A Difficult Essay

1.2K 43 16
                                    

Noong estudyante pa ako, ayoko talaga sa last part ng exam, ang pinakamahirap na part, pero ironically tinatawag nilang ESSAY, ka-homophone ng opposite ng difficult. Kapag itong part na to kasi, nauubos English ko. Minsan kasi, konti lang ang baon ko. Kaya naman kung kailan kailangan na kailangan ko ng flowery words na pampahaba sa essay (para kunwari maraming alam), ayun walang magpakuhanan. Yung totoo? Ubos o wala talaga?

Well, mahirap din namang one sentence lang ang sagot mo sa question na "Why...?" Tapos may "Explain further." at "Give examples or illustrate."

Parang ganito lang 'yan. Sa question na "Why are you beautiful?", hindi naman pwedeng sabihin mo lang, "I am beautiful because I am." Kailangan mo talagang i-"explain futher." Tulad nito: "I am beautiful because I am. I am beautiful inside and out. I am beautiful no matter what you say. Words can't bring me down." Solve!

E paano naman yung "Give examples or illustrate?" Ganito ang maiging gawin:

"Dear Ma'am, I cannot this! I am too beautiful to be illustrated. I might draw a masterpiece instead." (At lagyan ng smiley)

Eto naman ang magiging reply ko kapag ako ang teacher mo:
"Sorry naman. Hiyang-hiyang naman ang kagandahan ko sa kagandahan mo!"

Minsan naman may mga estudyante talagang masyadong masunurin, literally. Sabi ko sa isang exam, "Draw a conclusion about the fox's characteristics in the story."

Lumapit sa'kin ang isang estudyante at confident na nagtanong, "Ma'am, sa'n ko po ito ido-drawing?"

Oo nga naman. Draw a conclusion kaya ang instruction.

Balik tayo sa mga estudyante blues ko. Noong elementary at high school pa ako, kapag essay na ang labanan, kinaiinisan ko ang mga linya na nilalagay sa baba ng question. Doon daw isusulat ang answer. Napipilitan tuloy akong habaan ang answers at ubusin ang reserba kong English. Noong nag-college, pauso ng school yung test booklet. Well, kumikitang kabuhayan din yun ng department namin. (Kapag teacher talaga oh, jack of all trades.) Sa test booklet naman, walang linya. Aba mas matinde ito! Pupunuin ko ang isang buong kalahati ng papel para sa iisang question?! I cannot this!

Kaya naman noong naging teacher na ako at taga-gawa na ng tests or exams, ginaya ko yung paglalagay ng linya. Parang sinabi ko na ring, "Anak, huwag masyadong habaan. Ganito lang karami at nakakaloka ang pagbabasa ng lahat ng answers niyo."

May mga iba, nakakaintindi; yung iba naman, aba matindi! May linya na nga, may nilalagay pang arrow at isusulat pa, -----> at the back. Wow! Yung totoo, speech ba 'to?

Pero sa totoo lang din, binabasa ko naman ang mga essay na sinusulat ng mga estudyante kahit mahirap nang basahin lalo na yung mga nagpapraktis maging doktor.

Pero sa totoo lang din, kung may mas mahirap pa sa essay, yun na ata ang isang Wednesday sa buhay ko na kung saan opposite ng Tuesday ang nangyari sa akin.

Kung noong Tuesday, binaha ako ng unexpected answered prayers or mga blessings in disguise, ngayong Wednesday ata ang Essay part sa exam kong ito.

Wednesday.

Salamat pa rin sa Diyos at may natitira pa sa aking P40.75. May tatlong araw na lang at ga-graduate na ako sa pagdurusa. Yun nga lang, parang di na ata ako aabot dun at ngayon pa lang araw na 'to, mauubos na ang baon ko.

Sa unang minuto pa lang, nabawasan ko na ng P9.00 ang pera ko. Sayang at hindi pa nakatyempo ng jeep, natyempuhan pa ang mini-bus. Bawas tuloy.

Ngayong araw ding ito pa, walang nagbibirthday. Kaya naglista muna ako kay Manong CO (Canteen Owner) ng snack at brunch.

Nang kinahapunan na, maaga akong nag-out sa school. Naisipan kong maglakad na lang mula sa waiting shed papunta sa bahay ng tutee ko. Kaya kung ganoon ang gagawin ko, isang sakay lang ang kailangan ko. Sinubukan ko na ring maghintay ng jeep para naman makatipid pa ng piso.

Wala din, super lungkot mode na talaga ako. Yung jeep, madalang lang dumaan. Kung hindi punó, may nakalagay sa signboard, "UUWI NA."

Ows, Manong Drayber? Sabik kay Misis?

Sumakay ako ng mini-bus. Bawas siyam na piso na naman. Ilan na lang ang natira? P22.75?

Mga bulong na naman: Magkakasya pa ba yang pera mo? Wala ka nang pag-asa! Masyado ka kasing bilib sa pananampalataya mo! Ayan! Iniiwan ka rin pala sa ere. Asan na? Asan na ang tulong ng ipinagmamalaki mong Diyos?

Kung shooting pa 'to sa music video, kanina pa ako umiyak. Ngunit bago pa mangyari yun, tumigil ang bus sa isang kanto kung saan ako bababa. At natigil din ang pakikinig ko sa mga bulong na di ko alam kung saan nanggaling.

Aside from food, one of the best stress-relievers din ang paglalakad mag-isa. Mahilig ako dun. May pagka-Dora The Explorer din kasi ako. Kahit saan, kahit kailan, maaasahan sa galaan! C'mon! Vamunos! (Tamang Spanish ba 'to?)

Nagsimula akong maglakad habang tumatakbo naman ang aking iisip. Yun ang nangyayari kapag naglalakad mag-isa. Nakakapag-isip ka kaya nare-refresh mo ang isip mo, kaya nawawala yung stress.

Sa mga oras na iyon, nakikipag-monologue ako sa aking sarili.

Naisip ko, "Paano na kaya ako? Paano ko na maikakasya ang kakaunting kong pera?"

"Kung movie pa 'to na Pursuit of Happyness, 'this part of my life is called The Bankruptcy."

"Bakit kasi madaling nauubos ang pera ko?"

"Bakit ko pa kasi yun inoffering?"

"Ay, sorry Lord. Hindi po ako nagsisisi sa offering ko ha. I cheerfully gave it to You."

"Pero di ba hinamon Mo ang kung sino man ang magbibigay ng tithe, ipaparanas  Mo sa kanya ang pangako Mong endless provision?"

"Ay, oo nga po pala. Don't put the Lord your God to the test. Sorry po ulit."

"Siguro, inallow na rin ng Diyos na mangyari 'to so that I could learn my lesson on my financial aspect. Kahit may trabaho ako, kailangan ko pa ring magtipid. Hindi naman ibig sabihin may trabaho ako, pwede ko na mabili lahat. Mas lalo pala akong dapat magtipid, lalo na't binubuhay ko ang sarili ko."

"Dear God, I felt like this is the downest point in my life. I feel so alone and hurt. But I know that You are there. Hear me, O God. Nagkamali po ako at naging pabaya. Nawa po ay ituro Niyo sa akin ang pagiging matipid at masinop sa pera. I know that You allow this for me to grow and learn that what I have is not mine, but is Yours. So now, I ask You to be with me in this endeavor. Huwag Nyo po akong pabayaan, as how You promised to never leave nor forsake me. Change me, O God, and make me responsible for the resources You entrusted to me, so that I could use them for Your glory. These things I pray in Jesus' name. Amen."

At nagdoorbell ako sa bahay ng tutee ko. Medyo maingay sa loob. May mga naririnig akong halakhakan at chekahan. Pagkabukas ng babaeng tutee ko, hinila niya agad ako, sabay sabi, "Teach, halika. Birthday ni kuya. May konting salu-salo. Pasok na po kayo para kumain."

Sa puntong 'yun, narealize ko na God is really at work. Di sya natutulog! Napangiti ako sa narinig ko sa aking tutor. Iba yung naramdaman ko. Parang sinabi ng Diyos sa akin, "Anak, naririnig kita. Kasama Mo ako at hindi kita kailanman pababayaan."

Kinilig ako pero di ko alam na yun na pala yun --- that feeling of kilig because you know you are loved!

Oh yes, YOU are loved by a loving God, and a God who makes the difficult easy.

How God Does the Math!Where stories live. Discover now