02: MISS HYPOCRITE

85 11 0
                                    

[Love at Chat--Chapter 2]

Umiinit ang ulo ko ngayon. Bukod sa kutong  lupa na nagreply sa akin last week, sino nga yun? J-JD? Oo siya yun, may tinatapos pa kasi akong project at hindi tumulong ang mga group mates ko.

JD replied: yeah, I'm right. KJ ka nga.


Ashia replied to JD: how dare you!


Yun nalang ang naisagot ko. I'm speechless. Grabe ang ugali ng lalakeng ito! Lalake ba talaga 'to?!


JD replied to Ashia: 3:>


Napatigil nalang ako sa pagiisip at itinuon ko nalang ang sarili ko sa pagtapos ng project namin... more like project ko.

"Choi, di ka pa ba tapos? Nasaan ang mga group mates mo?" tanong ni Riley sabay upo sa tapat ko.


"I don't know Ri. Hindi naman talaga yun tumutulong 'e. Pero papatapos na din ako" Saad ko habang nakatuon parin ang paningin ko sa project na ginagawa ko. "nasaan sila? Are you going home na?" I asked.


"no, we will wait for you. But, nasa parking na sila" Saad niya. Niligpit ko na ang gamit ko and I immediately stood up.


Pagka dating namin sa parking area ay nakita ko kaagad sila Pearl. Tamad akong naglakad papunta sa kanila.


"oh, nandito na si nerdy! Kumusta nerdy? Nilamok na kami dito kakahintay sayo" tawa ni Fort. Hindi ko namalayan na malapit na palang mag 6 pm. Sumakay na kami sa car ni Princess. May driver siya kaya no worries.


"sorry guys, may tinapos lang" I answered lazily. Napansin kong bihis na bihis sila. "where are you going? Bakit bihis  na bihis kayo?".


"OMG Ash! Nakalimutan mo na?!" nakasimangot na tanong ni Princess. I shrugged.


"Ang alin, kamahalan? Anong nakalimutan ko Cessy? Monthsary ninyo? Anniversary? Ano?" tamad kong tanong. Hindi naman talaga ako ganito 'e. Pagod lang.


"Choi, birthday ni cessy! Paano mo yun nakalimutan ha?" bwelta naman ni Pearl.


"mamaya na nga yan. Bihis ka muna Ash" excited na Saad ni princess. May inabot siya saking paper bag. Nang tingnan ko ang laman, napanganga ako sa nakita ko. Isang yellow na off-shoulder dress.


"kamahalan, kailangan ko bang suotin 'to? Parang di bagay sakin Choi. Masyadong expose ata balikat ko" reklamo ko pa. Pumalakpak sila ng mabagal. Parang sarcastic masyado.


"Lola, mano po" pang-aasar ni Riley na akmang magmamano sakin.


"What? Seriously Choi? Ang lola mo naman
'e" alma naman ni Pearl.


"Ash, hindi pa kita nakitang magsuot ng ganyan---"


"exactly! Di ko pa na-try" hindi ko na pinatapos si Princess sa sasabihin niya dahil sumabat ako.



"Ashia naman. Walang mali sa first time Noh" patuloy ni Princess.


"hayss. Oo na. Oo na po, kamahalan" Saad ko. Pagkadating na pagkadating namin sa bahay nila Princess, I reluctantly got out of the car ang went inside the comfort room.


Agad kong isinuot ang yellow dress na pinapasuot sakin ni Princess. Buti nalang at nagkasya. Masyado nga lang exposed ang collar bone ko. Hindi ako sanay.


Pagkatapos ko mag bihis ay sinuklay ko ang buhok ko at naglagay ng pulbos sa mukha ko. Hindi na ako magliliptint. Kinuha ko na ang Phone ko sa bag at chinat si mama.


Love At Chat - (On Hold)Where stories live. Discover now