Kabanata 1

54 6 0
                                    

Clio Paris


Nagmukha na akong Hobbit dahil napapagitnaan ako ng dalawang matatangkad na nilalang. Nangangawit na rin ang mga balikat ko dahil sa bigat ng backpack na suot ko sa likod. 


Kasalukuyang nagmamartsa na kaming mga pasahero sa loob ng eroplano para hanapin ang mga designated seats namin. Sobrang bagal gumalaw nung iba may mga masasamang idea tuloy na dumadalaw sa isipan ko. Kagaya nalang ng itulak ko kaya silang lahat para tapos na! 


Dahan- dahan ng nahanap ng mga nauna ang mga upuan nila. Salamat naman!  Kaya lumuwag na ang pakiramdam ko at hinanap ang sariling upuan. Nang mahanap ko na ay agad kong nilagay ang backpack sa compartment, I'm not that tall kaya nahirapan ako, mabuti nalang tinulungan ako ng isang Cabin Crew. Masaya akong umupo sa may window seat. 


"First time to ride a plane?" 


Napalingon ako sa nagsasalita. At bwisit naman, nakita ko na naman ang pagmumukha niya. Bakit ba 'to nandito?!


"Anong ginagawa mo dito?"


"What? I'm on the same flight with you and unfortunately seatmates."


Aba! may unfortunate unfortunate pa talaga 'tong nalalaman. Ang ganda ganda nga pero ang sama sama naman ng ugali. 


"Unfortunate talaga, sa laki ba naman ng eroplano tapos katabi pa kita! I will change my seat ---fffmpp!" Tatayo na sana ako para pumunta sa cabin crew malapit sa labasan ng eroplano ng bigla niya nalang takpan ang bibig ko at hinila ako pabalik sa upuan. 


"Huwag kang gumawa ng eksena dito." Matigas niyang sabi. at tinignan ako ng masama. 


I push her hand away at inirapan siya. Tinuon ko nalang ang pansin sa labas ng bintana habang tinitiris ko siya sa imahinasyon ko. Kagaya ng panahon, umuulan narin ng inis ang sistema ko dahil sa bwisit na katabi ko.


🌻🌻🌻


The whole flight was not good. Bukod sa halos isang minutong turbulence, hindi ako nakatulog. Bwisit na Damien kasi, ang ingay ingay ng earphones niya, parang naka 1000% volume up siguro 'yon. Na bawat kantang nagp-play sa playlist niya ay rinig na rinig ko. Habang siya himbing sa tulog ako naman namumugto ang mata dahil sa stress na dinulot niya.


Next time, maging kahit kailan, sisiguraduhin ko talaga na walang Damien Alexandra Ortegas akong makakasama sa plane!


Now, I'm just waiting for my baggage, here in the baggage carousel with my cart.


"You look ugly with that frown on your face." 


I looked at the speaking human, and I'm not surprised anymore. It's Damien. Minsan talaga parang gusto nalang natin kumalbo nang tao ano? I crossed my arms and raised my left eyebrow at her. 

Paris In The Rain (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon