CHAPTER 11

476 22 1
                                    

CHAPTER 11

Batangas

Aitana/ Abry's POV

I WOKE up lazily in the morning. Ayoko pang pumasok kung hindi lang ako ginising ng Aries na yun!

At dahil tinatamad ako. I just wear white v-neck shirt and jeans and white converse. I put my hair into ponytail. And a sling bag. Pati sa pagbaba ng hagdan ay tinatamad ako.

"Tatayo ka na lang ba dyan?" tanong ni kuya na kumakain na kasama si Santi.

"Good morning, ate Abry!" bati ni Santi.

"Good morning, baby Santi!" nakangiting bati ko. Bumaling ako sa lamesa at ganoon na Lang ang pagtataka ng iba ang nakahain sa mesa.

Dahil ba tinatamad ako o ano? Feeling ko hindi ito ang nasa menu namin sa bahay.
Adobo? Hotdog? Pancakes? Bacon? Egg?
As far as i know gulay dapat ngayon.

"Bakit iba ang nakahain?" tanong ko. naglagay ako ng pancakes. Tubig at gatas ang nasa gilid ko.

Hindi pa man ay mukhang nasagot na ang tanong ko. Lumabas mula sa kusina ang nakabusangot na si Tabs. May dala dala itong toasted bread.

"Tabs? What are you doing here?" takang tanong ko pero walang pinagbago ang mukha nya nakabusangot pa din.

"I told her to cook for me. Yun naman dapat ang ginagawa ng fiancee di'ba? Sitdown and eat Grace." Grace? Bakit nya tinawag sa second name si Tabs?

"Kuya--" handa na akong magprotesta ng magsalita si Cindy ang isa sa mga katulong dito.

"Maam, sir.. Nandito po si sir Desh."

Ang aga aga naman oh?! Ano nanaman kaya ang ginagawa nitong aswang na to?!

"Oh Desh. Kumain ka na ba? Sitdown and join us." alok pa ni kuya!

Naupo naman ang aswang!

"Good morning, kuya Desh!" si Santi.

"Morning, kiddo." sabi ni aswang sabay gulo ng buhok ni Santi.

Ang pwesto namin ngayon ay katapat ko si kuya na katabi si Tabs. Katabi ko naman si Santi at aswang. Pinagigitnaan namin ni aswang si Santi. Bakante ang magkabilang dulo na upuan. Labing dalawang upuan kasi ang nandito, tig lima sa side namin ni kuya at tig isa sa magkabilang dulo ng table.

"Anong meron ngayon? Care to tell me?" naguguluhang tanong ko.

"Well because Grace is my fiancee she'll stay here in our house---"

"Wahhh Tabs sa kwarto ko ikaw!!! Sleep over tayoooo!" excited kong sabi.

"No. She'll stay in my room." pagtanggi ni kuya. Nakita ko namang bubulong bulong si Tabs.

"And.. Desh.. Sya ang maghahatid at sundo sa inyo ni Santi---" pinutol ko sya.

"What?!!! Aries naman!" reklamo ko.

"Call me kuya! And Kung ano man yang iniisip mo. No. Hindi, my decision is final." pagtatapos ni kuya.

Ano ba naman yan?! Wala naman na akong gagawin na kagaguhan eh! Para namang ang hilig ko sa gulo eh!

Tuloy ay dalawa kaming nakabusangot ni Tabs. Pero napapansin ko lang ah parang pinagtutulungan ako nitong si kuya at aswang. Hmmm?

Handa na akong magtanong ng tumunog ang phone ko.

"Yes hello?" sagot ko.

[ Ms. Aitana our model for our latest and main design is sick. ] napatayo ako ng dahil don. It's the head of the photoshoot will held 20 minutes from now.

He's My Pervert Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now