Kabanata 8

113 8 3
                                    

Kabanata 8

Too hot for me, babe

Pagkabalik ko sa kanya ay lumakad kami ng konti at ng makalayo na ay agad kong inalis ang aking kamay sa kanyang braso.

"W-wag mong seryosohin 'yun. Sige. Bye!" At agad akong tumawid sa kabilang kalsada para puntahan si Manong. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko siya pinansin.

Sumakay na ako sa sasakyan. At sinabi kay Manong na umalis na kami.

Hindi ko tinapunan ng tingin si Gage. Nahihiya ako sa ginawa ko. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya.

Lumipas ang ilang araw at hindi nga ako nagpakita sa kanya. Kung makita ko man siya ay agad maglalakad ng mabilis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Hi, Amber!" Bungad sa akin ni Nadine pagkabukas ko ng pintuan.

"Hey. Come in!" Sambit ko pabalik.

Pinapasok ko siya sa bahay at pinaupo.

"La and Ma, this is Nadine.." Ani ko ng lumabas sila Lola at Mama mula sa kusina. "Nadine, Lola ko and Mama." Tumango naman si Mama.

"Hello po! Good afternoon po." Bati ni Nadine at ngumiti.

"Oh, hello dear! Nice meeting you." Sabay abot ng kamay ni Lola kay Nadz. At tinanggap naman niya ito. Ganoon din ang ginawa ni Mama.

"Sige. Maiwan ko muna kayong dalawa. If you need help just call manang. Okay? Take care sweetie." Hinalikan ako sa ulo ni Mama.

Ngumiti silang dalawa sa amin ni Nadz bago umalis.

"So.." Tumingin ako kay Nadz. "Party time!!" Sigaw niya. Tumawa ako.

"Anong party time? Baliw!"

"What? Bakit? Try mo namang lumabas minsan sa comfortzone mo. Aba hija, nasa 21st century na tayo tapos maria clara ka pa din? Wala namang masamang sumbok minsan, noh! You know, party party!" Excited netong sabi.

"Wag na! Sayang pera." Sinamaan niya ako ng tingin. "Next time." Inikutan ko siya ng mata.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Sumunod naman si Nadz. Binuksan ko ang ref at kinuha ang mga chocolates. Yung mga chocolates sa locker ko.

"Chocolates all the way! Can I have some?" Sabi niya habang tinitignan isa isa ang mga chocolates. Bago pa ako sumagot ay nagbukas na siya.

"Samahan mo ako."

"Where?" Tanong niya.

"Basta."

Inilagay ko sa paperbag ang mga chocolates. At pinuntahan si Manang at nagpaalam.

Napagdesisyonan kong maglakad na lang. Medyo malapit lang naman 'yun. Tanong ng tanong si Nadz habang naglalakad. Pero binabalewala ko lang siya. Natatawa nga ako sa kanya dahil kalat kalat pa ang chcolate sa gilid ng labi niya. Paano ba naman, inubos na ata niya lahat ng chocolate. Hindi ko siya pinapansin kaya ang ginawa niya ay kumain na lang ng kumain.

Huminto ako nang makita ko na ang mga bata sa gilid ng simbahan. Maliit na simbahan lang ito. May mga punong nakapalibot at sa gilid ay may playground.

"Hi mga maggandang ate!" Bati sa amin ng isang batang babae.

"Hello! Ang cute mo naman." Sabi ko at nginitian siya.

Nagsipuntahan ang mga bata sa amin ni Nadz. Ngingiti-ngiti si Nadz dahil panay ang papuri sa kanya.

Tumawa ako.

"Nako mga ading.." Ani ko at ginulo ang kanilang mga buhok. "Sinong may gusto ng.. Chocolates?"

Isa isa silang nag taasan ng kamay at nagsigawan, "Ako! Ako! Ako!"

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon