Chapter 14: Aston

2.1K 119 95
                                    

Teka. . . may milk tea shop sa loob ng school?!

Pagtingin ko sa menu. . . kaya naman pala di ko alam na may milk tea shop dito- di ko afford. 250 para sa isang milk tea? Eh dalawang fried chicken na yun sa jollibee, may sukli pa ako.

"So what type of milk tea do you like?" tanong nung lalaki. Aston ata pangalan niya?

"Kahit ano, hindi ako choosy" sabi ko sabay nginitian ko siya.

Kasama yan sa strategy ko kasi iispin niya- wow, hindi pala choosy si Yumi. Sige, bilin ko na lang yung pinakamahal o kaya yung bestseller para sure na magugutuhan niya. Feeling ko talaga pwede ako maging psychologist kasi alam ko kung paano magisip ang isang tao.

15 minutes later. . .

"Ano 'to. . .?" sabi ko. Bakit mukang putik na malabnaw ang milk tea ko? At wala namang ganito sa menu sa canteen ah.

"Sabi mo kahit anong milk tea so I got you the healthiest one" sabi ni Aston.

"Bakit ganito lasa?" sabi ko. Alam mo yung kapag nasa exam ka excited kang makita ang grade mo kasi sigurado ka nang mataas ang grade po,pero pagbigay sayo ng papel mo, bagsak ka pala. Ito yun. Ganito ang feeling nun.

"That's ginger milk tea with with some turmeric. It's good when you have your period" sabi niya. Ginger? Luya? Ano to, tinola?

Teka. . . May tagos ba ako?! Napatayo ako bigla at tiningnan ang likod ko.

Naalala ko na kakatapos lang ng period ko last week.

"I just assumed, sabi mo kasi diba kailangan mo pumunta sa clinic. But obviously, you're bad at lying. Practice ka pa" sabi niya.

"Kaya ba binigyan mo ko nitong putik- este luya milk tea" sabi ko na nga ba, it's a prank. Di ako dapat magtiwala sa mga taga Class A.

"No, I just wanted to teach you something" sabi niya.

Teach me. . . something? Kinabahan ako bigla at inayos ko agad ang upo ko.

"Umm. . . Hehe prank po ba to? Teacher ba talaga kayo?" pero mukha naman siyang ka-age ko. Pero ako nga, napagkakamalang elementary minsan kaya totoo talaga ang don't judge a book's age by its cover.

Tiningnan ako ni Aston na parang na-confuse siya.

At bigla siyang tumawa.

"Sabi ko lang I wanted to teach you something, teacher na agad?" sabi niya. Aba malay ko ba!

Tumingin sakin si Aston at ngumiti.

"You know if you want something, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na ng diretso, that's how you'll avoid disappointments" sabi niya. Parang hindi ata pwede ang advice niya para sa mga madaling mahiya katulad ko.

"I'm Aston by the way. Aston Salvatore" sabi niya.

Salvatore? Bakit parang narinig ko na ang apelyidong yun? Diba yun yung tinawag nung babae kanina kay Skye?

"Kaano-ano mo naman si Skye Salvatore?"

"You don't know? Wow, I guess ibang mundo talaga ang section z" sabi niya. Parang nakakaoffend ang sinabi niya.

"Hoy, wag mong inaaway ang section ko ah" sabi ko. Kahit mukhang mga kumag ang mga kaklase ko dun, mababait naman sila.

"Correction, section A ka na" sabi niya.

"Wrongrection, section Z ako" sabi ko.

Napatahimik si Aston.

"Wrongrection. . .?" sabi niya.

"Ano ba kabaliktaran ng correction, edi wrongrection" sabi ko. May sense naman sinabi ko diba? Wag niya akong minamaliit, sa akin nangongopya ang mga classmates ko sa section Z.

"Section Z ka nga. Walang duda. Buti na lang cute ka" sabi ni Aston. Talagang cute ako noh. Confidently cute with a heart kaya ako.

"So kaano-ano mo nga si Skye?" tanong ko.

"Oh, ayan na pala sundo mo" sabi ni Aston at nakita ko nang papalapit si Skye.

Akala ko ba masakit ulo niya? Kala ko pa naman uuwi na siya at di ko na siya makikita.

"Let's go" sabi ni Skye.

Naalala ko yung sinabi sakin ni Aston kanina- if you want something, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa.

Ok, susundin ko ang kanyang words of wisdom.

"Ayoko" sabi ko. Tumaas ang isang kilay ni Skye.

"What?" sabi niya.

"Ang sabi ko, ayoko pumasok sa Class A" sabi ko.

"Sige, sasabihin ko sa principal na ayaw mo pumasok at grounds yun for expulsion. Mas ok sa akin yun, di na ako maabala sa'yo" sabi ni Skye at naglakad na siya paalis.

Expulsion? Teka, hindi pwede yun! Kakalbuhin ako ng magulang ko at patio sa bahay mae-expel ako! Wala akong titirhan!

"Uy joke lang, masyado namang mainitin ulo mo hehe" patayo pa lang ako pero nauna nang maglakad si Skye.

"Yumi" biglang tawag sakin ni Aston.

Tumunog na ang school bell.

"Welcome to the underworld"

Ano? Ano sabi niya!?

"Aba bastos ka ah! Anong underwear?!" sabi ko. Nakita niya ba ang underwear ko? Nakalimutan ko pa naman magcycling shorts ngayong araw dahil sa sobrang madali ko.

"Bingi. I said welcome to class A" sabi niya. 

---------------------------------------------------

Sinundan ko si Skye papunta sa Class A, sa totoo lang medyo nakakaligaw dito dahil bukod sa madalang ako dito sa building na to, malaki pa.

Pagpasok ko sa room, alam kong late na ako dahil nandun na ang teacher namin. Blonde siyang babae, teka. . . Foreigner?

"Mademoiselle, vous êtes en retard" sabi sa akin nung teacher.

Ha?

Ano raw?

Retarded daw ako? Pati ba naman teacher bubully-hin ako?

Lahat sila nakatingin sa akin. Pagod na ako makipag-away at wala akong laban sa teacher na tinawag akong retard.

"Ah hehe annyeong, ni hao, konichiwassup, sorry wrong room" sabi ko at lumabas na agad ako ng room.


Author's note:

Hi guys, may mga pinalitan ako sa previous chapters. For clarification: name ng protagonists: Skye Salvatore and Mayumi Sanico.

Thanks and sorry sa confusion hehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Class A vs. ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon