CHAPTER 6

577 27 0
                                    

CHAPTER 6

Charity Ball

Aitana/ Abry's POV

"GET ready for tonight, Deshawn Reed," tamad kong sabi. Inaantok kasi ako,napuyat ako kagabi kakaisip ng bansag ko sa mokong kong assistant. Aba hindi naman pwedeng sya lang ang meron noh! Nek nek nya!

"Bakit? Mag tsutsug tsug tayo? Saan? Di pa tayo kasal, boobsie ko.." inosenteng tanong nya pa!

"Tsug tsug? What's that?! Sabi ko mag ready ka dahil aalis tayo mamaya! Anong utak ba yan?!" inis kong tanong.

"Utak gwapo, babe!" masiglang sabi nya.

"Utak gwapo, utak gwapo- mukhang aswang kamo!" bulong ko.

Hehe parang may naisip na ko. Hehehe aswang hahah. Bagay na bagay. Tutal mukha syang aswang sa panaginip ko.

"Sinong aswang?!" sigaw nya.

"Ikaw! At wag mo kong sigawan ako ang boss mo!"

"Asawa mo ko! Boss boss sa akin ka din naman ikakasal!" sigaw nya din.

"Aba! Hoy hindi tayo kasal at mas lalong hindi ako ikakasal sayo! Ewww," maarte kong sabi sabay palipad ng buhok ko.

"Kaya nga ikakasal pa lang di 'ba?!-- teka saan nga pala tayo pupunta?"

"Charity event for cancer patients," i sighed after i said that.

I really really want to help those patients. Especially those who can't afford to have a check up. Tutulong ako sa kahit anong paraan, hangga't kaya ko tutulong ako.

May pera kami, sila wala. Mommy said that no matter what happens always remember that i'm not the only one who needs money. Na hindi lang ako ang may karapatang mamuhay ng maganda. So, I need to share every blessings i have. Kaya pinanindigan ko ang salitang share your blessings.

"Ahh kailan yun? Mamaya ba? Wala pa akong susuotin," sabi nya at napa buntong hininga na lang ko.

"Cancel all my appointments for today." sabi ko sa kanya.

"Hah? Bakit?" takang tanong nya.

"May pupuntahan tayo. Kaya bilis bilisan mo ang kilos at  ire-schedule mo ang appointments ko!" dali dali naman syang lumabas ng office ko.

"Aish sakit sa ulo ng aswang na yon kainis!" sabi ko habang minamasahe ang sentido ko.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ang aswang kong assistant. Mukhang nahirapan sya dahil sa itsura nya. Hagard lang? Hehe.

"I already rescheduled all of your appointments but to remind you, asawa ko.. next appointments will be hectic." paalala nya pa.

"Sure. Kaya ko yan. Ako pa ba?" mayabang kunwaring sabi ko.

Hah?! Kelan yun Aitana Bryleigh? Last time i check hinimatay ka dahil sa pagod. At buong araw kang nasa ospital para magpahinga!

Napagalitan ka pa ng napaka bait mong kapatid. Walang tigil na sermon ang inaabot mo kada magkakasakit ka. I don't know pero everytime na may gagawin akong ikakapagod ng sarili ko nag papass out ako.

NANDITO kami ngayon sa isang mall. Hinahatak, tinutulak ko na sya para lang maipasok sa isang salon. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Pasok na kasi aswang!" pilit ko habang patuloy pa din syang tinutulak papasok sa loob.

"Fvck! No way! There no way in hell na papasok ako dyan! That's only for girls, boobsie!" sigaw nya at pilit na nagmamatigas.

"Pasok na kasi! Bilis na i'll give you a kiss kapag pumasok ka dyan." pangungumbinsi ko pa. Bahagya naman syang natigilan.

"Talaga? Ikikiss mo talaga ko?" paninigurado nya.

"Oo nga. Ikikiss kita after nito," i give him my assurance. Nagisip naman sya. Humawak pa sya sa baba nya at tumingin sa taas tapos iiling.

"Hindi! Ayoko! Scam yan! Scam!" sigaw nya. Mas lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga tao.

"Pasok na kaseee! Arghhh ang bigat moooo!" reklamo ko habang patuloy syang tinutulak.

"Ayoko nga kasi! No! Noooooooo! Helpppppppp!"

Naka upo na kami ngayon at nagpapa foot spa. May nakalagay na mask sa mukha namin. Hahaha at kung makikita nyo ang mukha ng kasama ko matatawa kayo.

"Tatanggalin ko na tooo!" Sabi nya at akmang tatanggalin ng magsalita ako.

"Oh sige tanggalin mo at wala kang sweldo," pananakot ko. Mukha namang umepekto dahil pabagsak nyang ibinaba ang kamay nya.

"HAHAHAHA," mahinang tawa ko.

"Anong tinatawa tawa mo dyan?! Kainis! Lagkit sa mukha!" reklamo nya nanaman.

Kanina pa kasi sya reklamo ng reklamo simula ng iupo sya sa upuan na yun. Yung pang masaheng upuan. Aha!

"Miss!" pagtawag ko sa isang empleyado dito. Agad naman itong lumapit sa akin.

Bumulong ako sa kanya. Nakangiting tumango naman sya sa utos ko. May pinindot syang kung ano sa inuupuan ko at tada! Minamasahe na ako ng upuan. Pagkatapos sa akin ay kay aswang naman sya pumunta.

"Oy oy miss! Ano yan?! Babe?! Ano to?!" di mapakaling sigaw nya.

Hindi ba sya nagpupuntang salon? Bakit ang kinis ng mukha nya? Arte naman ng isang to!

"Wahh ano to?! Baby may tumutusok ng puwet koo?! Ahhh." natatawang inenjoy ko na lang ang pag masahe ng upuan sa akin.

"HINDING hindi na 'ko magpapaloko pa sa'yo!

To be continued...

_________________

😊

He's My Pervert Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now