Chapter 07: Distant

955 36 2
                                    

Serafina Eleanore Bernardino's POV

Lumipas ang ilang araw na sobrang ilag sakin si Young master kung dati madalang lang kaming magkita sa loob ng bahay niya ngayon talagang di ko na siya nakikita kahit maghanda ako ng pagkain di siya nalabas or nababa sa second floor, di ko naman siya maakyat don kasi bawal nga akong pumasok sa mga kwarto maliban sa kwarto ko

Nakapasok ako sa kwarto ni Young master pero di ko naman nakita kung anong meron sa loob dahil namimilipit ako sa sakit non.

pero ngayon iba, as in parang ako nalang ang nakatira sa mansion. Hindi kaya iniwan niya ako dito mag isa? Baka umalis siya at nagtungo sa bahay ng magulang niya?

Hindi ko na alam gagawin ko.

Siya naman naunang humalik tumugon lang ako bakit parang kasalanan ko?

Siya naman yung biglang sumulpot sa harap ko at nagnakaw ng first kiss ko, tapos siya pa umiiwas dapat nga ako eh

Sa tagal niyang nabuhay sa mundo malamang madami na yon nakahalikang babae, yung sa ball nga eh may ka-anuhan pa siya

Humiga ako sa duyan at tumitig sa langit.

Kahit na ang dami kong iniisip, ang pinaka nagpapagulo talaga ng isip ko ngayon ay yung salitang "Bakit"

Bakit ako hinalikan ni young master?

Ayokong mag isip ng kung ano ano at ayoko ding umasa na baka ikahulog ko lang sa pita na ako lang din ang may gawa, mahirap na

pero sana hindi ginawa ni young master yon dahil trip niya lang, mahalaga sakin first kiss ko no

Panagutan niya ako!!

Joke lang as if naman gagawin niya yon.

Lumabas ako ng mansion at nagpasyang maglakad lakad muna

Tutal wala namang pipigil sa akin edi lalabas muna ako

Ilang minuto na akong naglalakad palayo ng mansion, di kalayuan ay may nakita akong lalaking nakaputi

Parang pamilyar sakin eh, sino nga ba ito?

"Theo/Serafina" sabay naming turan

lumapit siya sa akin at ngumiti. In fairness lang sakaniya gwapo siya pwedeng pumantay sa kagwapuhan ni Young Master

"Ikaw pagala gala ka, diba may trabaho ka?" tanong ko

"Wala yung pinagtatrabahuan ko umalis"

"Ano ba naman klaseng guard ka, hinahayaan mo mag isa amo mo"

"Kaya naman kasi niya sarili niya, ikaw bakit na sa labas ka?"

"Wala lang nagpapahangin. Wala din ata amo ko sa bahay eh"

"Ata?"

"Hindi ako sure kung nasa bahay or wala"

"I see, edi wala kang ginagawa ngayon?" tanong niya

"Wala naman bakit?"

"Itour mo naman ako dito sa lugar niyo with matching konting background ng lugar niyo"

"Ay sige!" Naglakad kami pareho patungo sa malapit na rentahan ng bike

"Bike tayo, tapos habang nagbabike ililibot kita hindi naman kalakihan ang lugar namin"

Sumakay kami pareho sa bike at nagbayad

"Welcome to the beautiful, Small city with a big heart Liebe!" Masigla kong saad

"Maliit na syudad lang ang liebe na pinamumunuan ni Mayor Leonel Gremory, ilang taon na siyang naninilbihan dito sa bayan. Maganda pamamalakad niya at talaga namang lahat ng tao dito mahal siya. Pinapanatili ni Mayor Leonel ang Liebe na malinis at malayo sa polusyon kaya wala siyang pinapatayong mga establisyemento dito. Ang sabi sa history class namin dati ang Liebe daw ay dating kuta ng mga Vrykólakas di na pinaliwanag sa amin kung ano ang vrykólakas pero ang may ari daw ng liebe dati ay mayaman at makapangyarihang pamilya ng vrykólakas pero ilang taon ang nakalipas bigla nalang nawala ng parang bula ang mga vrykólakas at iniwan ang liebe. Tsaka nagsimulang maging bayan ang lugar na ito"

Narito kami ngayon sa munisipyo sa labas habang pinapaliwanag ko sakaniya iyon.

"Sa tingin mo talaga bang iniwan ng mga vrykólakas ang liebe ng ganun ganun lang?" tanong ni Theo

Napatingin ako sakaniya at halatang seryoso siya

"Hindi ko din alam, tsaka di ko na din naman inalam kasi matagal na yon as in matagal na matagal na! Mga ilang daang taon na"

"I see"

Nagpatuloy kami sa paglibot pati yung maliit na museo namin sa liebe dinala ko siya

Magtatakip silim na nung natapos kami. Nakaupo kami ngayon sa man made forest ng liebe, kumakain ng ice cream na tig sampung piso

"Thanks for touring me around" Theo

"Sus wala yon" saad ko at ngumiti

Pagkatapos namin kumain binalik nanamin ang bike at nagdagdag bayad para sa sobrang oras si Theo nagbayad

"Salamat ulit serafina, so see you around?"

"Sige, salamat din" Kumaway si theo at naglakad na palayo kaya ako'y umalis na din

Pagbalik ko ng mansion nagulat ako dahil parang may kakaiba

Parang ang bigat ng paligid

Parang may aurang nakabalot na sobrang bigat

ewan ko pero sobrang iba pagpasok ko pa lang ang bigat na ng nararamdaman ko

"Young master?"

dahan dahan akong pumasok sa loob at chinecheck baka may iba pang bampira nanaman na nandito sa loob

Chineck ko ang kusina, wala
laundry room, wala
backyard, wala

ano bang meron? ano tong nararamdaman ko?

Pagod lang ba to?

Lumabas ako ng mansyon at nagtungo sa may duyan na side dahil medyo mas magaan ang hangin dito kesa sa loob

ano kaya itong nararamdaman ko?

baka may nangyari kay young master?

wait, nandito ba sya?

Ilang minuto akong umupo sa duyan ng mapagdesisyunan kong pumasok ulit at mas lalong bumigat ang paligid

Iba mas trumiple ang bigat ng hangin

Napatingin ako sa second floor at nakita ko si Young Master

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya para siyang galit.

"Young master?"

"Ilang oras palang akong nawala, sinuway mo na ako kagaad"

"po?"

"Sabi ko wag ka aalis ng di ko alam diba?"

"Pasensya ka na young master akala ko kasi wala ka, kaya lumabas muna ako"

"Lumabas muna? pero inabot ka ng ilang oras may kasama ka pang lalaki"

"Kaibigan ko po yon"

"Wala akong paki, ayoko ng sinusuway ako naiintindihan mo ba Serafina Eleanore" Napapikit ako ng dumagundong sa buong mansyon ang boses ni Young Master

Pagdilat ko nagulat ako na ilang inches nalang ang layo sa akin ni Young Master

"O-opo"

"I don't care kung sino ang kasama mong lalaki or kung ano mo siya, sa susunod wag mo akong susuwayin. Dahil pagmamayari kita, ako lang ang dapat masunod at dapat sundin mo. I own your life remember?"

"Opo, pasensya na" lumayo si Young master at naglakad na papuntang sala

Nakatungo akong tumakbo sa kwarto ko at sa di malamang dahilan, umiiyak ako

Hindi dahil sa takot, kundi sa paano niya ako tratuhin pagkatapos ng pinaramdam niya sa akin.

Gumising ka kasi sa katotohanan Sera, alipin lang tingin niya sayo kaya kung ano man yang namumuong damdamin sa puso mo alisin mo!

Sinampal ko ang sarili ko habang kinukumbinsi ang sarili ko

pero ang luha ko ay patuloy pa din sa pag tulo.

The Vampire's SlaveWhere stories live. Discover now