SIMULA

24.4K 501 250
                                    

Simula

"Wala ka na talagang ginawang tama na bata ka!" bulyaw sa akin ni Mommy.

"S-sorry po mommy".

Kanina pa kami dito sa sala at kanina pa ako pinapagalitan ni mommy.

"You're such a disgrace to our family!"

I don't know why pero nasasaktan pa din ako kahit palagi naman akong sinasabihan ni mommy na wala akong kwenta, na puro kahihiyan na lang ang alam kong dalhin sa pamilya namin.

"M-ommy, I-I don't mean to be late to our class earlier." Wika ko habang humihikbi.

"At sumasagot ka pa talagang bata ka ha!" akmang sasampalin niya ako ng bigla siyang pigilan ni Daddy.

Buti pa si Daddy, lagi niya pinapakita kung gaano niya ako kamahal pero si mommy, never niyang pinakita. She just only loves my little brother, Charles.

"Tama na yan, hon. Narinig naman na natin kay Garnet na hindi niya sinasadya dahil may nakabungguan siya at nalaglag ang dala niyang mga libro."

Lalong nanggalaiti sa galit si Mommy.

"Still, it's not a valid reason! Kung hindi lang siya nagpatanga-tanga, hindi siya malalate! Buti na lang kaibigan natin ang may-ari ng school na yon at binabalitaan tayo sa mga pinaggagagawa nitong anak mo!" wika niya at walang sabi-sabing umalis.

Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Mommy. Gustong-gusto ko siyang sagutin na anak din naman niya ako at hindi lang kay Daddy pero hindi ko na sinubukan dahil lalo lang akong masasaktan sa mga sasabihin pa niya sakin.

"Garnet, go upstairs. Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo". Sabay yakap niya sa akin.

I'm really lucky to have a father like him. Napakabait, napakasweet at napakamapagmahal ni Daddy kaya balang araw, ang gusto kong mapangasawa ay katulad niya.

"Okay, daddy." I sighed.

Malungkot akong umakyat at pumasok sa aking room.

Tinatamad pa akong magbihis kaya nahiga muna ako sa aking kama habang naka-uniform.

I'm just staring at my room's ceiling when the door of my room suddenly opened.

"G, what happened? Ayos ka lang ba?" saad sakin ng pinsan kong si Lawrence habang papalapit sa akin.

He's the only person that calling me "G" and I don't know why but every time he calls me that, I don't understand what I'm feeling. I feel so happy.

Nakahiga pa rin ako habang nakalapit na siya. "Uhm. Nalate lang ako sa klase kanina dahil may nakabungguan ako then ayun, tinawagan na agad sila mommy. Akala naman nila sobrang laking kasalanan na agad ang nagawa ko."

"Hindi ba ako pwedeng magkamali?! Bakit ba ganun sakin si mommy, Lawrence?" Humihikbing wika ko.

"Hindi ba talaga ako mahal ni mommy? Kelan niya ba ako mamahalin? kapag ba perfect na akong anak?!" mas lalo pa akong napaiyak.

Dali-dali naman ako niyakap ni Lawrence at pinaupo sa kanyang kandungan.

Ganito ang palagi niyang ginagawa sakin sa tuwing umiiyak ako at pinapagalitan ni mommy.

"G, mahal ka ng mommy mo. Pagpasensyahan mo na siya. Concern lang siya sa pag-aaral mo. Buti na lang tinawagan agad ako ni Yaya Minda at sinabi na pinapagalitan ka na naman daw." He said while kissing me in my forehead.

"Stop crying please, G." malambing niyang wika. Siya na mismo ang nagpunas ng aking mga luha sa may pisngi.

Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Napakagwapo talaga nitong pinsan ko. His eyes are color brown and his nose is very pointed. Mapula din ang kanyang mga labi at maputi ang kanyang balat. Sa tantsa ko ay 6-footer siya samantalang ako ay 5'5 lang.

"Stop crying na, okay? I'm here na. Sorry kung hindi kita naihatid pauwi. Nagtraining kasi kami sa basketball."

Tumango lang ako bilang sagot.

Lagi niya akong hinahatid at sinusundo sa school dahil bukod sa pareho kaming G12 student ay magkapitbahay lang kami.

"It's okay Lawrence." wika ko habang nakatitig pa rin sa kanyang mukha.

Safe. Yan ang lagi kong nararamdanan kapag kasama ko siya. Close kaming lahat na magpipinsan pero masasabi ko din na si Lawrence ang pinakaclose na close ko sa pinsan kong mga lalaki.

Inayos niya ang mga buhok ko na nakaharang sa aking mukha.

"Don't overthink about your mom, okay? I'm always here for you" niyakap niya ako ng mahigpit at sumiksik sa aking leeg.

"I'm always here for you, baby." Hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil unti-unti na akong nilamon ng antok.

******

Welcome to my first ever story here in Wattpad! :) Hope you all support me 'til the end :)

May maintenance si Wattpad bukas kaya I'll update the Chapter 1 later at 8 pm! :)

Don't forget to follow me and vote! Feel free to leave a comment! :)

Thank you so much, guys and keep safe!❤

FORBIDDEN DESIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now