Chapter 10

52.7K 1.4K 294
                                    

"IKAW PALA yung ikinuwento minsan ni Auri na kaibigan niya," wika ni Sierra ng makaupo ito sa harapan nila ni Kronack.

Tumango si Kalisz at tipid na ngumiti. Ito pala yung secretary ni Riot. Mukhang malapit ang babae sa boss nito at kay Kronack.

"Ahh..." Tumango-tango ito. "Pasensya ka na, huh? Basta ko na lang niyakap si boss amazing. Matagal ko na kasi siya hindi nakikita at may ipapagawa sana ako sa kanya kaya sobrang tuwa ko na makita siya." Mahabang paliwanag nito.

"Okay lang." Maagap niyang sagot dito.

Wala naman siya magagawa kung may yayakap kay Kronack. Okay lang naman kung may yumakap sa binata, wala namang mali do'n.

Kahit na sa loob-loob ni Kalisz ay bumigat ang pakiramdam niya at gusto niya ng baklasin ang braso nito.

"Pero maganda ng magpaliwanag, mahirap na baka magselos ka sa akin. Kaibigan ko lang yang jowa mo," wika nito na ikinalaki ng mata ni Kalisz.

"No...hin-hindi ko-"

"Babe, can you hand me the tissue?" Biglang saad ni Kronack sa tabi niya at ipinatong ang isang braso sa sandalan ng upuan niya.

Wala sa sariling inabot niya ang tissue na hinihingi ng binata at ibinigay iyon.

Kalisz glanced back at Sierra who was looking at them with a wide smile. Nginitian niya na lang ito at hindi na itinuwid ang maling akala nito. Baka nagbibiro lang din ito.

While Riot on the other hand is smirking and looking at his brother while shaking his head.

Kalisz peeks at the man beside her, and Kronack is simply looking at his brother seriously. Parang nag-uusap ang dalawa gamit ang mga mata at mukhang tuwang-tuwa si Riot.

Tsk, siblings.

"Ano ipapagawa mo sa akin, Sierra?" Tanong ni Kronack makalipas ang ilang sandali. "My wage is gold. Make sure you have it." Nakangising dagdag ni Kronack.

Seirra pouted. "Libre na lang boss." Pinagdaop nito ang palad.

Umiling si Kronack.

"What do you want my brother to do kabute?" Nakataas ang kilay na tanong dito ni Riot.

Sierra grinned from ear to ear not minding if Riot called her kabute.

"Simple lang naman boss topakin, gusto ko lang malaman kung sino latest ni boss sungit."

"And how do you think you want me to do it?" Tanong naman ni Kronack habang nakatingin kay Sierra ng nakangisi.

"Hack his phone?" Patanong na sagot ni Sierra.

Umiling ang magkapatid.

"You're hopeless, kabute." Komento ni Riot.

"Hmph! Topakin ka talaga boss. Hindi mo man lang ako masuportahan." Kunyare ay nagtatampo na turan ni Sierra.

Tinignan ito ni Riot na parang walang pakialam.

Samantalang napapangiti na lang si Kalisz sa relasyon na meron ang dalawa. Hindi mo aakalain na mag-amo ang dalawa kung mag-usap.

Nagpatuloy ang pangungulit ni Sierra kay Kronack habang sinasagot lang naman ito ng binata ng; my allegiance is on my brother.

Si Riot naman ay tahimik lang at mukhang walang pakialam sa pangungulit ng sekretarya nito. Maliban sa pangbabara nito minsan kay Sierra na sinasagot lang ng babae ng pagtataray.

They stayed at the restaurant until Sierra and Riot finished their meal. Tapos ay nagpaalam na silang dalawa ni Kronack.

"Where do you want to go?" Tanong sa kanya ni Kronack ng makalabas ng restaurant.

Kronack CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon