III

10 2 0
                                    

"Flight SWSB6 is now boarding...please make your way to Gate 05." Anunsyo ng isang speaker sa airport. Ngayong araw din mismo ang aking alis papuntang Thailand. ang alam ko lang rito ay dito lumaki si lolo at may lahi siyang Thai. Tatay ko din ay isang Thai pero di niya naituro sakin akung papaano magsalita sa lenggwahe nila.

Bitbit ang mga gamit, agad kong tinungo ang Gate 05 na sinabi doon sa anunsyo. Ngayon lang din ako nakasakay sa eroplano kaya medyo kabado. Baka mawala ako. Hirap na, ang ganda ko pa naman. Baka makidnap ako ng wala sa oras.

Habang nakasakay sa eroplano, hindi ako mapakali. Kabado, naeexcite? basta halo halong emosyon ang aking nararamdaman. Bat pa kasi kailangang sumakay ng eroplano, bat hindi nalang ipagdikit ang dalawang bansa diba?

Wala akong magawa sa eroplano. Kain,tulog, nood ng mga sayaw ng Blackpink, titingin sa bintana, tutulog ulit. Yun lang naging gawaun ko sa mga oras na yan.

Pagkalapag ng eroplano pagkatapos ng ilang oras na paglipad sa himapapawid ay napatalon ako sa tuwa na naging sanhi ng hindi pagtingin sakin ng mga tao na nasa loob ng eroplano. Kaya, yumuko ako at nanatiling nakayuko hanggang sa makababa ako ng eroplano.

Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang paligid. Mga pamilyang nagsama sama, magjowang nag iiyakan akala mo di nagkakausap sa telepono. Hayst, sarap nalang magsabi nang "Sana all" pero wala naman akong magagawa. Kapalaran ko nadin siguro ang mag isa.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang maleta bago lumabas ng airport. Nakakapanibago, yun lang ang masasabi ko. Ibang-iba ang lugar nato kesa sa aking nakagisnan.

Inupuan ko muna ang aking maleta at naghintay ng taxi nang bigla na lamang humawak sa aking balikat. Napasigaw at napatayo ako sa gulat bago ko siya tignan ng masama.

"안녕하세요! 당신이 지구 카타몬나트인가요? (Hi!  Ikaw ba si Earth Katsamonnat? ) " Tanong niyo at nagpakunot sa aking noo.

-----------------------------------------

Unedited

Seoul to BangkokWhere stories live. Discover now