CHAPTER 13

420 17 1
                                    

CHAPTER 13

Batangas 3 ( Competition )

Aitana/ Abry's POV

"HEY. Stop, tama na yan. It's too much." sabi ko sabay tapik ng kamay nya.

Ang dami nya kasing nilagay na ulam at kanin. I was about to order my usual dinner,  just wine and steak but this aswang forced me to have rice for dinner! And also milk! For Pete's sake i'm not a baby anymore!

"No. This is not enough. You're so thin. You should eat more." mariing sabi nya saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko.

"Excuse me! I'm not thin i'm sexy!" sigaw ko kaya napatingin sa amin ang mga kasamahan namin.

Nakahiwalay kasi kami ng table pero malapit lang din sa iba. Masyadong maarte ang kasama ko at may nalalaman pang privacy daw ika nya.

"Hmm really?" pangaasar nya pa. Napairap tuloy ako at sa pag irap ko ay may natanawan akong pamilyar na bulto na may hawak na tray at mukhang naghahanap ng mauupuan.

Agad na nagliwanag ang mukha ko at napatayo para tawagin sya. Napatingin tuloy sa aking ang mga tao maging si aswang.

"Sutton! Here!" agaw pansin ko habang kumakaway. Ngumiti naman sya ng makita ako. Nakita ko sa gilid ko na napahigpit ang hawak ni aswang sa utensils na hawak nya.

"It's nice to see you here, Abry." nakangiting sabi nya ng makalapit.

Napakunot ang noo ko ng makitang bubulong bulong si aswang.

"Sit and join us." aya ko. Apatan kasi ang upuan dito sa table namin.

"Did i allow him to join us?" masungit na sabi ni aswang.

Hindi ba talaga sila magkakasundo?

"You don't but i did." mataray ko namang sabi. Nadinig ko naman ang mahinang hagikgik ni Sutton.

"What are you laughing at jerk?!" inis na sabi ni aswang kay Sutton.

"Pftt nothing." naiiling na sabi nya.

"Let's eat." sabi ko at pinagkiskis ang dalawa kong kamay habang nakatingin sa pagkain ni Sutton.

"I know that look, Abry." natatawang sabi ni Sutton pagka upo nya sa tabi ko. Sa harap ko kasi si aswang.

Gusto nya doon eh. Sabi nya maganda view doon edi doon sya.

"You're so harsh." maarte kong sabi. Napatawa naman sya kaya napatawa din ako.

"Eat Aitana." mariing utos ni aswang na mukhang nauubusan na ng pasensya.

"Are we shifting our position again, aswang?"  nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"What position are you talking about? I'm your boyfriend, right?" sarkastikong tanong nya.

"Sino may sabi? That's only for the show." mukhang mas lalo syang nainis sa sinabi ko. Handa na syang magsalitang muli ng magsalita si Sutton.

"Okay okay... Don't argue in front of food. Let's eat already. Taste this one, Abry. I know you like this." sabi nya sabay lagay sa plato ko ng fish fillet.

Wahhh one of my favorites!

"How do you know that i like it?" sabi ko pa habang ngumunguya!

"I just know. Here you can have mine." sabi nya at inilipat sa plato ko lahat ng fish fillet.

Masaya naman akong pinanood syang ilipat ang putahe sa plato ko pero agad na nawala ang paningin ko doon ng marinig ko na pabagsak na inilapag ni aswang ang hawak hawak nyang kutsara at tinidor.

He's My Pervert Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now