"Hurry up, cuddlebear. I love you," aniya dito at binuksan ang pinto para lumabas pero narinig niya pa ang may kalakasang sagot nito na nagpangiti sa kanya.

"I love you more, babe."





"PRIUS IS everything alright? Do you need help?" tanong ni Kalisz kay Prius na abala sa pagluluto ng kung anong putahe para sa dinner.

Lumingon ito sa kanya at binigyan siya ng thumbs up.

"No need. I got this."

"Okay. Just tell me if you need help."

Tumango ito.

Lumabas siya ng kusina at tinungo ang garden kung saan gaganapin ang dinner. Naroon ang ibang kasambahay at inaayos ang mesa habang si Auri ay naroon din at tumutulong.

"Hey, sweet Kalisz!" Bati sa kanya ni Auri ng makita siya. "Malapit na kaming matapos dito," imporma nito habang inaayos ang plato.

Tumango siya at lumapit dito at niyakap ito patagilid.

"Salamat sa pagtulong," bulong niya sa kaibigan.

"Nah, wala 'to." Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. "You're ready?"

"Oo. Bakit? Hindi ba okay ang suot ko?" may pag-aalala sa boses na tanong niya.

Simpleng bestida ang suot niya na umaabot sa tuhod. Dark green ang kulay at walang cleavage at hindi rin expose ang likod niya.

"No, you look beautiful," ngumiwi ito. "It's just... mukhang binalot ka ni kuya Kron. Wala man lang cleevage or expose back at talagang hanggang tuhod talaga," napalalatak ang kaibigan niya.

Natawa siya sa sinabi ni Auri.

"Well, Kronack chose this dress. And you know what kind of wardrobe I have in my closet. It is worse than this."

Napaawang at nanglaki ang mata ng kaibigan sa sinabi niya. "Oh, no! Not your wardrobe! That's definitely better," mabilis na saad nito habang nakaturo sa damit niya.

Nagkibit balikat si Kalisz at mahinang tumawa.

"But kuya Kron should have bought you something sexy like the one that you had on his birthday," saad nito.

"I told him that he doesn't need to buy me a dress and I'll just wear the dress I had on his birthday but he told me, no."

Napangiti siya ng maalala ang sinabi ng binata.

"I asked him why and he told me I better stay in his room all night and ravi-"

"Stop!" Pigil sa kanya ni Auri sa iba niya pang sasabihin habang nakataas ang isang kamay. "Too much information, Kalisz."

Napaisip siya, matapos ay napangiwi. "Sorry about that."

Nagpatuloy ang kuwentuhan nila ni Auri habang tinutulungan ang mga kasambahay sa pag-aayos ng mesa. Ang ibang kaibigan naman ni Kronack ay tumulong din sa pag-aayos at pagbitbit ng mga pagkain sa garden.

"Kalisz, tawagan mo nga si Kronack ang tagal niya naman," wika ni Cyclone.

"Oo nga Kalisz. Ayaw kong dumating ang mga kapatid at magulang niya na wala siya," saad naman ni Lust.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"

Nagkibit balikat si Lust bago sumagot. "May mga kapatid kasi si Kronack na nakakatakot."

"Tumigil ka nga Lust tinatakot mo si Kalisz," saway dito ni Auri.

"Okay lang. I prefer to know what others think about Kronack's brothers so I could ready myself and not be taken away by surprise," Kalisz said with a smile.

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon