three.

2.1K 107 5
                                    

CHAPTER THREE.

Fritzy's Point of View

"FRITZY!"

"AAAH!" Napabangon ako bigla sa sigaw na yun. Nakita ko kung paano humalakhak si Kim.

"Kimberly!" Pagalit kong sabi. Palagi nalang siyang ganyan. Kaya minsan, gusto ko nalang kunin ulit sa kanya yung duplicate kong susi eh. Bigla bigla ba namang pumapasok dito.

"Anong oras na oh! Day-off mo ngayon diba? Tara! Shopping!" Hinatak niya ako patayo.

"Ang sabihin mo, food trip" Nababagot kong sambit at nag unat.

"Grabe ka naman sakin! Hindi naman ako patay gutom eh! Tara na kasi! Magshoshopping tayoooo!"

***

"Fritzy! Ang sarap nito omo omo" Sabi niya at kumain ng isang pancake. Nasa pancake house kami ngayon.

"Akala ko ba hindi food trip to?"

"Hindi naman eh! Nagutom lang ako kaya kumain ako"

"Nagutom? Naka tatlong kain ka na magbuhat nung umapak tayo sa mall!" Reklamo ko.

Pagkarating talaga namin sa mall, sabi niya gusto niyang pumunta sa Mcdo para kumain. Maya maya pumunta kami sa Mang Inasal, kumain pa ng unli rice! Tapos ito naman ngayon.

"Ha? Nakatatlo na ba ako?" Napasapo ako sa noo ko.

"Last na to. Kapag talaga kumain ka pa, iiwan kita dito" Pagbabanta ko.

"Opo boss! Last na to!" Nag salute pa siya sakin at nilantakan yung pancake.

Napabuntong hininga ako. Minsan kina-iinggitan ko siya kasi hindi manlang siya tumataba kapag nakain.











Kumulo ang tiyan ko. Napahawak ako dito.

Nakarinig ako ng tawanan galing sa mga kaklase ko. Ano bang nakakatawa eh nagugutom lang naman ako?

Umupo ako sa may pinaka gilid na table. Wala eh, ang loner ko lagi.

"Hi! Pwedeng makiupo?" Napatingin ako sa kanya atㅡ

Napanganga ako.

Halimaw ba to?! Bakit may dala siyang isang tray ng sandamakmak na pagkain?!

Tumango ako at nilagay na niya ang tray sa table. Umupo na siya at kumain na siya.

Bigla ulit kumulo ang tiyan ko. Napatigil siya sa pagkain.

Maya maya, binigay niya sakin yung isang egg sandwich.

"Oh, iyo nalang. Huwag ka nang humingi ah? Kukulang to sakin kapag humingi ka pa" Kinuha ko ito at nagpasalamat.

Napatingin ako sa name tag niya.

"Salamat talaga Kim"









"Ubos na! Tara na Fritzy!" Nagpahatak nalang ako sa kanya.

END OF CHAPTER THREE.

𝗙𝗥𝗜𝗘𝗡𝗗𝗦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon