Kabanata 23

2.2K 57 4
                                    

Kabanata 23

[Third Person]

Umalis si Vin sa bahay nila at dun sya tumuloy sa bahay ng kanyang mga magulang..

"Oh Vin? Bat may mga bagahe ka?" tanong ng nanay nito..

"Naset-up ako ma.. at dahil dun nagalit sakin si Zoe, masyadong matibay ang ebidensya kaya di sya naniwala sakin" paliwanag ni Vin

"Jusko po.. anak sino naman ang walanghiyang gagawa nun sayo?" tanong ng nanay nya

Nanatiling tahimik si Vin, maging ang kanyang ina pero ramdam mo ang takot at kaba sa mata pa lang nya..

"Anak.. may bisita ka.." nilingon ni Vin ang pintuan at nakita nya si Cyrus..

"Halika may ipapakita ako sayo.." sabe ni Cy

Lumapit ito at tinapik ang kanyang balikat..

"Kilala mo ba sila?" tanong ng kaibigan nito..

Natahimik sya at napatikhim 'sinasabe ko na nga ba' isip isip ni Vin

"Sekretarya ko ang babaeng nasa picture.. at yung lalaki? hindi ko sya kilala pero mukhang namumukhaan ko sya" sabe ni Vin

"Sekretarya mo yung babae? Ibig sabihin pumasok siya sa kumpanya nyo para lang isagawa ang planong yan? Kailangan malaman ni Zoe to" sabe ni Cy pero agad umiling si Vin..

"Hindi muna.. tayo ang tatrabaho ng isang to.." sagot nito..

Lumapit ang ina ni Vin at may ibinigay itong sobre sa anak..

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon