01: THE KILLJOY

122 13 0
                                    

[Love at Chat--Chapter 1]

Eight years ago...

"Ashiaaaaaa!" napatigil ako sa pagbabasa ng libro ng marinig ko ang sigaw ni Pearl, pinsan ko na nagmamadaling tumatakbo papunta sa akin.

"Choi naman ih. Anong bang kailangan mo? kaunting respeto naman sa nagbabasa ohh" inis kong Saad nung nakarating na siya sa harapan ko.

Nandito ako ngayon sa Garden ng school namin kung saan may mga mesa at upuan at tahimik lang kaya bet na bet ko ditong mag-basa.


"Choi! Help me pleaseee!" Saad niya habang hinahabol parin ang kanyang paghinga dahil sa pagtakbo niya kanina. Siguro medyo malayo ang pinanggalingan niya. Sige na nga, I'll stop reading na.

Sinara ko na ang librong hawak ko at inilapag iyon sa mesang nasa harap ko sabay lingon sa kanya. Umupo naman siya sa upuan na nasa harap ko.

"oh, anong problema Choi? Sila Matt, Fort, Princess, Riley at Diego? Where are they?" tanong ko kay Pearl na hinihingal parin.


"ayun ohh, basta mamaya mo na sila hanapin!" Saad nya sabay turo dun sa may pathway at tamang tama nga naman, papunta sila dito.

Sila yung squad ko. Si Pearl, Matt, Fort, Princess, Riley at Diego. Ang tawag samin 'The Mighty Squad'. Ewan ko nga bakit. Walang namang kamighty-mighty sa Squad namin bukod sa akin. CHAROT! joke lang.


"What's you're problem ba kasi? Bakit ganyan ang itsura mo ngayon Choi?" natatawa kong Saad kasi para siyang baliw na tumakas galing mental HAHAHA!


"Wowww ahhh!! Ano bang meron sa itsura ko HAAH?!!" tanong niya naman na para n ang naiinis na. Ang pikon talaga ng pinsan kong ito.


"wala lang----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nasalita na siya. Mukhang nagmamadali nga. But I think, hindi bad news ang chika niya sakin ngayon dahil grabe yung ngiti niya, parang abot tenga!


"Choi, may nakilala kasi ako sa chat. Finollow niya kasi ako sa IG at nagfollow back naman ako syempre. He's so charming Choi!! Kyaaaaaah!!" aniya sabay tili. Nagtakip ako ng tenga kasi ang sakit na ng tenga ko kakatili niya.


"ayy maharot, marupok! HAHA!" asar ko sa kanya na ngayon ay naka pout na. Ang sarap talaga asarin ng pinsan ko! Pikon kasi HAHA!


"oh, mga Choi. Bakit kayo nagtitilian dito, ha? Anong meron?" singit ni Diego. Nakarating na pala sila dito. Mangungulit na naman ang mga makukulit na ipis.


"correction Choi, 'bakit tumitili si Pearl'" ulit ko pa sabay kuha ng librong binabasa ko. Pero napatigil ako ng napansin kong wala si Princess at Matt.


"Saan si Princess at Matt Choi?" tanong ko sa kanila pero Binigyan lang nila ako ng 'sa tingin mo saan' look. Ayy tama. Madalas pala silang magdate.

"Hoi ano ba Ash. Ako naman pasalitain mo oy!" Saad naman ni Pearl sabay tulak ng libro sa mukha ko.

Araaaaay ahhh! Grabe manulak ang baklang 'to.

Bumalik nalang ako sa pagbabasa. Favorite ko talaga ang author nito. Ang gaganda ng mga sinusulat niya. Hindi mga cliché. I love her na talaga.


"so ganito nga yun mga Choi..." panimula ni Pearl. Ayan na naman ang marupok HAHA! "nag message siya sa akin. Tapos---waaaaah" Saad niya. Hindi nga nya matapos-tapos ang kwento niya kakatili tapos hindi niya ako papaimikin? Tsk. Kilig much pearl? HAHAH.

"follow, chat, social media. Walang nagtatagal dyan. Haha!" singit ko habang nakatutok parin sa librong binabasa ko.


"alam mo Choi, ang KJ mo talaga kahit kailan" nagtatampong Saad ni Pearl sabay crossed-arms. Tawang-tawa naman sila Fort, Riley at Diego.

Love At Chat - (On Hold)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu