Chapter 1: This is My Day

10 0 0
                                    

Maagang nagising si Tanya upang hindi sya ma-late sa kanyang final interview sa isang malaking kompanya sa Makati. Ang motto nya sa sarili ay "Time is gold", kahit gasgas na gasgas na ito ay mas okay naman kumpara sa filipino time na palaging huli.

Alas-singko pa lang ay nasa labas na sya sa kanyang inuupahan at nag-aabangan ng jeep na masasakyan. Plantsadong plantsado ang puting blouse nya na may pulang blazer na nakapatong. Naka-slacks sya at naka-sapatos na may takong. Hindi aakalain na mahirap lang si Tanya dahil sa angkin nyang ganda, may maputing kutis na mestizahin.

Halos kalahating oras din sya mag-make-up upang lalong maging presentable sa interview nya. "Go girl!, this is your day", sabi nya sa sarili habang nasa harap ng salamin kanina.

Madali naman sya nakasakay ng jeep at bumaba sa pinaka-malapit na MRT Station. Halos trenta minutos din ang naging byahe nya. Ang aga-aga pa pero ang dami ng tao sa North Avenue Station mabuti na lang ay may load pa ang beep card nya kaya hindi na sya pipila sa cashier, agad syang nakapasok ng station at may paparating din naman na tren.

Walang pasaherong bumababa dahil ito ang unang station ng MRT. Agad naman nagsipasok ang mga pasahero at kabilang na dito si Tanya. Papasok pa lang sya ng may biglang nakatabig sa kanya mula sa likuran at ang malala, natapakan pa ang kanyang sapatos na halos buong gabi nyang pinakintab ng kiwi.

"Araaaay!!!!, putiiiiiikkkkkk???? ...", hindi na nya naituloy ang iba pang sasabihin dahil na out of balance sya, napa-upo at napa-subsob sa harapan ng isang lalaki. Gusto nyang biglang mawala sa mga oras na iyon dahil sa nakakahiyang posisyon nya at ng lalaki. Napasubsob lang naman ang mukha nya sa harapan ng lalaki at sakto sa may nakaumbok na pagka-lalaki.

'Shocks ano ito?, bakit matigas? Kyaaaaaah!. Sino ako? Nasaan ako? Bakit ako nandito? Lord, patigilin nyo muna ang oras at mag-iinvisible ako'

"Miss, masyado pang maaga para sa gusto mong yan", tugon ng lalaki. Bakas sa boses nito ang pang-aasar. Halos maging kulay  pulang kamatis naman ang mukha ni Tanya, hiyang hiya siya sa kalagayan nya ngaun.

"Ha?, eh.... excuse me, kapal ha!", agad siyang tumingala at tumambad ang mukha ng gwapong lalaki. Matangkad at maputi na medyo singkit, mapungay ang mata at makapal ang kilay. Mapula ang labi na animo'y korean actor na lumabas sa TV. 'Oppaaaaa!?!?!'

Ngising ngisi ang lalaki na nakatingin lang sa kanya at akma syang tutulungan makatayo pero tinabig lang ni Tanya ang kamay nito.

Agad naman bumangon si Tanya at inayos ang sarili sa most embarrassing moment nya.

"Are you alright?, i'm just trying to help you", tugon ng lalaki.

"Oo, okay lang ako", sambit ni Tanya. "I can take care of myself", sabay irap sa lalaki at tumalikod. Ginala nya ang mata at naghanap ng mauupuan.

Agad syang naupo at bumuntong hininga sa nangyari.

'Buhay nga naman, ang aga ng kamalasan ko. Nadapa na nga, napsubsob pa. Sa dinami-dami na pwedeng puntahan ng mukha ko bakit doon pa sa pagitan ng dalawang hita niya. Of all places, urgg!'

Napatingin si Tanya sa kinaroroonan ng naka-engkwentrong lalaki na naka-blue long sleeve at stripe na neck tie. Lalaking lalaki ang tindig at naka-sling bag habang nakikinig ng music sa airpod. Bagsak ang buhok at may hairstyle na mala-Kim Soo-Hyun ng Its Okay to Not Be Okay na Kdrama.

'Infair, pogi si kuya. Haba ng pilik mata at ang kisaable ng lips. Sana may muscle na nagtatago sa long sleeve na yan. Oppaaaah!!!'

Biglan naman lumingon ang lalaki at nagtama ang tingin nila ni Tanya. 'Wag ganyan kyaa, marufok ako'

TagpoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon