I.

14 3 0
                                    

" Apo, maniniwala kaba kung sasabihin ko sayo na may dalawa akong katauhan?" isang nakakabiglang tanong ang sumalubong sakin habang hawak hawak ko ang tray na may lamang pagkain. Galing ako sa aming kusina at naghanda ng makakain namin nang aking pinakamamahal na lolo.

Cooheart o Earth Katsamonnat nga pala ang aking ngalan. Isang estudyante na magtatapos. ilang buwan na lamang amg aking hihintayin upang makatungtong sa entablado at tanggapin ang mga pangaral na aking makukuha.

Kasama ko ang aking Lolo. Byun Baekhyun ang kanyang pangalan. Kaunti lamang ang nalalaman ko mula sakanya. Isa siyang napakamisteryosong tao. Tulad ngayon, bigla na lamang niya sinasabi na siya ay may dalawang katauhan

"Hindi ko po alam lolo. Pero kung ganun man po, eh kayo po ay tatanggapin ko. Tulad ng pagtanggap niyo sakin." Sagot ko habang inaayos ang hapag kainan. Parehas kami ng kasarian. Bakla ang tawag samin. Kaya di na ako magtataka kung bakit mas natuwa pa siya nung ako'y nagtapat sakanya.

"Buti naman kung ganun. Pero apo, may bilin sayo ang lolo" Sabi niya habang tinitignan ang kanyang pagkain. Umupo ako katapat niya at hinintay siyang sumagot. Pinanood ko ang kanyang mga galaw. Ngumiti siya ng bahagya at napabugtong hininga.

"Pag nagmahal ka, kahit anong mangyari, sundin mo ang puso mo. Piliin mo ang mas makakapagpasaya sayo. Pagkatiwalaan mo ang mga sasabihin sayo. At kung may dahilan kung bakit niya nagawa yun, tanggapin mo. Pero wag mong hahayaan na saktan ka ha?" Bilin niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Napailing na lamang ako. Hindi ko alam kung saan niya nahuhugot ang mga ito.

"Opo lolo tatandaan ko po yan" Sambit ko ng may malawak na ngiti, ngiting umaabot hanggang mga mata. Ang mga ngiting sakanya ko namana. Napatawa naman siya ng bahagya bago ito kumain. Napailing na lamang ako at nagsimula nadin kumain.

---------------------------------------

Tatlong linggo pagkatapos nun ay bigla na lamang nanghina si lolo. Hindi makakain ng maayos kaya agad ko naman itong dinala sa hospital. Kagat-kagat ang mga daliri, at pabalik-balik ang mga paang di mapakali habang hinihintay ang resulta ukol sa kondisyon ni lolo. Ako'y nagdasal ng taimtim na sana wag muna siyang kunin.

Makalipas ang dalawang oras, bigla na lamang bumukas ang pinto na naghihiwalay sa aming dalawa. Lumabas ang doktor na may hindi magandang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha.

Lumapit ako sakanya habang hindi mapakali. " Kamusta na po siya dok? okay lang po ba siya?" Tanong ko habang hawak hawak ang manggas niya. Napailing ito at tinanggal ang salamin niya. Ako'y kinabahah. Wag naman sana, wag muna.. hindi ko kakayanin pag nawala siya. Ang tanging pamilyang meron ako.

"Ipagpaumanhin mo pero lumalala na ang kundisyon niya. Araw -araw palala ng palala. Wala na akong magagawa, ang maipapayo ko na lamang ay samahan mo siya sa mga nalalabi niyang araw. " Sagot nito bago tinapik ang aking balikat. Naglakad eiya papalayo habang ako naman ay hindi mapigilan na umiyak.

Umiyak ako ng umiyak sa labas ng kwarto niya. Pagkatapos ng kwarentang minuto ng pag ngawa at paghikbi, pinunasan ko na ang aking mukha bago pumasok. Doon nakita ko siyang nakahandusay, parang lantang gulay. Nang kanyang maramdaman ang aking presensya ay lumingon ito sa aking gawi ng may ngiti sa mga labi.

"Apo halika dito." utos niya habang tinatapik-tapik ang pwesto sa kanyang tabi na agad ko naman sinunod. hinawakan niya ang aking mga kamay na nagpaluha sakin.

"Malapit na pala ang oras ko. Sayang di ko maabutan ang graduation mo. Pero okay lang yun, makikita ko padin naman yun kasama ang mga magulang mo." Pagbibiro niya na nagpangawa sakin. Masakit na tanggapin na ang aking kasangga mula noon, iiwanan nadin ako.

"Itong batang to lakas ngumawa. " umiling siya saglit bago magpatuloy. "alam kong naguluhan ka sa mga naririnig mo mula sa akin. Kaya ibibigay ko sayo to. " Tinanggal niya ang kanyang kwintas na may nakakawit na susi at isang pendant saka niya nilagay sa aking mga palad.

"Pumunta ka sa Bangkok pagkatapos kong maging abo apo." Ginulo niya ang aking buhok habang ako ay natango tango.
"Gusto ko, yung taong nasa mga sulat na iyong mababasa ang siyang magsasaboy sa aking mga abo." Bilin niya at ako ay naguluhan.

"May iba kapang lalaki lolo?" Tanong ko sakanya at agad naman niya akong binatukan. "Hay naku. makikilala mo din siya. Pero sa ngayon wag mo muna siya iisipin." Ngumiti siya ng mapait, oo mapait. Tila ba ay nasasaktan?

Mukhang wala akong sagot na makukuha kahit na magtanong ako kaya aalamin ko ito mag isa.

------------------
Unedited

Seoul to BangkokWhere stories live. Discover now