Kabanata 7

52 3 2
                                    

Clio Paris



Nakatayo sa tapat ng bintana, tanaw ang maulan at madilim na ulap sa labas, napabuntong-hininga ako. 


May bagyo ba? Pansin ko lang kasi na lately these days umuulan nalang palagi.  I love rain, I love this kind of weather, pero kapag paulit-ulit nalang parang nadadamay narin sa ka-gloomyhan ang mood ko, lalo na kapag naalala ko na naman ang naiwan kong payong. Asan na kaya 'yon? 



Sinulyapan ko si Damien na tahimik na nakaupo ngayon sa dulo ng kama ko. Busy siya sa pagpindot nang kung ano sa screen ng cellphone. She borrowed mine awhile ago, kahit na ayaw ko, pinahiram ko nalang kasi parang may tatawagan yata siyang importante.


Hindi ko na matandaan kung ilang oras na ang lumipas mula noong dumating kami dito sa bahay, pero alam ko na kailangan na talaga umuwi si Damien ngayon. Gabi na, alangan naman dito siya matulog diba? Ano kami close? sleepover ganorn? No way! Nag expire na kabutihan ko.


"Hello Stevie, yes this is Damien. I sent you the address. Pick me up as soon as possible." 


Napanganga ako dahil sa turan niyang walang ka gana gana, montonous lang.


Pambihira talagang babae 'to. Siguro pinaglihi 'to sa ice at sama ng loob. Idagdag mo pa ang mukha niya na parang hindi uso ang 'SMILE'   


Napailing nalang ako at tumingin ulit sa labas ng bintana. May bagyo talaga siguro kasi mas lalo na namang lumakas ang ulan ngayon.


Climate change nga naman. Nakatakot na tuloy, kasi unpredictable na lahat. Pati ang mga pwedeng mangyari sa mundo unpredictable na. Global Warming, Climate change, forest fires, melting of the Glaciers, Ozone layer --- HINDI AKO MAKAHINGA! ANG DAMING PROBLEMA SA MUNDO! 


"You should really stop that ugly frown on your face. It's not cute."


Automatic akong napalingon sa demonyong nag s-side comment na naman kahit hindi ko naman hinihingi ang opinyon niya. 



"It's not cute nye nye nye" Pangagaya ko sa boses niya na parang bata sabay irap sa kanya. Nawalan na ako ng gana tumingin sa laba ng bintana kaya padabog akong umupo sa kama. 


"Umuwi ka na. Hindi ka ba hinahanap sa inyo?!" 


Sana naman makuha niya mensahe ko na tinataboy ko na siya.



"She's on the way here." Sagot niya na ikinakunot nang noo ko.



"Sino?"


"Ang susundo sa 'kin," 


BZZT BZZT


Parehas kaming napatingin sa phone ko na nasa kamay niya pa, I'm sure it is a text message. Binuksan ito ni Damien.

Paris In The Rain (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon