CHAPTER 21

363 13 0
                                    

CHAPTER 21

Just Met

Aitana/ Abry's POV

I WOKE UP WITH SOME NOISE. Sa tingin ko ay hagikgikan nila aswang at Santi. Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko.

Ba't parang matigas ang unan ko?

"Gising na ate Abry!" sabi ni Santi habang nagtatalon sa kama. Minulat ko ang mga mata ko at ganon na lang ang gulat ko ng hindi unan ang yakap ko kundi si aswang!

"Good morning, boobsie baby ko." he smiled and give me a peck on lips. I covered my mouth because i just woke up and not yet doing my morning routine.

"Aswang!" saway ko sa kanya. Nagkunot naman sya ng noo na parang walang ginawa.

"I just woke up!" sabi ko.

"So what? Ano naman?" inosenteng sabi pa nya.

"Heh!" sabi ko at agad na tumayo para pumasok ng banyo.

"Bilisan mo ate! Aalis daw tayo!" sigaw ni Santi sa labas.

Mag-grocery nga pala kami for dinner. May chef naman bat kailangan ako pa magluluto? Gosh may trabaho po ako. But i can make my own schedule, i'm the boss duhh.

"READY?" tanong ni aswang pagkababa ko. Bihis na sila ni Santi. Mga naka shades pa!

"Ang gwapo mo naman Santiii!" sabi ko at pinisil ang pisngi nya.

"Thank you ate Abry!" nakangiting sabi nya.

"Ako ba? Hindi ba ako gwapo?" tanong ni aswang.

"Hindi!" sabay na sabi namin ni Santi. Sumimangot naman sya at iniwan kami ni Santi para lumabas na. Nag apir naman kami ni Santi habang tumatawa.

"HOY HINDI MO BA TALAGA KAMI PAPANSININ?" tanong ko kay aswang habang kumukuha ng cart. Ayaw pa din kaming pansinin. Parang tanga lang hindi lang nasabihan ng hindi gwapo hindi na mamansin.

Sumimangot lang sya at inagaw sa akin ang cart na hawak ko. Isinakay nya si Santi sa may upuan sa cart.

"Tara na poo!!" excited na sabi ni Santi.

"Santi gusto mo nito?" sabi ko sabay pakita sa kanya ng mga kinuha ko. Heheh stik-o, krimsticks, polvoron, delight sarap kaya nito.

"Sige ate! Kuha mo din ako!" sabi nya. Nakita ko naman ang pagsimangot ulit ni aswang. Pumunta ako sa gilid nya at hinawakan ang braso nya.

"Wag ka na magtampo, aswang... Gwapo ka naman talaga eh." sabi ko. Tumingin naman sya sa akin at nagpout. Tsk. Bakit ba ang gwapo nito.

"Wow tignan mo ohh ang gwapoo!"

"OMGGGG ang hot nung fafa!"

"Goshh! Kuya sakin ka na lang!"

Sigawan ng ilang kababaihan. Hmp, nakakainis ano ba naman yan!

"Talaga gwapo ako?" tanong nya pa.

"Oo nga! Di 'ba Santi?" tanong ko pa kay Santi.

"Opo! Bagay nga po kayo eh!" sabi ni Santi. Kita ko naman ang pigil na ngiti ni aswang.

"Weh? Pano nyo ko mapapaniwala?" tanong nya pa. Hindi pa sya naniniwala sa lagay na yan ah. Promise hindi pa, para lang naman syang baliw na nagpipigil ng tawa.

"Muahh!" tumingkayad ako at humawak sa braso nya para mahalikan sana sya sa pisngi ng lumingon sa sa gawi ko kaya labi nya ang nahalikan ko!

Wahhh andaming tao ehhhh!!

Ngiting aso naman sya habang ako ay nakasimangot na kumuha pa ng ibang kakailanganin namin. Pabalik na ako at maglalagay na ng mga nakuha ko ng makita ko si aswang ng may kausap na mga babae!

"Ilang taon na po kayo kuyaa?!"

"Kuya anak mo ba sya?! Cutee nyaa!"

"Kuya pwedeng mahingi number nyo?"

"Kuya may girlfriend ka na?" tanong nilang lahat at akmang sasagot si aswang ng magsalita ako.

"Oo, may girlfriend na sya kaya pwede nyo ng layuan ang boyfriend ko." masungit kong sabi tsaka nilagay ang dala ko sa cart.

"Pahiram naman ate!"

"Oo nga! Pahiram!"

"Ayoko! Humahap kayo ng inyo!" sigaw ko sa kanila.

"Sungit naman ni ate."

"Hihiramin lang naman eh."

"Parang isang araw lang!"

"Tse! Mga taong to. Imbis na matiwasay kaming namimili eh.." bulong bulong ko ng maramdaman kong may humawak sa baywang ko.

"You're so cute!" isa pa tong aswang na to!

"Isa ka pa! Gustong gusto mo namang nilalapitan ka ng mga babaeng yun!" inis na sabi ko pero para syang tangang ngingiti ngiti.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?! Wag ka nga ngumiti at naiinis ako sayo!" sabi ko.

"You're jealous.." parang baliw na nakangiting sabi nya.

"W-what?! No! I'm not!" sabi ko.

"Yes you are, right Santi?" nakangiti namang tumango si Santi! Anak ng! Akala ko ba kami ang magkakampi?

"See? You're jealous." parang natutuwa pa syang nagseselos ako-- ay tse! Hindi ako nagseselos!

"Dyan na nga kayo! Kainis tong mga to!" sabi ko at inunahan sila. Kumuha ako ng makikita kong kakailanganin ko. Kukunin ko na sana yun ng may makasabay ako. Napatingin naman ako sa may edad ng babae.

Hmm? Ako lang ba or parang may kamukha sya? Aishh namamalikmata lang siguro ako.

"Eto po oh." sabi ko sabay abot nung dapat na kukuhanin namin. Mukha naman syang nagulat sa iniasta ko bago nya kinuha iyon.

"Salamat hija.." sabi nya at ngumiti ng maayos. Pero para talaga syang pamilyar eh.
Hindi ko lang alam kung saan ko sya nakita.

"Walang anuman po." nakangiting sabi ko. Akmang aalis na sya ng hawakan ko ang braso nya na ikinatigil nya.

"Nagkita na po ba tayo dati? Para po kasing ang pamilyar nyo eh?" tanong ko. Nanlaki naman ang mata sya at parang hindi alam ang isasagot. Magsasalita pa sana ako ng madinig ko ang boses no aswang.

"Aitana? Sinong--" napatigil sya sa pagsasalita at mukhang nagulat ng makita kung sino ang kausap ko.

Bakit naman kaya sya nagulat?

"Tara na, Abry.." aya ni aswang.

"Huh? Pero.."

"Let's go. Di 'ba may bibilin ka pa doon?" sabi nya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Pero sino kaya yung babaeng yun? Parang may kahawig sya eh? Oh talagang ako lang yun? Hays naiistress ako! Ano ba yan? Baka magkawrinkles na ako nito!

To be continued....

He's My Pervert Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now