Kabanata 9

76 6 6
                                        

Kabanata 9

Almost there

"Hi. You are too hot for me, babe.." Ani ng lalaki. At hinawakan ang aking baywang. Tumigil ako at nakita ang nanlilisik na mata ni Gage.

Oh my gosh. What have I done?

"Yes, babe. I'm too hot for you kaya shooo! Excuse nga." Bulong ko sa tenga niya.

Haha! Mas lalong kumunot ang noo ni Gage. Akala niya siguro ay nakikipaglandian ako. No, I am not like him!

"Wooooohoh!!" Sabay ko sa mga taong sumasayaw din.

Naglakad si Gage papalapit sa akin.

"Amber!" Tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon, nagtetengang kawali.

"Amber!" Maingay pero nangingibabaw ang boses niya sa aking tenga.

Lumakad ako palayo at pumunta sa stage kung nasaan ang Dj. Maraming taong sumasayaw kaya hirap kong narating 'yon. Nakita ko ang tequila na may lemon sa gilid niya kaya kinuha ko 'yon nang walang pag-aanlinlangan. Nagheadbang siya kaya ginaya ko rin siya.

Nilibot ko nang tingin ang dagat ng mga tao. Grabe! Akala mo ay wala nang bukas kung sila ay sumayaw. Yeah, this is life!

Pumagitna ako sa stage at nakidalo sa mga tao. Shit! Hinawakan ko ang ulo ko dahil sumakit ito. Pagewang gewang akong sumayaw kahit na nahihilo.

Mamaya maya ay may humawak sa baywang ko sa likod. Pabango pa lang ay alam ko na. Alam ko na kung sino 'to.

Napahinto ako at nanlumo.

"Shit! Amber, come on dance with me.." Malandi niyang bulong sa buhok ko.

Dammit! Nanigas ang buong katawan ko. Kiniliti ng buong sistema ko ang bulong niya.

"Sa akin lang, Amber. Wag sa kanila.. Sa akin lang.." Pahabol niya.

Humarap ako sa kanya.

Kasabay ng kabog ng puso ko ang beat ng music. Mas malakas pa ang kabog nito kaysa sa tugtog. Sumayaw kami at naghiyawan ang mga tao. Tinapat sa amin ang spotlight. Marami kaming naagaw na atensyon mula sa mga tao kaya nailang ako ngunit hindi ko 'yon pinahalata.

Mga ilang sandali ay may mga babaeng nakisayaw kay Gage dahilan upang mapalayo ako sa kanya. Umirap ako sa kawalan. Bwisit talaga 'yon. Dance with me dance with me pang nalalaman. Siya pa ang may ganang makisayaw sa iba. Ni hindi man lang ako sinundan. Bumaba ako ng stage. Bawat taong nakikita kong may hawak ng alak ay inaagaw ko 'yon. I don't care kung magalit sila. Basta naiinis ako.

Bat ba ako nagkakaganito? Hindi ko alam.

Dumako ako sa bandang gilid na alam kong walang gaanong makakakita sa akin. Medyo madilim dito ngunit may paminsan minsan namang naliligaw na disco light at neon light. Kinuha ko ulit ang alak sa gilid ng mesa.

"Shit.." Inda ko sa sakit ng ulo at sa pagbaliktad ng aking sikmura. Mariin kong pinikit ang aking mata.

Pinunta ako ng aking paa sa isang di ko kilalang lalaki. Nakipagsayaw ako sa kanya. Tumalikod ako at idinikit ang ulo ko sa dibdib niya. Narinig kong ngumisi siya at naramdaman ko rin ang malalagkit niyang titig mula sa likod ko. Hinawakan niya ang aking baywang. At binalewala ko lamang 'yon. Ngunit maya maya, ang kanyang kamay ay hinaplos na ang aking tiyan. Agad ko iyon tinanggal.

"What the hell?!" Sigaw ko. Napaawang naman ng bibig ang di ko kilalang lalaki. Aaminin kong pogi siya at may bumabaladrang dimples. Yes, nakita ko 'yon kahit madilim.

May humawak nanaman bigla ng aking bewang. At niyakap ako.

"What are you doing?!" Sigaw niya. Hindi ko alam kung kanino niya sinasabi yan dahil nalunod na ako sa bango niya. Darn it!

"Gage.." Ani ko. At pinatong ang ulo sa kanyang balikat.

"Let's go, Amber. You really are drunk for pete's sake!" Aniya.

At hinila ako palabas. Pinagsalikop niya ang aming kamay. Nanatili ang mata ko doon kahit na hirap naming tinahak ang dancefloor at kahit pagewang-gewang ang aking lakad. Inalalayan niya ako kaya tinanggal niya ang aming magkasalikop na kamay. Nalunod ako sa mga pangyayari ngayon kaya hindi ko namalayan na nasa parking lot na pala kami.

Binuksan niya ang pintuan sa front seat at inalalayan ako sumakay. Bumaliktad ang sikmura ko pagkaupo ko.

"Tss. Ayan kasi.." Aniya at umiling.

"Nasusuka ako."

"You pregnant?" Biro niya. At humalakhak.

"Ha ha ha. Nice try Mr. Dela Vuesta." Inirapan ko siya. Leche! Ako? Buntis?

Ilang oras pa ang biyahe pauwi sa amin. Kaya napagisipan kong umiglip muna upang mawala ng konti ang sakit ng ulo ko. Umupo ako ng maayos at pinikit ang mga mata.

Hindi ko makuha ang komportableng posisyon kaya bawat segundo ay nagiiba ako ng puwesto. Maya maya ay itinaas ko ang paa ko upang madiretso ito. At konti akong nagslide pababa upang mas diretso ang puwesto ko.

"E-ehem." Rinig ko habang nakapikit ako.

"Hmm?" Tanong ko habang nakapikit pa rin.

"Wa-wala.." Sagot niya. "A-no kasi.. Uh.."

"Hmm?" Tanong ko ulit sa kanya.

Dinilat ko na ang aking isang mata upang makita siya at matanong kung anong gusto niyang sabihin. Nakita kong uminit ang pisngi niya at parang hindi komportable sa pagmamaneho. What's his problem?

"Why?" Tanong ko. Muli akong pumikit.

"Nothing. Just sleep." Aniya.

"Bakit nga?" Pinatong ko ang kaliwang paa ko sa kanang paa ko, diretsong nakadekwatro.

"W-will you.."

"Hmm?"

"Will you put your goddamn legs down and stop saying hmm!" Mabilis niyang sinabi sa akin. Tinignan ko siya at namumula na ang kanyang mukha.

"Hmm?" Muli kong asar sa kanya.

"Dammit! Gusto mo na bang mamatay?"

"Hmm?" Napahalakhak naman ako sa isip ko. Kahinaan niya ba ang legs ko at pagsabi ng 'hmm'?

"Shit." At hininto niya ang sasakyan. Binaba ko na ang aking mga legs.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kanya. "Ba't tayo mamamatay?" Napahalakhak ako.

"Can't you see, Amber? I am driving!"

"I know. Nakikita ko. Hindi ako bulag." Biro ko naman.

"Hindi ako makapagdrive ng maayos. You're disturbing me." Maarte niyang sinabi at ipinatong niya ang kanyang siko sa gilid ng salamin ng pintuan niya at pinaglaruan ang kanyang labi.

Darn it! Kinagat niya ang kanyang lower lip. Mas lalo itong namula!

"W-where are you looking at?" Tanong niya. At tumingin sa akin. Kinagat niya ulit ang kanyang lower lip.

"Hmmmmmm. Are you seducing me?" Hinabaan ko ang pagsabi ng 'hmm'

"Pardon me? Ako dapat ang nagtatanong niyan. Now tell me Amber. Are you seducing me?" Tinaas nito ang kanyang kilay at ngumisi.

Napahinto ako don! Shit! Tumitig lang ako sa kanya. At siya naman ay unti-unting nawala ang ngisi niya.

Ang gulo ng buhok niya. Tangos ng ilong. Nakakalunod na mga mata. Mapulang labi. Labi. Yes, labi. Tinignan ko ang mga mata niya na kanina pa palang nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin. Ganoon din ang ginawa ko. Tinignan ko ang ilong niya. Pababa sa kanyang labi. Hinawakan niya ang aking baba. Biglang kinalabog ng paghawak niya sa baba ko ang aking puso. Tahimik ang paligid. Tanging paghinga lang namin ang aming naririnig. Pinagdikit niya ang aming mga ilong. Amoy na amoy ko na ang kanyang pabango. Pumikit ako at hinintay na dumampi sa akin ang kanyang labi nang biglang bumaliktad ang sikmura ko! Tinakpan ko ito.

"Gage, nasusuka na ako."

We were almost there! Damn, his lips.

Broken StringsWhere stories live. Discover now