Chapter 20

4 1 0
                                    


Michelle POV

Nakataas ang kilay ko habang nakikipagtitigan sa bruhang charisse, hindi ko alam kong anong tumatakbo sa isipan nito at bigla akong hinatak papuntang cr ng makakasalubong namin sila yael at jason tsk

Tatlong araw ng nakakalipas mula ng malaman niya ang mga pinagsasabi niya sa bar at sa tatlong araw nading yun panay ang iwas niya kay yael, kapag makakasalubong niya biglang liliko, kapag nakita niyang nasa labas ng room si yael biglang yuyuko nawiweirduhan nako sa gagang to.

Isa pa si chescka sa tatlong araw na nakalipas na yun pagtapos niyang maclinic nawala ang pagiging mailap niya, masungit at tahimik padin siya pero nakikisama na siya samin at paminsan nakikingisi, oh diba? Ang weird lang ng mga tao ngayon.

"Mukha kang ewan"

Nilingon ko ang bruha at tinaasan siya ng kilay

ako pa daw huh?

"Ako pa ngayon ang mukhang ewan. Ikaw nga tong palaging nagtatago at tumatakbong parang kriminal kapag nakikita si yael, seriously"

"Haysssst, ewan ko ba hiyang hiya ako sa mga nasabi ko, tapos ang weird pa ni Austin palagi siyang nasa kwarto, kung hindi ko pa nga nakikita yun kada madaling araw na kumakain baka iisipin kong nagpapakamatay na siya haysssst"

Kumunot noo ko sa sinabi niya.

"First. Bat ka nahihiya sa sinabi mo kay chescka na narinig ni yael? Tama naman lahat ng sinabi mo kahit ang magpinsan alam nilang may point ka and Second. Kung may problema ang kuya mo bakit hindi mo kausapin? Bakit hindi mo siya lapitan? Hindi yung puro ka lang pagmamasid tapos nirereklamo mo naman samin kaya pati kami nastress sayo, no offense sissy love ka namin pero alam mong kahit tumulong kami sa problema niyo wala padin yun sa kalingkingan ng kaya mong gawin duh" sabi ko

Nakatitig lang sakin si cha kung hindi ko pa hablutin ang buhok niya baka kanina pako natunaw tssssk.

Magsasalita na sana siya ng makarinig kami ng flush ng toilet, sabay kaming lumingon sa cubicle na nasa tapat namin at lumabas doon si chescka na iiling lang pero may ngisi sa labing dumeretso sa lababong nasa tabi ni charisse

"Baka matunaw ako"

bigla kaming nabalik natauhan ng magsalita siya

"Nakakagulat ka naman chescka, hindi man lang namin naramdaman na andito ka" cha, napasandal pa siya sa lababo

"Masyado kasi kayong seryoso sa paguusap"

Napangisi ako ng lumingon sya sakin kaya sinuklian niya din ako ng ngisi at sabay kaming tumingin kay cha na ngayon ay namumula na.

"Shems chescka, alam kong alam mo na ang dahilan bat ako iwas na iwas sa pinsan mo at alam mo din na sobrang lasing ako kaya ko nasabi yun kaya naman—" natigilan to ng tumawa si chescka kaya pati ako napatitig sakanya

"Easy, wala naman akong sinasabi" sabi nito at pumunta sa dulong cubicle at kinatok ito

"Mikhaila, hindi kapa tapos?"

Nang marealize ko ang nagyayari natawa ako ng malakas na siyang kinapula lalo ni cha. Damn.

Seryoso namang lumabas si mikhaila at naghugas ng kamay

"Ang drama niyo" tanging sabi nito saka lumabas kaya sumunod si chescka dito at hinatak ko na ang babaeng sobrang pula dahil sa kahihiyan

Natatawa padin ako habang naglalakad kaya may napapatingin samin pero hindi ko sila pinansin masyado akong naaliw sa nangyari pero nawala ang tuwa ko ng may makakasalubong kaming apat,

sila austin

Ok sanang sila lang pero may kasama silang demonyo at kung makangisi akala mo mangangain

Jason

"Anong nangyari kay charisse at pulang pula yan?" Renzo

Dahil sa sinabi niya natawa nanaman ako, maging sila mikhaila at chescka ngumisi lalo nat nasa harap din namin si yael na kunot noong nakatitig kay charisse na halos magtago na sa likuran ni cheska

"Ok? Ok lang ba kayo girls?" Nagaalalang tanong ni Adrian

Umiling kami sa tanong niya at sumeryoso lalo nat seryoso ang taong nasa harapan ngayon ni chescka na sumeryoso na din

Bumigat ang atmosphere. Wiws

"Ehem ehem" jason

Sumimangot ako ng marinig ko ang pangit niyang boses. Nakita niya ang pagsimangot ko kaya nginisian niya ako panira talaga ng mood tong demuho nato

"Ah eh? Guys? Excuse lang huh?"

Napatingin kami sa gilid ng dumaan si Francis na hatak hatak si denisse na nagtatakang nakatingin samin.

"Ohh! Kumpleto na tayo nice, nasan si pareng lawrence at mareng steph?"

Tinaasan ko ng kilay si jason na mukhang tanga dahil kanina pa siya nagsasalita wala namang pumapansin sakanya pero imbles mahiya kumindat pa ang gago, ang kapal talaga ng pagmumukha nito

"Girl? May recitation tayo sa ethics ngayon ano? Balak niyo bang makipagtitigan hanggang uwian?" Bulong ni francis kay charisse na katabi ko kaya narinig ko ito, actually lahat ata kami narinig siya dahil hindi naman mukhang bulong ang ginawa niya

Dahil sa sinabi ni francis, lumapit sakanya si charisse at kumapit

"Girls? Mauna na kami huh? Sa kabilang side kasi ang room namin, kita kits nalang sa lunch time"

Hindi na kami inantay ni cha makasagot at hinatak na ang dalawa at naglakad sa likuran namin kung saan ang room nila

"Makikipagtitigan ba kayo o padadaanin nyo kami? May klase pa din kami na gaya niyo studyante din"

Matapos sabihin ni chescka yun, nakipagtitigan muna siya kay Austin bago ito naglakad na siyang pinadaan ng pinsan at nila adrian pero si Austin hindi gumalaw kaya gumilid ako para makadaan ako at sa kamalas malasan ang demonyong jason pa ang nasa side na dadaanan ko, kininditan pako ng gago inirapan ko lang siya

Nang tignan ko si Austin nakita kong natigilan siya ng dumaan sa gilid niya si chescka ultimo paghinga nito bumigat. Ohhhh the effect of chescka lorraine

"Cheska"

Lumingon ako ganun din sila chescka at mikhaila ng marinig namin ang malamig na boses ni Austin

"Bakit?"

Humarap si chescka kay Austin na nakatalikod padin, at nasa gilid niya ang mga kaibigan lalo na si yael na palipat lipat ang tingin saknila

Napatitig ako kay Austin ng narinig ko itong nagmura ng mahina

"You said, you will tell me everything when I find out the reason why you did not return that day"

Damn! Tama tong nakikita ko? Namin!? Ngumiti si chescka!?

Nagkatinginan kami ni Mikhaila dahil sa sinabi ni Austin. Maging sila jason,renzo at adrian natigilan maliban kay yael na titig na titig kay austin

"Yes"

Humarap si austin at sinabayan ang tingin ni chescka

"Wait for me and I will find out everything"

Lost Soul (Your Eyes Tell 1)Where stories live. Discover now