Chapter 14: Hidden

671 25 3
                                    

Serafina Eleanore Bernardino

Ilang araw pa kaming nanatili sa escape house ni young master, hanggang sa napagpasiyahan na niyang umuwi kami

parang isang panaginip yung saya noong nandoon kami, pero ngayon babalik na kami sa realidad

realidad na lahat ng panaginip ay may katapusan

At isa sa pagbalik namin sa realidad ay ang katotohanang kailangan namin itago ang namamagitan sa amin

Dahil sa propesiyang sinasabi niya na hanggang ngayon di ko alam kung ano

pero okay lang gaya nga ng sabi ko, handa akong sumugal para sakaniya

ngayon ay nasa bahay ako dahil umalis nanaman si Young master -- ay si Silvain pala

"Anak parang gumaganda ka lalo" puna ni Nay Elisha

"Talaga ba nay? Edi ayos yun." Natatawa kong saad

"Siguro may lovelife ka na no?" Pang aasar niya

"Wala nay, wag kang issue"

"Okay lang naman kung meron, matanda ka na alam mo na ang tama at mali" Nay Elisha

"Kay tatay kaya okay lang?" tanong ko

"Oo, maunawain naman ang tatay mo at alam kong maiintindihan niya tsaka dadating din naman talaga ang araw na kailangan mo magkaroon ng pamilya" Nay Elisha

Magkaroon ng pamilya kay Silvain? Impossibleng mangyari yon

"Oh bakit parang biglang lumungkot ka?" tanong ni Nay Elisha

"Wala po, sana nga po makahanap ako ng lalaking makakasama ko at makakabuo kami ng pamilya"

"Meron yan, maganda ka, mabait at masipag. Na sa iyo na ang lahat" Nay Elisha

Na saakin na ang lahat pero bakit hindi pwedeng ako na hanggang huli? Bakit kailangan panandalian lang?

Tahimik lang ako at hindi na sumagot pero bigla akong niyakap ni Nay Elisha

"Kung ano man yang dinaramdam mo na hindi mo pa kayang sabihin, dinadalangin ko na nawa'y kayanin mo iyan at sana mahanap mo ang kasagutan sa lahat ng iyong tanong"

"Salamat nay" at pasensya ka na din po dahil hindi ko pwedeng sabihin

Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik na ako sa mansyon pero wala pa si Silvain

Kaya naglinis nalang ako katulad ng palagi kong ginagawa at pagkatapos naligo tsaka humiga sa kama

nakaidlip na ako ngunit nagising ako ng maramdamang may nakahiga sa tabi ko at nakayakap

"Silvain"

"Did i wake you up?"

"Ngayon ka lang dumating?" tanong ko pabalik

"Yeah, so much things to do" sagot naman niya

"You know what after all those things, only you and your hug can take away my stress. You're my comfort zone" dagdag niya at hinigpitan niya ang yakap at hinalikan ang ulo ko

"Lagi mong tatandaan, kahit ano pang mangyari sa magkaibang mundong ginagalawan natin. Lagi lang akong nandito para sayo, lagi lang akong nandito at pwede mong kuhaan ng lakas kapag nanghihina ka" Sagot ko

"I love you so much Eleanore"

"Mahal na mahal din kita Silvain"

NAGISING AKO ng kinaumagahan na wala na si Silvain sa tabi ko pero may pagkain at sulat

"Eat your breakfast, and don't do any chores. Spend the day with your family if you want. I love you and take care" - Lord Silvain

Pagkatapos ko kainin yung hinain niya ay naglinis pa din ako ng bahay, nagdilig ng halaman at marami pang iba

Dahil sino bang maglilinis sa bahay nato? Ako lang naman kahit sabihin niyang wag

Pagkasilip ko sa ref nakita ko wala ng stock kaya kinuha ko yung pera at nagpasiyang mamalengke

Ilang oras lang naman ang tinagal ko at pag uwi ko nagulat ako dahil nandoon ang buong pamilya ni Silvain

"My Lady, My Lord" Bati ko

"We are here to wait for my son, don't mind us" Tumango lang ako sa sinabi ni Lady Millicent at nagtungo sa kusina para kumuha ng tsaa at inihain sakanila

Pagbalik ko ng kusina naghihintay doon si Young Lady Freya

"Young lady" bati ko

"Hi, sera right?" Tumango ako

"I'm glad you're still here" ngumiti lang ako sa sinabi niya

"but I'm also sad kasi malapit na - na di na tayo magkikita kita"

"Bakit naman po?"

"Malapit na kasi mangyari yung prophecy kay kuya. Yung responsibility niya"

Malapit na?

Agad?

Ang bilis naman

"Ano po ba yung propesiya na yon?"

"Hindi mo din naman maiintindihan, but I'm thankful kasi natutulungan mo si kuya dito...."

Marami pang sinasabi si Young Lady pero parang nabingi na yung paligid ko

Malapit na mangyari yung propesiya ibig sabihin matatapos na din tong pagsasama namin

Bakit ang bilis?

Parang dumaan lang yung kaligayahan sakin, parang di man lang ipalasap sakin ng matagal

Bakit naman ganon?

"Are you okay sera?" Napabalikwas ako ng tapikin ako ni Young Lady

"Wala po"

"But you're crying" puna niya

hinawakan ko ang pisngi ko at nakitang basa nga ito

"Ah tuyo po ata yung mata ko kaya nagluluha pasensya na po, pasok po muna ako" Paalam ko at nagtungo agad sa kwarto ko

Ang hirap pala magmahal na para bang yung minamahal mo pahiram lang sayo

Kumbaga may expiration data na hanggang ganitong araw lang siya pwedeng maging sakin

nakaupo lang ako sa kama ng makita ko ang dalawang pares ng sapatos sa harap ko

"Eleanore"

Tumingala ako at tumingin sakaniya

"Please hold on, gagawin ko ang lahat para mapatagal pa ang propesiya. I can't stop it but I know i can prolong it. Kung gaano ako gumagawa ng paraan para mapatagal ang lahat please don't leave me. I'll do anything that I can"

Lumuhod sa harap ko si Silvain at nakita ko ang mga mapupungay niyang mata na noon parang walang emosyon pero ngayon sumisigaw ng sakit ang mga mata niya

"Kakapit ako Silvain, hanggang sa ikaw na mismo ang bumitaw sakin" Niyakap ko siya at umiyak ako sa mga braso niya

Kung alam ko lang na ganito pala kasakit magmahal sana, una palang pinigilan ko na

Sana una palang iniwasan ko na

Kung alam ko lang na bandang huli di pala kami pwede sa isa't isa.

The Vampire's SlaveWhere stories live. Discover now