CHAPTER 16

390 15 0
                                    

CHAPTER 16

Escape

Aitana/ Abry's POV

KANINA pa ako nagiisip para makatakas at makauwi ng maaga. Nakapag dahilan na kasi si Tabs kay kuya. Ang problema ko na lang ngayon ay si aswang.

"I'll go home early." sabi ko habang isa isang nililigpit ang mga gamit ko.

Maaga ako pinapauwi ni Tabs dahil aayusan nya pa daw ako. Ang sabi ko ay wag na pero masyadong makulit ang isang to at nagpupumilit.

"Why? It's just 3 pm. Susunduin pa natin si Santi." sabi nya at tumingin sa relo na nasa pulsuhan nya.

"I can't. I have something to do." dahilan ko.

Gumana ka pleaseee. Gumana ka, gumana ka.

"What is it? Maybe i can help." andaming tanong!!!

"Heheh hindi na... Kasama ko naman si Tabs eh.." sabi ko naman.

"Hmm.. I can help naman." pilit nya pa.

"Hindi na nga eh!" napasigaw tuloy ako. Mukha naman syang nagulat sa pagsigaw ko.

"Hey i'm just suggesting here, why are you shouting?" kunot noo'ng sabi nya.

"W-wala.. ikaw kasi eh." muntik na akong mautal.

Sya naman kasi may kasalanan eh. Ang kulit nya. Pwede naman kasing umoo na lang dami pang tanong.

"Oookayy.. I'll pick you up na lang later?" suggest nya nanaman.

"Hindi. Hindi na. Kaya na namin to." sabi ko pa habang kinukumpas ang kamay ko bilang pag di sangayon.

"Okay, just take care." ngumiti naman ako. Kinuha ko ang bag ko at handa ng umalis ng may humatak sa pulsuhan ko. Namalayan ko na lang na nakalapat na ang labi ko sa labi ni aswang!

Wahhhh ano ba naman yan!!!

"Don't get near to any boys, okay?" ngumiti na lang ako ng pilit.

Don't get near? Eh bar nga yung pupuntahan namin pero di ko yun sasabihin minsan lang ako makakapunta sa mga ganito kaya sulitin na to.

Habang nagd-drive ako ay tumawag si Tabs.

[ Hey, Abry! Where na you? ] tanong nya.

"Malapit na ko. Wala ba dyan si kuya?" tanong ko pa.

Mahirap na baka mamaya mabulyaso pa ang plano namin. Sayang naman ang experience.

[ As of now, wala pa. Maya make it fast, girl! Baka maabutan tayo! ] sabi pa nya.

"Okay okay! Ayan na!" sabi ko at dinagdagan ang bilis ng takbo ng kotse ko.

KANINA pa ako nakasimangot dito sa kwarto ni kuya-- na kwarto na ngayon nila Tabs at kuya.

"Wag ka sumimangot ano ba! Ganda Ganda ng ayos mo eh!" sabi nya habang naglalagay ng red lipstick. Kiss proof pa ang nilagay nya sa amin. Ang kapal pa ng make up ko!

Pink lipstick naman ang sa akin. At sa damit? Dahil miss nya daw ako parehas kami ng suot! At kanina pa ako baba at taas ng damit na to. At wala pa man sumasakit ng ang paa ko sa black heels na suot ko.

We're both wearing pencil skirts, black ang sa akin, white ang kanya and a spaghetti strap white fitted cropped top. White namang ang sa akin, peach ang kanya. Baba ako ng baba dahil kita ang pusod ko pero binabalik lang sa dati ni Tabs.

He's My Pervert Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now