Sisiguraduhin ko na bibigyan ko kayo ng isang ganti na hindi niyo makakalimutan. I'm Cloey Hernandez the demonic girl of Hernandez University.

*****
Andito na kami ngayon sa clinic tapos na din gamutin ang mga sugat ko. Sila Jeric ayon nag sipasok na sa mga room nila pati narin sila nica i-excuse nalang daw nila ako.

Kung Hindi lang siguro ako nahawakan ni jeric kalbo na saakin ang dalawang yun. Pero maganda na din yun para magawa ko ang planong revenge ko. Sabi ko nga diba hindi pa kami tapos. Alam kong okay na ako kaya makakalabas na ako ng clinic.

Nag punta ako sa mga locker at binuksan ang locker ng lalaking nagkakagusto kay zyrill. Siya muna ang una kong gagantihan.
Demonyo! Yes I'm a demon and no one can stop me to my revenge.

Pag-kabukas ko ng locker kumuha ako ng ballpen at papel sa mga gamit niya at saka ako nag sulat dun.

Hey man! Alam kong may problema ka sa pera para pam-pagamot ng nanay mo. Kaya handa akong tulungan ka. Kung gusto mo Kong makilala pumunta ka sa bahay ko kapag nabasa mo na to.

23 Jazar Village,Silver gate. See you..

Sinarado ko na ang locker tsaka naglakad palabas ng university at sumakay ng kotse tsaka pinaandar ng mabilis ang kotse ko.

Nang makarating ako sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko at nag punta sa balcony at masayang nagbasa habang nainom ng freshmilk.

Well tignan nalang natin kung makapalag pa kayo sakin. Kulang pa ang ganting gagawin ko sa inyo pag katapos neto sisiguraduhin kung iiyak kayo. Sa ngayon masarap na revenge palang to.

*****
Jin POVS.

Tapos na ang klase ko vacant palang namin bago ang next subject kaya dumeretso muna ako sa locker para kunin ang iba Kong gamit. Habang kinakalkal ko ang locker ko ay may napansin akong isang papel at may nakasulat duon kaya binasa ko.

Hey man! Alam kong may problema ka sa pera para pam-pagamot ng nanay mo. Kaya handa akong tulungan ka. Kung gusto mo Kong makilala pumunta ka sa bahay ko kapag nabasa mo na to.

23 Jazar Village,Silver gate. See you..

"Sino to? Kung sino ka man alam Kong makakatulong ka nga sakin kaya sige susunod ako sayo"

Isang oras naman ang vacant namin kaya pupunta ako saglit lang naman siguro yun.

Lumabas na ako ng university at nag para ng taxi sinabi ko ang address bago pinaandar ni manong ang taxi.

Nang makarating ang taxi sa sinabi Kong address ay iniabot ko na ang bayad tsaka ako bumaba ng taxi.

Namangha ako ng makita ang bahay na binabaan ko napakalaki at sobrang yaman siguro ng may-ari neto. Nag doorbell ako at may nagbukas naman na guard tsaka ako pinapasok.

Sinalubong naman ako ng isang matandang lalaki at nakangiting yumuko sakin kaya ngumiti din ako.

"Sumunod po muna kayo sakin!" He said. Tumango naman ako at sumunod na sa kanya. Pumasok kami sa isang kwarto at bumungad sakin ang magagandang damit na pang-mayaman talaga. Iba din ah. Hinanapan nila ako ng damit atsaka iniabot sakin. Isang shirt long sleeve at Pantalon na fit tsaka rubber shoes. Pinagbihis nila ako sa c.r. matapos kung mag bihis inabutan nila ako ng gold na relo at inayusan ako.

Matapos ang ilang oras na pagaayos sakin pumasok na ang matandang lalaki at inaya na akong lumabas ng kwarto.

Gusto Kong mag tanong kung kaninong bahay to pero wag nalang nakakahiya eh. Pumasok kami sa isang malaking sala napakalaking sala talaga.

"Maupo ka muna palabas na si young lady!" He said. Tumango na lang ako at naupo sa sofa.

"Sabi ko nga ba at pupunta ka" napahawak ako sa dibdib ko ng may mag salita kaya napatingin ako sa bandang gilid at nakita ko ang anak ng may-ari ng university.

"C-cloey?!"

"Yeah! Ako nga!" She said.

"Tutulungan mo ba talaga ako?"

Ngumisi siya at naglakad papunta sa isang upuan na nasa harapan ko.

"Tutulungan kita! Pero may kapalit. Ang tanong susunod ka ba?" She said.

"Oo! Kahit ano pa yan. Basta para sa nanay ko. Gusto ko pa siyang mabuhay!"

"Matapang ka nga. Well I guest magagawa mo talaga ang kapalit. Hindi ako nagkamali sayo" she said.

Kahit kabado ako hindi ko magagawang humindi buhay na ni mama ang nakasalalay dito.

"Anong gagawin ko?"

"Simple but hurtfull, Ang gagawin mo lang naman ay paibigin si Zyrill. You know who she is right? Siya lang naman ang kinababaliwan mong babae sa university!" She said.

"P-paibigin? Paano ko gagawin yun?"

"I don't know! Ikaw ng bahala ang gumawa ng paraan at kailangan lahat ng galaw niyo ay alam ko. Gets?!" She said.

"Got it! Hanggang kailan kami magsasama kapag sinagot niya ako?"

"Hmm.. 1 year! 1 year mo siyang lolokohin at kailan yung one year na yun naibigay na niya ang sarili niya sayo!" Nanlaki ang mata ko. Naibigay ang sarili?

"Ano?! Kailangan may mangyare samin? Sobra naman ata yun!"

"Pwede ba wag kang O.A Hindi naman totally may mangyayare sa inyo. Hindi mo rin naman kailangan ibigay ang sarili mo sa kanya. At kailangan mag sinungaling ka na Hindi ikaw ang kasama niya. Dahil ikaw ang ididiin niya! Cute diba. Sa ipapagawa kong to kailangan utak ang gamitin. Pag-isipan mo ang bawat galaw mo. Wag kang mag alala tutuparin ko ang sinabi ko sa sulat. Tutulungan kita na gumaling ang nanay mo!" She said.

Papayag na ba ako? Sige na nga.

"Okay! Gagawin ko."

"Good ang bilis mo naman palang kausap eh. Sige na makakaalis ka na!" She said.

"Paano tong mga suot ko!"

"Iyo na advance birthday gift na yan sayo! Good luck!" She said at umalis na ng sala.

Sinundo naman ako ng matandang lalaki at pinahatid na ako sa school sakay ng kotse nila cloey.

Nay! Pangako hindi ako papalpak dito. Pag tapos neto. Gagaling ka na.

*****

My Gangster Girlfriend | Complete Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz