Nagkibit-balikat siya at pinisil ang kamay ko saka tumayo at sumama kay Kuya Prince. Mariin akong napapikit.

So awkward. Fucking awkward.

Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil sa kaisipan na baka ako lang ang na-awkward-an.

Bahagya akong humiwalay ng upo kay Ricci at niyakap ang unan saka sinandal ang ulo sa pader.

Tahimik lang kaming dalawa ni Ricci habang sila Rasheed at Shan ay mahinang nag-uusap.

Mabilis akong napatingin sa pinto nang bumukas 'yon. Akala ko sila Tita o sila Sandara pero sila Sophia ang pumasok.

"Mimi! Daddy!" sigaw niya agad saka tumakbo palapit samin ni Ricci at yumakap saming dalawa.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Shan na nanlalaki matang nakatingin saming tatlo.

She raised her brow and I shook my head. Sa pagtaas palang ng kilay niya ay nagtatanong na siya kung alam na ba ni Ricci.

Humiwalay samin si Sophia at lumingon kila Shan.

"Tito Sheed! Tita Shan!" sabi niya saka lumapit sa dalawa. Niyakap naman siya ni Shan at pinaupo sa lap niya para maabot ni Sophia si Rasheed.

"Love.."

Napatingin ako kay Kyle dahil sa itinawag niya sakin.

Mataray ko siyang tinaasan ng kilay at ngumiti lang siya sakin saka naupo sa tabi ko at inakbayan ako.

Narinig ko ang pag tss ni Ricci sa tabi ko at sumiksik sa dulo kahit nasa dulo naman na siya.

Tumingin samin si Sophia at ngumiti naman ako sakaniya.

Bumaba siya sa lap ni Shan at lumapit samin saka naupo sa tabi namin ni Ricci.

Sinilip siya ni Kyle. "You don't want to sit beside me, Princess?" tanong niya.

Umiling si Sophia. "I want to sit beside my Mimi and Daddy, Dada."

"Oh." reaksyon ni Shan. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ngumisi lang siya.

Muling bumukas ang pinto at pumasok sila Tita kasunod sila Sandara.

"Oh my god! Baby!" gulat na sabi ni Tita nang makita si Sophia.

Humagikgik naman si Sophia at lumapit kila Tita.

"Paupo! Paupo ako!" sabi ni Sandara at mabilis na lumapit samin saka naupo sa pagitan namin ni Kyle kaya nasiksik ako kay Ricci.

Nanlalaki mata akong napalingon kay Ricci at napapalunok na nag-iwas ng tingin.

Inis kong nilingon si Sandara at matamis siyang nakangiti sakin, nang-aasar.

"Ang sikip sikip na nga nakitabi ka pa." masungit na sabi ko.

Imbes na sumagot ay ngumisi lang siya saka ako kinindatan. Inirapan ko naman siya.

Binigyan kami ni Tita ng Jollibee na binili nila ni Tito. Pati si Sophia ay binigyan din ni Tita. Akala ko ay sakin siya lalapit para magpatulong kumain kaya't umawang ang bibig ko nang kay Ricci siya lumapit at pinabuksan ang pagkain niya.

"Aww...'di na love ni baby Sophia si Mimi Zoey.." nang-aasar na sabi ni Sandara.

"Mama mo 'di love." sagot ko at nagtawanan sila.

Dahil kay Ricci naman nagpapatulong kumain si Sophia ay mabilis akong natapos sa pagkain.

Tumingin ako sakanilang dalawa at kakaunti palang ang nababawas sa pagkain ni Ricci. Inuuna niya kasing pakainin si Sophia.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now