Kabanata 8

58 3 3
                                    

Clio Paris


Tahimik. Walang ni isang nagbabalak magsalita sa 'min ni mommy. She is looking far beyond the horizon, hawak hawak ang manibela nang kay higpit. I've been hearing her sighs too, hindi ko na nga mabilang kung pang-ilan niya na 'to ngayon.


Nauna kaming umalis sa cafe kasi nag walk-out si mommy without even saying anything, kaya wala na akong idea kung kamusta na si London at ang mommy niya --- hindi ako sure kung mommy niya nga yun, pero base sa nangyari kanina at sa physical appearance, hindi ko talaga maipagkakailang magkapatid nga silang tunay ni Mommy.

Pero bakit galit na galit si mommy sa kanya? bakit napuno ng galit ang mga mata ni mommy kanina habang tinititigan siya? Ano ba nangyari sa kanila? Are they sisters for real? I want to know, I need answers.

In my 18 years of existence, never na mention ni Mommy na may kapatid siya. So I assumed na baka nga only child lang siya kagaya ko. Sabi ni mommy na ang lola ko raw ay matagal ng namahinga. Ang lolo ko naman she never got to meet him kasi kumaliwa nang landas bago paman siya ipinanganak. Tragic, isn't it?

Pero isang kapatid? Hindi niya talaga nabanggit.

Nasa parking lot na kami ng school ko ngayon. Gusto ko sana mag protesta pero wala na akong magawa, kasi naman may kasalanan pa ako kay mommy.

Unang-una, ang pagsisinungaling ko sa kanya para makapunta siya sa Cafe. Pangalawa, nakalimutan ko na class hours pala 'yon kaya what me and London did was considered 'Cutting classes'

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi parin kasi umiimik si mommy kaya tumikhim na ako at nagsalita, "M-Mommy papasok na po a-ako..." Tumango lang siya at binigyan ako ng isang ngiting hindi ko ma decipher kung anong klaseng ngiti 'yon.

"Umuwi ka ng maaga, may dapat tayong pag-uusapan and this will the last time na magka-cutting classes ka. Naiintindihan mo ba, Paris?" Marahang saad ni Mommy. Pero alam kong may halong pagbabanta rin ito kaya tumango ako ng maraming beses.

"Cross my heart Mommy, I will never do it again!" Determinado kong sagot at nag ' cross my heart ' pa.

Mommy gave me another small smile bago ako tuluyang lumabas sa kotse. Sumingkit agad ang mga mata ko dahil sa init at sinag ng araw. Medyo nahilo ako bigla, inaatake na naman ako ng vertigo.

I covered my face using the back of my hand habang pinagmamasdan ang papalayo na sasakyan ni mommy palabas ng gate.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko para tignan kung anong oras na at sakto 1:00 PM palang, I still have 20 minutes left to run before my next class begins.

For sure i-iinterrogate na naman ako nito ni Athonio. Biruin niyo, kung makapagsalita sa text akala mo naman nanay ko, kasi mas galit pa siya kay Mommy e! Pero may atraso rin pala ako sa baklang 'yon.

Sa mga teachers ko naman, sabihin ko nalang na sumama kaninang ang pakiramdam ko kaninang umaga kaya I decided to do half-day nalang. Which is partially true.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. I ran like there's no tomorrow although ramdam ko na naman ang pag pintig ng mga ugat ko sa utak. Ang sakit, parang bawat pintig umaangat din ang bungo ko. Nagsisimula na ring uminit ang mga mata ko.

I continued to run and run kahit na nanghihina na ang tuhod ko at hirapan na sa paghinga. My whole body is literally hurting everywhere, lalong lalo na sa likod, gusto ko na sumuka.

Teka lang... baka buntis ako?


Ay oo nga wala nga pala akong jowa. False alarm.


Pero nahihilo na talaga ako, ramdam ko rin na ang lamig ng pawis ko. Pero pag minamalas ka nga naman, na sa lawak lawak ng daanan may nabunggo ka pang bigla at naitapon na sa sahig lahat ng dala niyang libro.

Gusto ko mag-sorry at kunin lahat mga libro na nag kalat sa sahig pero hindi ko maaninag ang paligid. Nakikita kong parang sumasayaw ang mga kahoy sa labas, pati narin ang taong nabangga ko. I tried to squint my eyes, to see kung sino ito but it was too late. Kasi kinain na ng dilim ang diwa ko.

🌻🌻🌻

"

Hindi agad namamatay ang mga masamang damo, Neil. So it's safe to say na buhay pa yan si Paris."

"Thonia, grabe ka girl! Kaibigan natin si Paris. Taga-libre pa, tapos ginaganyan mo!"

"HAHAHA Gaga ka bakla syempre joke lang 'yon! Pero kailan kaya magiging 'tong babaeng 'to? May date pa naman ako ngayon."

"Echos ka Thonia, sino? Yung jejemon na naman sa kanto niyo?"

"Ew! Cheap mo naman Neil! Hindi yung jeje himself, pero yung older brother niya!

Dahil sa walang humpay na tawa ni Neil at Athonio, na hindi man lang tinubuan ng hiya ang mga bakla dahil sa lakas ng tawa nila nagising ako.

Iniangat ko ang sarili mula sa pagkakahiga. I still feel uncomfortable dahil sa sakit ng katawan ko.

"Sabi ko sayo bakla, buhay pa ang ating friendship!"

"Sa wakas makakauwi na tayo!"

I flared at the both of them pero hindi man lang natinag ang tawa ng dalawa, nakakainis. I looked around and I can tell na nasa school clinic kami ngayon.

"Anong nangyari?" I asked. Alam ko naman na nawalan ako ng malay, what I wanted to know is what happened after I passed out.

"Gaga ka bakla ang taas ng lagnat mo tapos pumasok ka pa! Ano ba kasi ang nangyari kahapon at bigla nalang kayong nag-disappear ni Damien? Nagpaulan ka ba? Sana tinuloy tuloy mo nalang ang pagc-cutting classes mofhfp---"

Tinakpan ko ang bunganga ni Athonio . "Athonio mic ka ba? Kasi sa lakas ng boses mo ang sarap mo nang ipukpok sa pader!" Pabulong kong banta sa kanya. Pupukpokin ko na sana si Athonio sa ulo niya, pero as usual to the rescue na naman si Neil at inilayo kami sa isa't isa ni Athonio.


"Paris girl! Dahan-dahan baka mabinat ka, kakagising mo palang sa pagiging sleeping beauty. Naku, naku, naku talaga!"

Inirapan ko nalang si Athonio, timing din kasi dumating na si Miss Danes, our school nurse.

Miss Danes checked my temperature one last time at pinainom ako ng gamot bago niya ako pinayagang makaalis.



We're on our way out of the campus now at kasalukuyang naglalakad sa hallway. Nakapulupot ang kamay ko sa braso ni Athonio at sandal sandal ang ulo sa balikat niya. Si Neil naman ay dala-dala ang bag ko. May pinag-uusapan silang lalaki kaya hindi na ako nakinig. Gusto ko nalang talaga umuwi.

Ang tagal ko palang tulog, kasi dismissal na ngayon. Sayang lang pala ang mini marathon ko kanina kasi nauwi lang sa clinic at tulog ang lahat.


"Dalian mo kasi, nagsisimula na ang away sa Asphalt!"


"Ito na nga oh!"


Parehas kaming tatlo na napatingin sa left side dahil sa narinig. Galing ito sa dalawang lalaking parang kabayo kung makatakbo. Napailing ako kasi malamang sa Asphalt ang punta nung mga yun.


Ang Asphalt kasi at tinaguriang fighting grounds ng mga estudyante dito sa school. It's an abandoned underpass sa hindi kalayuan. Of course hindi alam ng school admin kasi kung may isang magsusumbong at malaman nila na ikaw yun? Kailangan mo nang mag-impake lumipat ng ibang school.



BZZT BZZT



My phone vibrated same as Athonio and Neil. Bumitaw muna ako kay Athonio at binuksan ang mismong notification.


"Uso pa pala GM-GM ngayon, taray naman!" Si Neil.

Parehas kami lahat ng natanggap. Isang text message na may kasamang attached video sa baba.

I clicked the attached video and "SHUTA MGA BAKLA! SI DAMIEN TO AH!"

*** ***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paris In The Rain (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon