Simula

580 16 15
                                        

Simula

"Fionna. Get out of your room. May sasabihin ako." Sigaw ni mama.

"Ano po 'yon, mom?" Sigaw ko pabalik at ngumuso.

"Come on. Kailangan natin mag-usap." Lumabas na ako mula sa aking kwarto at bumaba agad papuntang kusina.

"Ano po 'yon, Ma?" Bungad ko kay Mama. At napangiti dahil sa bango ng kanyang bine'bake. Ang chocolate cupcake.

"Did you bake it for me, Mommy?" I asked habang nakangiti pa din abot langit.

"No, baby." Sabay tawa ni Mama. Para namang gumuho ang mundo ko. At nawala ang ngiti sa aking labi. "I was just kidding." Halakhak ni Mommy.

"Funny." Mariin kong sambit. At inikot ko ang aking mga mata pataas.

"Keep rolling your eyes baby. Maybe you'll find your cupcakes back there!" Tinawanan niya ako. Then, nilagyan niya na ng chocolate frosting ang kanyang mga binake.

Nang natapos na ni mama ang lahat. Kumain na kami at nagkwentuhan.

Ang sarap talagang magbake ng cupcake ni Mama. Para bang bumabalik ako sa pagkabata. Naalala ko pa noon. Araw araw ata ay may cupcake ako. Minsan din naman ay cake, cookies, and brownies.

"Ma, ano nga po pala yung pag uusapan natin?" Tanong ko sakanya.

"Ay oo nga pala. I almost forgot. Kila lola mo na tayo nyan titira. Since, aalis niyan sila Tito Miguel mo. Walang kasama si Mama don. Pero wala pa namang exact date kung kailan tayo aalis." Paliwanag ni Mama.

"So it means.. doon na ako mag-aaral?" Sambit ko ng mahina nang narealize ko yung nasabi ko.

"Yes anak."

"No, no, no way, Mom!" Agad kong pinutol yung sinabi ni mama.

"Your lola can't live alone. Alam mo yan, Amber." Seryosong sabi niya.

"Pero Ma, nasanay na ako dito. Ayoko pong mag aral doon, ma. Please." Pagmamakaawa ko sakanya.

"No!" Matigas niyang sagot.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Pero naiiyak na ako. Oo, miss ko na si Lola. Pero ayoko talaga doon.

Kaya nagisip ako ng mga pwedeng maging paraan. "Ma, iwan nalang po ako dito." Ani ko.

"No." Umiling si Mama.

"What if.. dun nalang kaya ako kay Papa?" Sabi ko out of frustration.

"No, hindi pwede!" Sabay naming sigaw ni Mama. What the heck?! Nasabi ko ba talaga iyon?!

"Tss. No choice. I'll go with you, Ma." Sabi ko na para bang isang kalbit nalang ay papatak na ang mga maiinit na likido mula sa aking mga mata.

Dahil sa aking inis, pumasok at nagmukmok nalang ako sa aking kwarto. Humiga ako ulit at kinuha ko ang aking cellphone. I dialed Lara's number. Wala lang. Pangpagoodvibes lang.

"Helloooo!" Bungad niya sa akin.

Bahagya akong umayos mula sa pagkakahiga. "Hi Lara! Ang hyper mo talaga!" Ngumisi ako. Hindi niya talaga ako binibigo. Palagi niya nalang akong pinapangiti. "Thankyou for everything, Lara David." Emosyonal kong sinabi sa kanya.

"Ang hyper ko. Tapos ikaw ang lungkot mo. What happened?" She asked. "And thank you for what?"

I tried to laugh. "Wala, wala. I was just joking." Humalakhak naman siya.

"Lakas ng trip mo!" Halakhak nanaman niya.

"Coffee tayo." Anyaya ko sa kanya.

"Sure sure. Maaga pa naman. I'm gonna hang up now. See you! Bye." Paalam niya.

"Okay, bye." The line went off. At nagpalit na din ako ng damit.

Sa kalagayan ko ngayon, kailangan ko nang sulitin ang panahon kasama si Lara. Dahil baka bukas o makalawa ay maaari na kaming umalis. Naalala ko na naman ang pagalis namin. Ikaw ba naman tumira sa probinsya? Mahirap mag adjust. Mahirap doon. Walang kaibigan. Maaaring mayroon ngunit hindi mo masasabi kung totoo ba o hindi. Pero ganon naman talaga.

After a few minutes, Im done! Nagpaalam ako kay mama.

"Bye, Ma." I kissed her cheeks.

"Take care. Wag papagabi. Nasa labas na si Manong." Paalala ni Mama.

I just nodded to her.

Umupo na ako sa backseat. And after a blank minutes, I saw Lara waving her right hand, smiling.

Sinalubong ako ng yakap ni Lara. Pumasok na kami sa loob. Si Lara ay nagorder na. Napagusupan naming manlilibre siya. Kaya siya na yung umorder. Ako naman ay maghahanap ng mauupuan. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Hindi naman ganoon kadami ang tao. Marahil ay medyo maaga pa. Doon ako umupo sa may malapit sa malaking salamin na kung saan makikita mo ang mga dumadaan na mga tao.

Papalapit na si Lara. Dala dala yung mga inorder niya. Umupo siya at iniabot sa akin iyong binili niya. She smiled at me. And I smiled back.

Sumipsip muna siya bago nagsalita. "What's your problem? Anong nakain mo at niyaya mo akong pumunta dito?"

"Pupunta na kami kila Lola." I said. She raised her right eyebrow like signing me to continue what I am saying. "I don't wanna go there!" Inikutan ko siya ng mata.

"Pupunta lang naman kayo, ah? Anong problema doon? Hindi naman kayo siguro titira doon." She took a sip.

"That's the point. We're going to live there for like forever. Ayoko doon!" Tumaas ang aking boses kaya napatingin ang mga tao. I rolled my eyes to them. Mga chismoso't chismosa.

"Edi ireklamo kay tita. Why are you saying this to me?" Kalmado niyang sabi.

"Nakakainis. Kayanga niyaya kita pumunta dito para mailabas lahat ng inis ko." Marahas kong sinabi sa kanya. "Masaya naman sa probinsya. Pero hindi ba? Di mo padin maiaalis sa akin na mainis. Anong gagawin ko doon? Magtatanim? Ano pa? Mangangaso? For pete's sake. Don't get me wrong, hindi ko naman minamaliit ang probinsya. Pero yung opportunity sa pagaaral ko? Gusto kong grumaduate sa kilalang school. Ayaw ko sa pipichugin!!" Napatayo na ako sa inis. Ang mga taong nakatingin lang kanina ay ngayon tinatapunan na ako ng tingin like asking me what the hell is going on with you?

"What?!" I said in sarcastic tone and rolled my eyes again and again.

"Hey. Relax. I know, I know. Mahirap talaga iyon para sa iyo. Pero diba nasa sa iyo na yun kung pagbubutihan mo ang pagaaral mo? Kung tutuusin nga ay wala iyan sa university na pinapasukan mo. And please lang. Wag mo namang ibuhos lahat sa akin iyang inis mo." She said calmly.

I took a deep deep deep breath. And nodded to her.

Sa kanya ko lang pwede ikwento ang lahat dahil siya lang naman yung pinagkakatiwalaan ko. At sa kadahilanan na din na siya lang ang kaibigan ko. Hindi naman sa anti-social ako. Mahirap lang talagang magtiwala sa panahon natin ngayon. Kakaibiganin ka lang nila dahil sa ano? Di ko din alam. Basta ang alam ko nagkakalat ang mga plastik ngayon. Pakalat kalat sa tabi tabi. Kaya kung ako sayo ay susunugin ko na sila. Leche sa buhay.

"Siguro ayaw mong iwan boyfriend mo dito, no? Or baka naman nagpapakipot ka lang? Pretending you're not okay, pero may balak kang maghanap ng boyfriend kila Lola mo?" Mapangasar niya sabi. She even grinned evily.

Naimbyerna ako lalo sa sinabi niya. "What?! What are you saying?! Kilala mo ako. Hindi ako ganoon!" Said that to her habang nanlilisik na ang aking mata.

"Hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko, ah? Gumising ka nga, Amber! Anak ng tokwa. Tao ka din, Amber. Hindi ka alien, okay? For sure, may lalaking magpapatibok ng puso mo. Yung tipong parang may nangangabayo sa loob niyan." Sabay turo niya sa may kaliwang dibdib ko. "Tandaan mo yan."

Well, I am Amber Fionna Zamora. Naniniwalang lahat ng mga bagay ay may hangganan. Love? Kapag binigay mo na ang lahat at nakuha na nila lahat ng mga gusto nila mula sayo, they will eventually leave. They will inevitably leave. Especially, boys.

Broken StringsWhere stories live. Discover now