Bahagya pa kong nagulat dahil sa malakas niyang pagtawa. Talagang literal na hagalpak with matching hampas pa sa table ko. Yung totoo? Lalaki ba talaga ang kapatid kong 'to? Napailing na lang ako bago mapatawa din.

Minsan napapaisip din ako ee. Kung may sapak na ba siya dahil sa pagiging matalino niya. Grabe.

"At siya pa talaga ang tanga Helen?" Natatawang tanong niya

I chuckled. "Bakit? Gusto mo ba ikaw?"

"Basag ka."

I laughed hard. Tingnan mo 'tong lalaking 'to, napaka pikon. Pero pag siya ang nang-aasar aba'y kagaling.

"Ano? Sasama ka?"

I rolled my eyes at him. "You don't take no as an answer, aren't you?"

His lips curver into a wide smile. "Yes, I'm not."

I shook my head in disbelief. "As if I have a choice. Tss."

He chuckled. "Yes honey, you don't have a choice."

Napailing na lang ako bago sumandal sa swivel chair. Ilang minuto lang kaming nag-usap pero pagod na agad ako.

Nakakapagod naman kasi talagang makipagtalo sa kanya. Para siyang si daddy na hindi nauubusan ng sasabihin.

Feeling ko nga, siya ang babae sa'ming dalawa. Napaka daldal.

"So, prepare your things Sis." He suddenly said

My browd furrowed. "Wait. Why? Kailan ba ang alis?"

"Tomorrow" simpleng sagot niya sa'kin.

Napatayo naman ako dahil sa gulat. Jusko lang ah. "Anong bukas ka dyan? Agad-agad?" I glared at him. "At saka next month pa ang birthday mo!"

Pero ang bwisit kong kapatid, tinawanan lang ako. Bakit ba may mga taong ganito? Yung tuwang-tuwa kapag nakikitang pikon kana. Nakakainis ah.

"Gusto ko magtagal dun ee." He pout. "Saka, bonding din namin ni Pia yun 'no."

Sa sobrang pagka-inis ko, nagawa ko ng ihampas sa ulo niya yung isang folder na nakapatong dito sa table ko. Bwisit na lalaki 'to. "Wala sa plano ko ang maging chaperone Pollux Paul Stevens." Madiing sagot ko sa kanya. Ang kapa ng mukha ng lalaking 'to.

He just shrugged. "Well, like what I said earlier, you don't have a choice."

"Aba't.."

Talagang hindi man lang niya pinatapos ang sasabihin ko at agad siyang umalis ng opisina ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yun at talagang pasipol-sipol pa siya kung lumabas.

Humanda talaga siya sa'kin kapag nagkita kami. Nako talaga!

Imbes na mainis lang, tinuon ko lang ang pansin ko sa trabaho.  Halos hindi ko na nga namalayan ang oras kung hindi pa ko dadalhan kanina ng pagkain ni Papa.


Kaya in the end, dito na din ako kumain sa opisina ko. Mas okay na din yun, para less hassle.


Tutok na tutok ang pansin ko sa laptop ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at walang habas na pumasok ang gaga kong pinsan.


"Wazzup Cousin."


I raised my brow at her. "What are you doing here Guinevere?"


Pero ang bruhang 'to, talagang hindi nagpatalo at tinaasan din ako ng kilay. Isa pa 'tong babaeng ito. Para siyang si Kuya na dakilang bwisit ng buhay ko. "Tatambay lang. Bakit? Bawal?"


I rolled my eyes at her. "Oo, lalo na kung walang pahintulot ko."


She just smirked at me. "Sorry na cous. Nakakatakot pa naman magaling ang mga two ti-.."



"Blah blah blah. Have you eaten?" I cut her off.


Sinamaan ko lang siya ng tingin ng malakas niya kong tinawanan. Nakakainis talaga. Wala ba silang ibang gagawin ngayon kung hindi ang bwisitin ako? Nakakapuno na ah. Kaurat.


"Tapos na."


Kanang kilay ko naman ang naitaas ko ng talagang nagawa pa niyang ipatong ang paa niya sa table ko. Inis na tinulak ko naman yun.


Kababaeng tao ee. Tss.


"Umayos ka nga Guinevere."


She just chuckled at me. "Ang high blood mo cous ah." She paused and smirked at me. "Kulang ka sa dilig. Hindi parin ba nagpapakita si Lieutenant?"


At kagaya ng ginawa ko kay Kuya, hinampas ko din siya ng folder sa ulo niya. Hindi naman siya umangal sa'kin, bagkus talagang tinawanan pa ko.



Hindi kaya, silang dalawa ni Kuya ang tunay na magkapatid? Tss.


"What the fuck Helen? Bakit mo ko hinampas?"


I rolled my eyes at her. "Gusto ko. May problema?"


She just glared at me. "Alam mo, hanggang ngayon parin talaga napapa-isip parin ako."


Hindi naman ako sumagot sa kanya at inayos lang ang suot kong damit bago humarap ulit sa laptop ko. "Pano ba nagawang pakisamahan ni Lieutenant 'yang ugali mo?"


Agad naman akong napatingin sa kanya. Bigla din ang binalot ng lungkot ng maalala kung gaano nagpursigi si Raven para makuha ang pagmamahal ko.


Sadyang tanga lang talaga ako at hindi ko iyon nakita agad. Masyado akong nabulag sa pagmamahal ko sa isang tao na hindi naman dapat.


Masyado akong nakampante na hindi niya ko magagawang sukuan dahil mahal niya ko. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya.


Sobra pa sa sobra.


Ilang taon na din ang lumipas mula ng tuluyan siyang makipaghiwalay sa'kin.


Pero kahit ilang taon na yun, alam ko sa sarili kong siya parin.


Siya ang pinili ko noon. At siya parin ang pipiliin ko ngayon.



Pero ang tanong, kung sakaling magkagipitan, magagawa parin niya kaya akong piliin katulad ng pagpili niya sa'kin noon?

"Hoy! Natulala kana diyan."

Napa-ayos naman ako ng pagkaka-upo bago nahihiyang nag-iwas ng tingin. Nakakahiya. Nasaksihan niya pa ko sa ganung eksena. "Are you alright Helen?" She asked, worrieldy.

I cleared my throat. "I'm fine Guinevere." I lied.

She just staring at me intently. Hindi ko naman magawang labanan ang tinging binibigay dahil alam ko, malalaman at malalaman niya kung anong bumabagabag sa'kin.

"It's about Morales. Right?"

I chuckled just to hide my nervousness. "It's always about her cous, nothing new."

She nodded slowly. "Talaga bang pinagsisihan mo na lahat ng nagawa mong kasalanan sa kanya?"

Literal na inirapan ko siya. "Hindi paba halata? Sobra sobra na ang pagsisisi ko."

Pero ang witch na 'to, tinawanan lang ako. Kung nasa mood lang ako, talagang uupakan ko siya. Bwisit ee.

"May tatanong pala ko cous."


Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ano na namang kalokohan iyang itatanong mo?"

Mas lalo naman akong na-curious sa tanong niya dahil talagang umayos pa siya ng pagkaka-upo. "Ilang taon na ba kayong kasal?"

My brows furrowed. "10 years. Why?"

Nakangising tumango naman siya, at talagang nakahawak pa siya sa baba na animo'y nag-iisip.

"Guinevere"

She looked at me. "So, nagsex na kayo?"

Literal na nanlaki ang mata ko.

Pwede ba magmura? Jusko.

T-nginang 'to! Puro kabalbalan ang nasa isip.


"You know what Guinevere, yawa ka!"




Paano ko ba naging pinsan ang gagang 'to!








—————————

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now