Let the Math Begin!

1.6K 50 15
                                    

"Dahan-dahan lang, mga anak, mahina ako sa Math!" isa siguro ito sa mga favorite lines ng mga estudyante ko sa akin. Da best na pambara ko yan kapag nagtatala na ng mga scores at ang bibilis nilang magbigay ng scores nila. Feel ko talaga hindi nila ito nakakalimutan. Minsan pa nga, ginagamit nilang blockmail sa akin. Kapag minsan napapag-usapan ang mga computation lalo na't napaka-relate-much ng Mathematics sa tinuturo kong English, aba gumunaw na ang mundo, huwag mo lang akong ipa-compute ng 499 + 501 in three seconds at baka mapahiya ka lang. Pero relate din naman ang English sa Math in my case, kasi pagkatapos ng English, Math na ang kasunod na subject nila. Dugo na nga ilong sa English, mas duduguin pa sa Math. Ganyan katatalino ang henerasyon ngayon! 

O yes, ako ay isang guro. Ang dream kong ito that was born out of childhood was inspired by my grade school teacher. Sobrang humanga ako sa personality niya that I wanted to be like her! Although tagged as "terror" teacher, but when you get to know her, sobrang terrible teacher pala siya. Terible kung magpatawa pero terible din ang galing sa pagtuturo - Math at English teacher ko kaya siya plus Arts pa. Kaya naman, di niyo ako masisisi kung sobrang hanga ko sa kanya.

Remember the previous chapter, ayokong ipush ang propesyong ito? Bakit kaya na-push ko na talaga 'to sa wakas? Kung may pake ka man o wala, sasabihin ko pa rin. I was called for an interview. Medyo mahirap yung decision-making process kasi malalayo ako sa pamilya ko to an unfamiliar place at ako lang mag-isa. To calm my nerves, I took my old habit of opening the Bible and spot a highlighted verse. God did not fail me that day. Kahit hindi pa ako believer noon, pinagbigyan pa rin Niya ako sa pekeng magic na yun. So He took me towards Jeremiah 29:11 "For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you, not to harm you, plans to give you hope and a future." Tale as old as time na verse na pumapangalawa ata sa John 3:16 sa list ng hashtag VOTD. Pero this verse has always been tested and proven. So taking the literal meaning of the verse, I casted all my fears away and took the challenge of teaching, which later on became my ministry.

With my line of work, of course, a higher wage compared to my previous job would also lure me to really give into the job. Exciting din naman ang magtrabaho mag-isa, kumayod mag-isa, at maghirap mag-isa. Iba din talaga ang financial experience kapag galing ka sa magkabilang mundo na trabaho. Well, in my case, I came from a minimized minimum wage to a slightly maximum wage (pa-humble effect). Ang sarap ng feeling ng one-day millionaire tapos kinabukasan, magugulat ka na lang na mas mahirap ka pa sa daga. 

At first, it seemed like a game - yung bahay-bahayan na feeling. You have a room, you have some things, pero kailangan mo pang bumili ng pambahay na gamit. Ang saya talaga! Shopping galore sa SM. Paunti-unti nakukumpleto mo din ang mga basic necessities mo hanggang ma-settle ka na at ready to live alone ka na! Just like the movies talaga ang feeling ko that time.

May mga pagkakataon din namang nangyayari sa akin yun - ang ma-out of budget. I think most of the time nga e. Ang malaking problema nga lang ay di na-recognize na problema pala siya... until one day.

Tinuro sa akin ang kaibahan ng tithes sa offering at pledges. Na-realize ko, not all of my money is for my personal consumption. May parte pala ang Diyos sa pera ko, kasi in the first place, Siya naman talaga nagbigay sa akin nun. Paano? Simple lang, sa araw-araw na binibigyan ka ng Diyos ng bagong umaga, binibigyan ka Niya ng lakas para bumangon at magtrabaho. E paano kung di ka Niya bigyan ng lakas na bumangon, e di wala kang sahod. 

Simula noong araw na yun, naging maingat na ako sa pagpaparte ng pera. Dapat may bahagi ang Diyos sa pera ko. Ten percent ay tithes ko, offering naman kapag may pinapasalamatan ako o kung nakapagbigay na ako ng tithes last Sunday, pledges ay parang sponsorship, like kung aakuin ko ang financial support sa isang kailangan ng simbahan. 

At dahil wala namang specific na monetary limit or requirements sa offering, naisipan kong makipag-deal sa sarili ko. Sinabi ko sa sarili ko, kapag offering, ang pinaka-malaking halaga ng pera ko sa wallet ang i-o-offer ko. Ganyan ako ka-bilib sa Diyos sapagkat Siya ay mayaman!

At sa bilib kong ito, nagsimula din ang greatest Mathematics lesson ng Diyos sa akin.

How God Does the Math!Where stories live. Discover now