My heart started hammering. I ignored what he said and turned my eyes to the window. I inhaled a deep breath to calm my heart. Why am I like this?

Mga iilang paalala ng flight stewardess ang sumunod bago tuluyang nag take off ang eroplano. Nang silipin ko si mommy ay kunot pa rin ang noo niya habang naka-ekis ang braso sa dibdib. Napailing na lamang ako. She's throwing tantrums like a kid.

"Are you hungry?"

My eyes shifted to Ayden. I shook my head and sighed. Kumain naman ako sa airport kanina. I am not yet hungry.

"Sleepy?" He asked again.

Umiling ulit ako. "I literally slept the whole day."

Tumango siya saka binuksan ang personal T.V. Bumaling ako roon para panoorin ang ginagawa niya. Gusto ko ring buksan ang akin pero naisip kong makikinood na lamang ako.

"Do you want to watch anything?"

Nagkibit-balikat ako. "Kahit ano."

He glanced at me and frowned. Gamit ang hinliliit niya ay inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tainga. Umawang ang labi ko nang lalo siyang lumapit para tanggalin ang dumi sa buhok ko. My heart raced fast. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa mga mata ko.

"Oh my gosh, I need a champagne!"

Agad akong napaiwas nang marinig ko ang boses ni mommy. I glanced at her and she was staring right at us. Nanlalaki ang mga mata niya habang namumula ang pisngi.

Ayden signaled one of the stewardess for her whim. She immediately nodded and walked away.

Hinilot ko ang sentido ko saka bumuntong hininga. We're not doing anything! Kunwari pa siyang champagne ang gusto niya ngunit ang totoo ay kinukuha niya lamang ang atensiyon ko!

Ayden cleared his throat and chose a movie. I tilted my head to watch it too. Nang pasimple kong lingunin si mommy ay pilit niyang sinisilip ang pinapanood namin.

"I just realized that we never watched a movie before." He suddenly spoke.

I gently smiled. "We never dated."

My heart beated widly when I realized what I said. It's true, though. We never dated. Or maybe, we dated but I didn't know it was a date. Magulo perong parang ganoon na nga. We got engaged but we didn't pass through the boyfriend-girlfriend stage.

"So, our stargazing wasn't a date to you before?"

He tilted his head and looked at me. Umangat ang kilay niya habang mayroong maliit na ngiti sa labi. I gulped hard and felt my cheeks burning.

"I want to watch the movie."

Agad akong bumaling sa T.V. para panoorin ang palabas ngunit sinabi ko lang iyon para takasan ang tanong niya. Was that a date? We went out as bestfriends before. That isn't counted as a date!

"Hindi iyon date. We're bestfriends when we went stargazing."

Hindi ko rin napigilang magsalita. I heard him chuckled and nodded. Marahan niyang pinadulas ang daliri niya sa screen para lakasan ang sound. He rested his back on the chair, still smiling.

"Maybe we should start dating, then.." he looked at me.

My eyes widened. Parang lalabas na ang puso ko mula sa hawla nito sa sinabi niya. D-date? Why would we? Kasal na kami, wala nang silbi ang date!

"What for? Kasal na tayo."

He stared at me straight. "So? I can even court you even if we're married now."

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now