My Heart Is All Yours

6 2 0
                                    

My Heart Is All Yours (One Shot)

Zyane

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa school-

Eh? Bakit ako napunta dito sa school mini forest!? Sa pagkaka-alam ko kasi kani-kanina lang eh nasa school canteen ako.

"Oh, nandito naman yung mga pagkain na binili ko." sabi ko sa sarili ko ng makita kong hawak-hawak ko parin naman yung dalawang biscuits at isang chuckie na binili ko for break. Recess kasi namin ngayon, kaya pumunta ako sa canteen para bumilis ng makakain. Pero pinagtataka ko lang. Bakit ako biglang napunta dito sa school's mini forest!?

"Waaaaaaahh!" sigaw ko ng pagtingin ko sa harapan ko ay nakita ko ang sarili ko. Seryosong nakatingin sa akin. Wait, ako? Nakatingin sa sarili ko!? What?

"Sino ka!?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. Kamukhang-kamukha ko talaga siya, para siyang older version ko, kasi mas mature lang tignan yung mukha niya.

"Sino ka?" tanong ko ulit pero bigla nalang siyang ngumiti na nakapagpatindig ng balahibo ko at bigla siyang naglakad palapit sa akin at ako naman ay napaurong lang.

"H-huwag kang lalapit!" sigaw ko sa sarili ko, I mean doon sa kamukha ko. At wow, masunurin. Tumigil nga siya, kaya napatigil din ako sa pag-atras. Bigla siyang umiwas ng tingin sa akin, wait bakit may nunal din siya sa kaliwang bahagi ng leeg niya. Same spot kung saan din nalocate ang nunal ko!

"Sino ako?" sagot niya at humarap sa akin habang nakangiti nanaman. Huwag ka pong ngingiti! Nakakatakot!

"Ako ay Ikaw, at Ikaw ay Ako." sabi niya. Hu? Ang gulo!

"Kayong dalawa, ang nakatakdang magtuloy ng naputol naming kuwento."

"Hu!?" naguguluhan na ako! Ano ito reincarnation? Magtutuloy!?

"Ikaw ay Ako. Iisa lang tayo. At ayokong magaya ang buhay ninyong dalawa sa kinahinatnan namin dati. Baguhin niyo ang nangyari dati." sabi pa niya at bigla nalang lumungkot ang kaniyang mukha.

"Zyane Santos!" biglang may sumigaw sa likuran ko kaya napatingin ako doon sa sumigaw.

"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap! Ano bang ginagawa mo dito ha!?" tanong sa akin ng best friend kong si Kate.

"Hu, eh. Kausap itong- eh? Asan na?" tanong ko ng biglang nawala yung kamukha ko sa likuran.

"Anong asan na!? tsaka ano bang ginagawa mo dito sa abandonadong building ha?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa paligid ko. Paano na naman ako napunta dito!? Kanina nasa canteen ako, tapos napunta sa mini forest, tapos ngayon nandito na ako!?

"Wala ka bang nakita ng kasama ko Kate?"

"Anong kasama? Tara na. Maguumpisa na yung klase eh!" sabi niya at ginuyod na ako.

***

Hayst sa wakas uwian na! Ang daming weird na bagay ang nangyari sa akin ngayong araw! Buti nalang at medyo good mood ako ngayon kasi...

MANONOOD AKO NG PRACTICE NILA KLYDE CRUZ SA BASKETBALL! YUNH CRUSH KO! YEEIII

"Bakit ba gustong-gusto mong manood ng mga practice nila? Eh hindi ka naman niyan kilala eh, hindi nga rin niya alam na nageexist ka pala." sabi sa akin ni Kate, hindi ko nalang siya pinansin at itinuon ang buo kong pansin sa laro nila. Wala akong paki kung hindi niya ako kilala, basta ultimate crush ko siya! since high school. Kahit ngayong nasa forth year college na kami. Pinilit kong makatungtung ng college, kahit wala na akong mga magulang at ulila ng lubos dahil gusto ko kasing may mapatunayan. At nagbabakasakali n kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at may Magandang trabaho na ay mapansin din ako ni Klyde, kahit malabo ng mangyari iyon. Ang galing niya talaga. Lagi ko itong ginagawa, lagi lang akong nasa anino niya at sinusuportahan siya.

My Heart Is All Yours (One Shot)Where stories live. Discover now