumunta sa may cashier para bayaran yung binili kong isang libro.

Habang nakapila, nakuha ng mata ko yung lalaking may hawak nung libro.

Hala! Nakuha niya! Hindi pwede!

"May problema ka ba?!" Nagulat ako nang tinignan niya ako. Nanlaki mata ko.

Hala! Si sungit pala to! Yung muntik muntikan na akong sagasaan noon!

"Ah eh wala naman" Napatingin nalang ako sa librong hawak niya.

"Want this?" Tinaas niya yung librong hawak niya. Tumango ako. Gusto ko talaga yung libro na yan! Matagal ko nang pinag-ipunan yan para mabili ko!

"Then go buy that book!" Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Bwisit!










"Hala teka!" Hinabol ko yung lalaki at hinawakan siya sa braso. Humarap siya sakin. Binigay ko sa kanya yung payong.

"Ibabalik ko na sayo. Salamat pala dito. Buti nakita pa kita"

"Nah, iyo na yan. Ginamit mo na eh" Binalik niya sakin yung payong.

"Pero"

"I don't use the things that was being used by other creatures" Sabi nito at ngumiti sakin. Tapos umalis na siya.

Kumunot noo ko. Bat ibang iba siya sa nakita ko noon? Akala ko pa naman ubod ng bait siya nun tapos palangiti siya. Ngayon, nagmumukhang demonyo siya eh.

Pasalamat siya, may utang na loob ako sa kanya. Napaka bipolar niya!










"Tch" Umalis na ako nang mabayaran ko na ang binili ko.

Nasaan na kaya si Kim? Aish! Nawala na ako sa mood. Bahala na siya kung nasaan man siya.

END OF CHAPTER FOUR.

𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗𝗦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon