Chapter 2

10 1 0
                                    


Matapos naming magkasalubong ni yael iniwan ko na siya doon.

Yael is the only cousin i had. Si tito lance ang papa ni yael na kapatid ni mama. Dalawa lang sila magkapatid ni mama at iisang anak lang din si yael nila tita yannie at tito lance. May iba pang kapatid sila mama sa lolo ko bali legitimate sila mama at tito pero kahit ganun sobrang totoong kapatid ang turing nila mama at tito sa mga tito ko sa side ni lolo na nasa states nag rereside.

Balik sa topic. Hindi ko na pinansin at inintindi pa yung mga narinig ko kanina at dali dali kong inayos ang mga gamit kahit naiirita sa kulay ng kwarto.

Napabaling ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si mama at tita yannie na may mga ngiti sa labi

Kunot noong napatitig kay mama. Ok? Anong kaplastikan to.

"Chescka. Na enroll kana namin kahapon" masayang balita ni tita yannie. Nakangiti naman si mama kaya tumango nalang ako

"Dalian mo dyan chescka. Sasama ka samin mamimili tayo ng mga pang pasok mo, nagstart na kasi ang class nila dito kaya kailangan mo humabol nakakahiya kung magpapahuli kapa"

"Advance ang turo sa manila mama kaya hindi ako mahuhuli" sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagliligpit

"Eh? Anak naman. Pumasok kana sa lunes you need to make friends diba" nakangiting sabi ni mama pero nawala din agad ang ngiti niya ng mapansin na wala ako sa mood makipagusap tungkol sa bagay na pinipilit niyang gawin ko

"Chescka, may mga katulong naman ipaayos nalang natin sakanila yan." Nakangiti pading sabi ni tita yannie na hindi man lang napansin ang tensyon samin ni mama

"Mom, the car is ready" sabay kaming tatlo napatingin sa pinto ng marinig namin yun at andun ang magaling kong pinsan na nakapamulsa pa.

Tumayo nalang ako

"Sasama ako sa isang kondisyon"

Sabay na tumango sila mama at tita

"Palitan niyo kulay ng kwarto" sabi ko at nauna ng bumaba saknila nalagpasan ko ang pinsan kong kunot noo akong tinignan kaya inirapan siya ng magtama ang mata namin

Wala pang 15 minutes ng sumunod sakin sila mama at narinig ko pang nagbilin sila tita tungkol sa kwarto

Lihim naman akong napangiti pero agad na ng nakita kong nakatitig sakin si yael

Hindi ko siya pinansan at nauna ng pumasok sa kotse. Doon ako pumesto sa likuran kaya nagulat sila mama at tita ng makita ako doon. Pinandilatan pako ni mama pero iniwasan ko siya ng tingin dahil doon napadako ulit ang tingin ko kay yael na mariin padin ang tingin sakin na naka kunot noo

Nawala lang ang atensyon niya sakin ng sabihin ni tita yannie na sa harap nalang siya kung saan katabi qng anak kaya ang ending kami ni mama ang magkatabi na pasimple pakong kinurot

"Oo nga pala chescka. Anong course pala ang kinukuha mo noon? Sabi ng mama mo iyon din ang course na kukunin mo dito?"

"Med" maikling sabi ko at nakita ko ang pagsulyap ni yael sakin kaya di nako nakatiis at tinaasan siya ng kilay

"Oh wow! Medicine huh? Yael? May kilala kabang nasa department na yun?" Baling nito sa anak

"Tropa ni cha mom" sagot nito at ewan ko o talagang weird dahil nakita kong nagpalitan ng tingin sila mama at tita tapos yung pinsan ko pang kanina pa pasulyap sulyap ay napasulyap nanaman tsssk ano bang problema ng mga taong to

"Eh si cha? Hindi ba med ang kinukuha niya?"

Umiling lang si yael at deretso ang tingin sa daan na

"Ikaw yael? Anong kinuha mo?" Usisa ni mama

"Architecture po tita" sagot nito na kinatango ni mama at kinangiti ni tita

"Paano ang business niyan yannie? Wala sa mga anak natin ang May gustong mamahala hahaha" pabiro na sabi ni mama na kinatawa ni tita

"Actually frans. Si yael din ang maghahandle nun bali dalawang course ang kinukuha niya"

"Wow. That so nice of you yael, mabuti kapa ay may maitutulong ka sa pamilya itong isang to walang pakialam sa mundo niya kaya gumagawa ng sariling mundo" iiling iling sabi ni mama, tumawa lang tita yan at sumulyap ulit sakin si yael

Kunot noo kuna siyang tinitigan pabalik

"Seriously!? What's wrong with you? Kanina kapa nakatingin"Sabi ko dito kaya pati sila mama natahimik at napatingin din kay yael na umiling

"What happened to you ches. Ang laki ng pinagbago mo" madiin nabi nito hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero inirapan ko siya at nagkabit nalang ng earphones. Ramdam ko ang titig sakin nila mama pero hindi ko sila pinansin at pumikit nalang

"Marami kang ikwekwento sakin Franchescka" Dinig kong sabi ni tita kay mama

After nun tahimik na ang naging byahe hanggang sa makarating kami sa bayan at nang makababa ako naginat inat ako dahil nanakit katawan ko

"YAEL!!!!" Sabay kami nila mama at tita napalingon sa malakas na sigaw na yun. Tsk

"Oh anak? Pupunta kaba doon? Sige na. Kami nalang mamimili" sabi ni tita yannie at agad na hinatak si mama kaya susunod na sana ako sa mga to ng hatakin ako ni yael

"Ano ba!?" Medyo pabulong kong sigaw sakanya at hinatak ang braso ko tsk.

"Sasama ka sakin" madiin na sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo

"What!? No way! Kila mama ako sasama"

Hindi ako nito sinagot at hinatak nalang basta ang palapulsuhan ko papalapit sa mga tumawag saknya

Nang makalapit kami sa mga to napansin kong nabigla sila na nakatitig sa mukha ko hanggang sa bumaba ang tingin nila sa kamay ni yael kaya hinatak ko kaagad ang kamay ko

"Dude. Kaya ka pala nagmamadaling umuwi" tanging sabi lang nung mukhang ewan

"Oo nga yael. Umuwi na sila austin dahil umuwi kana din, isa pa may mga lakad din kasi yung iba mong tropa kaya ayun nagsi alisan nadin sila" sabi nung isa na parang pamilyar sakin.

Teka? Saan koba to nakita?

"Ahh umuwi kasi ang kapatid ni papa" malamig at maikling sagot lang ni yael.

Lahat sila napabaling sakin kaya iniwasan ko tingin nila tsssk.

"Sino siya dude?"

"Diba siya yung sa 7/11?"

"Oo! Siya nga yung nanampal kay austin"

Doon ako napabaling saknila. Teka 7/11!!!? Gulat akong napalingon kay yael na bahagyan nakangisi saakin bago humarap sa mga tropa niya ata at malamig na tinitigan sila ok?

What of a sudden change of mood

Freak

"My cousin"

Lost Soul (Your Eyes Tell 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora