Kabanata 12

133 5 14
                                        

Kabanata 12
Nabubulag sa katotohanan

Ang sakit. Ang sakit ng lalamunan ko. At hindi ko alam kung bakit. Medyo paos pa ako. At sa kamalasan, may practice pa kami mamaya. Mayroong magaganap na school festival next week. Sabi ni Ryder every year daw silang tumutogtog sa festival. Ngunit last year ay hindi daw natuloy. At hindi ko alam kung bakit.

Naglalakad ako ngayon sa corridor. May klase pa kasi ako. Pagkapasok ko sa pinto ay dumiretso na ako sa may bandang likod. Hindi naman likod na likod. Sa likod ko kasi ay may mga upuan pa. Blankong ekspresyon ang pinakawalan ko. Inilapag ko ang bag ko at inilabas ang phone ko at earphones. Wala pa kasi si Sir Binalatan.

"Totoo ba 'yon, baby Austin?" Rinig kong tanong ng babae sa likod ko.

"Oo nga. Tutugtog daw ulit kayo sa festival? Alam mo bang ang boring ng festival namin kapag di kayo tumutugtog?" Maarteng sabi naman ng isa pang babae.

Nilakasan ko ang volume ng music. Get a room! Dito pa maglalandian!

Humalakhak siya.

Mas nag-umapaw pa ang halakhak niya keysa sa tugtog. Bakit ganoon? Nakakainis. Hininaan ko ulit ang volume ng music.

"Yeah.." Sagot niya lang sa mga babaeng nakapalibot sa kanya.

"Ang laki na ng braso mo, baby A. Nag gygym ka ba?"

"Saan ka nag gygym? Para naman magkasabay tayo minsan.."

"Oo nga babe. Gusto ka naming makasamang mag gym!"

Magsama kayo sa impyerno. Nilakasan ko na lang ulit ang music. Nasan na ba si sir Binalatan? Gusto ko ng makauwi. Ang sakit sakit na nga ng lalamunan ko. Shit.

Nakinig lang ang ako sa music habang may mga bubuyog na nagsasalita sa buong sulok ng room nang may sumipa sa paa ko. The fuck. Hindi naman masakit 'yong pagkakasipa. Sakto lang para makuha ang atensyon ko.

Tinignan ko ang nasa likod ko. At matalim siyang tinignan. Ang galing lang. Parang walang nangyare kahapon, ah? Makasipa akala mo naman close kami. Nagiwan ako ng irap bago bumalik ang tingin sa harap.

Laking pasalamat ko nang dumating si sir Binalatan. Naglecture lang si Sir Binalatan habang kami naman ay busy sa pagsusulat. Nang matapos si sir Binalatan sa board ay dumating si Spencer. Nakalagay ang dalawang kamay sa may bulsa. At naglakad ng parang walang taong nakatingin sa kaniya. Tumango lang siya kay Sir Binalatan. At dumiretso sa tabi ko. Mala-demonyong ngisi ang ibinigay niya sa akin at tumingin kay Gage. Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat.

Pagkatapos non ay umalis na si Sir Binalatan at tuluyan na kaming pinauwi. Yung iba lang naman. Ang iba kasi ang may klase pa. Ako wala na. Pero may practice pa daw. Nakakainis. Makakapagpractice kaya ako neto? Paos na paos na ako.

Napagdesisyonan kong bumili ng tubig at pumunta muna sa may music room kahit na wala pa sila don. May klase pa kasi sila. Isang oras pa naman daw yon. Ang tagal! Pag ako nainip, uuwi na ako.

"Pabili nga po ng tubig. Yung hindi po malamig." Ani ko sa matandang lalaki.

"Naku, hija! Wala kaming hindi malamig, eh. Puro malalamig yung nasa cooler.." Aniya. Nginitian ko si Manong.

"Sige po, Manong." At dahil ayoko nang maglakad pa para humanap ng hindi malamig na tubig ay binili ko na rin. Nakakaawa din kasi si Manong. Alam kong mas sasakit ang lalamunan ko ngunit binaliwala ko na lang yun.

Pagdating ko sa music room ay may narinig ako. May naririnig akong.. Shit! May naririnig akong umuungol..

Pero syempre, biro ko lang 'yon.

Binuksan ko ang pinto ng music room at sinindi ang ilaw. Umupo ako sa sofa at pinakialaman ang mga magazine sa ilalim ng mesa.

Nang matapos ko ang pinakadulo ng magazine ay tumunganga ako at iminom ng tubig. At ngayon, naiinip na ako!

Nakita ko ang gitara sa may gilid at kinuha 'yon.

Pinaglaruan ko ang strings gamit ang daliri ko. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tinutugtog ko. Ngunit parang may mali. Hindi ko alam kung bakit. Hinanap ko ang tamang chords para doon. Ngunit nahirapan ako. Paulit ulit kong ginawa yon.

"Shit, ano ba kasi 'yon?" Tanong ko sa hangin.

Kainis, wag na nga. Inulit ko na lang yung kanta.

"C sharp.."

Napalundag ako sa gulat nang may narinig ako nagsalita. Nilingon ko siya. Nakahalukipkip siya sa may pinto. At kumindat.

"Kanina ka pa nandiyan?" Kahit hirap na hirap akong magsalita ay pinilit ko pa rin.

Tumango siya.

"C sharp, Amber. C sharp 'yon." Ulit niya nang di pa rin umaalis sa pagkakahalukipkip.

"I am not asking you. Kaya pwede ba. Wag kang pakialamero." At nagsimulang magstrum ng panibagong kanta.

Inalis niya ang kamay niya sa pagkakahalukipkip at naglakad papunta sa akin. Ang kanyang mga kamay ay nasa may bulsa siya. Umupo siya sa tabi ko at kinuha mula sa akin yung gitara.

Fvck, this strange feeling. Umirap ako sa kawalan at hinayaan siya sa gusto niya.

Nagsimula siyang magstrum. Kasabay ng pagstrum niya ay ang pagstrum din sa puso. What the hell!

"All this feels strange and untrue..

And I won't waste a minute without you..

My bones ache, my skin feels cold..

And I'm getting so tired and so old.."

Shit, ano 'to?! Nakakatindig balahibo siyang kumanta. Tinignan niya ako sa mata. Nakakapanlunod ang tingin niya sa akin. Parang may gusto siyang ipahiwatig. Bumilis ang paghinga ko dahil sa kabog ng lecheng pusong 'to.

"The anger swells in my guts..

And I won't feel these slices and cuts..

I want so much to open your eyes..

'Cause I need you to look into mine.."

Sa huling sinabi niya ay umiwas ako ng tingin. Ngumisi siya sa ginawa ko at muli siyang pumikit. Ang lamig sa tenga ng boses niya. Kaya siguro maraming nagkakandarapa dito.

"Tell me that you'll open your eyes.."

Apat na beses niyang sinabi yan na parang nagmamakaawa ang mga mata niyang buksan ko ang mga mata ko.

"Get up, get out, get away from these liars..

'Cause they don't get your soul or your fire..

Take my hand, knot your fingers through mine..

And we'll walk from this dark room for the last time.."

Napatitig na lang ako sa kanya habang kumakanta siya.

"All this feels strange and untrue..

And I won't waste a minute without you.."

Ngumiti siya sa akin pagkatapos niyang kumanta. Nakakadala ang ginawa niya. Nakaka hypnotize ang kanyang mga mata na para bang sinasabing akin ka lang tumingin. Hindi! Wag kang magpapadala sa kanta lang. Hinding hindi.

"Oh, ano? Tapos ka na ba?" Bored na tanong ko sa kanya.

"Minsan Amber, kailangan mong buksan ang mga mata mo. Wala namang masama kung bubuksan mo.." Aniya. Ano ang gusto niyang sabihin?

"Buksan mo ang mga mata mo kasabay ng 'yong puso at isipan. Minsan kailangan mo ding makinig sa iba. Hindi yung puro paniniwala mo na lang. Wala namang masama, eh. Hindi ba?"

"At nang dahil din diyan sa paniniwala mo ay unti-unti ka ng nabubulag.. Nabubulag sa katotohanan."

Ngumiti siya ng mapait at lumabas na ako mula sa music room. Wala akong naintindihan! Pero sagad sa buto.. Natamaan ako!

Broken StringsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora