Chapter 16: Princess Ely

532 22 4
                                    

Serafina Eleanore Bernardino

Nakaupo ako ngayon sa may garden habang nagbabasa ng libro, wala si Silvain dahil kailangan daw siya ng Dad niya

"Hi, beautiful" napaigtad ako ng may makitang lalaking nakasilip sa uluhan ko

"Sino ka?!" Sigaw ko at napalayo

"I'm looking for Lord Silvain"

"Wala siya dito, paano ka nakapasok?"

"Tumalon?" Umupo siya sa inupuan ko kanina

Gwapo siya actually kaso mukhang mayabang at babaero? Ewan hindi naman ako judgmental pero iba yung dating niya kasi

"Sino ka ba?" tanong ko ulit

"I forgot to introduce my self, My name is Zsech Faustus, Mi Lady Lord Silvain's bestfriend"

May best friend siya?

"And you are Miss Serafina right?" Tanong niya

"Paano mo nalaman?" tanong ko pabalik

"I know everything, best friend nga kami ni Lord Silvain diba? So kilala kita"

Kwinento niya ako sa iba?

"Come, sit here" Umupo ako sa gabi niya pero hindi sobrang lapit

"Lord silvain, is like a brother to me. Kaya masaya akong makitang masaya siya but we cannot stop the future, the prophesy"

"Alam ko"  sagot ko habang nakatungo

"Hindi ko to sinasabi to hurt you. Sinasabi ko to para hanggat maaga alam mo yung kahihitnanan netong relasyon niyo"

"Alam ko naman yun. Pero kaya kong sumugal kahit alam kong ako talo sa huli"

"Hindi lang ikaw ang talo, pati si Lord Silvain. Hindi naman niya gustong makasal sa prinsesa. Ikaw daw ang gusto niya kasama, ikaw ang mahal niya pero nakaasa sa kaniya ang buong lahi namin"

"Hindi ba pwedeng kay Young Lady Freya manggaling ang next dracula?"

"No, kay Lord Silvain talaga. Ang sabi sa propesiya manggaling sa anak na lalaki ng pang-40th House master ng Alleris. At si Master Atticus ang pang 40th kaya si Lord Silvain yung anak niya na kelangan pag mulan ni Count Dracula"

"Kaya pala"

"But I'm thankful kasi nakilala ka ni Lord Silvain. Ever since his life is like an endless cycle of being the Next Dracula's father and the Future husband of Princess Ely. Nakatatak na sa isip niya na hindi siya pwedeng mag mahal ng iba dahil nabuhay siya para gampanan ang propesiya. Never siyang naging open para sa iba, never niyang inisip kasiyahan niya. Pero ngayon - ngayon ko lang siyang nakitang naging totoong masaya. Thank you serafina"

Natahimik ako sa narinig ko. Hindi ko akalain na ganun pala ang buhay ni Silvain

Never siyang nabuhay para sa sarili niya. Ang nasa isip niya ay nabubuhay siya para lamang tuparin ang propesiya na yun.

"Lord Zsech, ano bang nangyari kay Princess Ely? Alam niya ba ang propesiya? Kung oo, gusto niya din ba?" Tanong ko

Napabuntong hininga si Lord Zsech at tumingin sa malayo.

"I don't know if we are allowed to tell it to someone who's not part of our race. But 200 years ago our mortal enemy raided our kingdom that's where our king and queen lives. Niraid nila ang kingdom after nilang malaman na lumabas na ang propesiya na magmumula kay Lord Silvain and Princess Ely ang next dracula. Ang plano nila ay patayin si Princess Ely or Si Lord Silvain of course because they don't want the next dracula to be happen. Alleris family secured Lord Silvain of course and then Princess Ely---"

"Namatay ba siya?" Tanong ko. Syempre kung patay si Princess Ely ibig sabihin wala ng saysay ang propesiya

"No she's not dead, but she's missing. Along with her protector. We're still searching for her pero sigurado kaming hindi siya patay kasi kung patay na si Princess Ely. Yung golden dagger ay masisira. Pero hindi pa ito sira until now kaya alam naming buhay siya."  Dugtong ni Lord Zsech

"Ah - Oo nga naman, kailangan niyo din siya"

"Right."

"Pero paano kung dumating na ang araw na dapat silang ikasal at wala pa ang prinsesa anong mangyayari?" Tanong kong muli

"Manghihina ang lahi namin, mangyayari na ang Mortal War. Dahil alam ng kalaban namin na mahina na kami, at mamamatay kaming lahat."

"Vampires din ba ang mortal enemies niyo?"

"No, they are called vampire slayers. Kaming mga bampira mga imortal kami pero ang mga vampire slayers they are mortal but born with this gift or ability na they can kill us using dagger. The same thing happened to our ancestor dracula. Just one stab using their dagger straight to our heart, mamatay kami"

"Wow hindi ko alam na may ganiyan pala kayong kalaban. Parang tao lang din pala sila pero may kakaibang abilidad"

"Yeah. And please be careful kasi dito sa liebe maraming vampire slayers. Madaming gustong pumatay kay Lord Silvain, they might use you to lure him" tumango tango ako sa mga sinabi ni Lord Zsech

Natahimik kami ng ilang minuto dahil inaabsorb ko pa lahat ng sinabi niyang information

"Zsech" napatingin kami sa dumating si Silvain pala

"Lord silvain" bati niya

Lumapit sa akin si Silvain at hinalikan ako sa harap ni Lord Zsech

"How's your day? Did he bother you?" Tanong ni Silvain.

Nahihiyang napayuko naman ako dahil sa sinabi niya at ginawa sa harap ni Lord Zsech

"A-ah hindi naman"

"Good. What's the matter Zsech, why are you here?"

"I'm here to tell you something"

"What is it?"

"Can we talk about it in private?"

"No, it's fine. Tell it to me here"

"We have a lead"

"Princess Ely?" Tanong ni Silvain

"Yes"

Tumango si Silvain at sinenyasan si Lord Zsech na pumasok sa loob na agad naman niyang sinunod

"Mag uusap lang kami." Tumango ako

"I love you, eleanore"

"Mahal din kita" tugon ko.

Pumasok na sila sa loob at ako naman naiwan mag isa.

Tatlong buwan at kalahati nalang kailangan ng matupad ang propesiya

May lead na sila kung na saan ang nawawalang prinsesa.

Kapag umayon na sakanila ang lahat, mababaliwala na ako.

Maisasantabi na ako at higit sa lahat hindi na kami pwede ni Silvain

Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso, tungkol doon.

Parang hindi ko pa kaya, hindi ko pa kayang pakawalan si Silvain

Alam kong noong una palang nabalaan na ako, pero iba pa pala talaga kapag nalalapit na ang araw kung kailan kelangan ko na siyang bitawan.

The Vampire's SlaveWhere stories live. Discover now