07: UNLUCKY EIGHTEEN

60 10 0
                                    



[Love at Chat--Chapter 7]

*Yamanu's POV*

" Ashia, mahal kita" saad ko. I held her hands ang look towards her beautiful eyes.



"Ano? Paano mo naman nasabi? h-hindi ko maintindihan" napatulala siya. Shocked.



Hindi niya ba napapansin ang bagay na yun? Sa ilang araw naming magkasama, hindi talaga? Hindi naman siya mahirap mahalin ah.



"Mahal na mahal kita Ashia" I let out a small smile, trying to stop my tears from falling, but I failed.



"Sorry may iba akong mahal. Pasensya na talaga J----".



took took toook!!



Nagising ako ng may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. I felt my tears falling.



WTF?! Bakit ako umiiyak?! P*ta ang sama ng panagginip ko!! sana di magkakatotoo.



*Ashia's POV*


"cringgggg, cringgggggg, cringgggggg"


Aaarghhhh! ang ingay!


"cringggg, cringgggg, cringggggggg".



Agad kong kinuha ang aking phone na nasa ilalim ng aking unan. Bahagya kong binuksan ang aking mga mata upang makita ang notifications.



15 miss calls from Choi Princess.


Ibabalik ko na sana ang aking phone sa ilalim ng aking unan upang matulog ulit ng mag ring ulit ito.



"hello" bati ko habang nakapikit parin ang mga mata. "bakit napatawag ka cessy?" I asked, opening my eyes a bit.



[Anong Cessy??! Si Fort to sira!] saad ni Cessy... AT FORT PALA!!!! Lutang pa utak ko gosh! Hindi pala si Princess ang tumawag kanina.



Agad akong gumulong sa aking pagkakahiga, and I accidentally fell from the bed.



"Ouch! Ang tanga ko naman" I muttered.



[Anyare Ashia?] tanong ni Fort sa kabilang linya. [uyy si Ashia yan? akin na ngaaa!!] I heard Riley with his worried voice.

Love At Chat - (On Hold)Where stories live. Discover now