Kabanata 38

1.4K 27 0
                                    



Enjoy sorry kung late na late na yung updates ko. Hayaan nyo malapit na syang matapos..

---

[Zoe]

Nakatingin kami ngayon sa may bintana ng nursery room, pinagmamasdan kong mabuti si Xavier Angelo Gerez.. Ang anak nina Renz at Shawn, mabuti na lang at hindi sya napahamak dahil sa panggugulo ni DA.

Naisip ko? Nasaan na kaya sila? T*ngina, hindi ako makaget-over sa drama nilang dalawa ni Kei, mahal naman pala ang isa't isa nagpapakatanga pa.. Walanghya!

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Vin, niyakap nya ako mula sa likod at isinandal ang baba nya sa balikat ko..

"Iniisip ko lang si Crystal.." Pagsisinungaling ko, kapag kasi sinabi kong iniisip ko sina DA at Kei, baka magselos na naman sya.

Masyado na syang seloso to the point na ayaw na nya kong magbanggit nang pangalan ng lalaking hindi nya kilala. Hahaha minsan nakakatuwa pero minsan nakakairita na.. Hahaha

"Ako din, namimiss ko na si Crystal, tingin mo ba pwede na naten syang iuwe dito, di ba wala na si Harley, wala na din sina DA, baka naman pwede na ulit naten siyang makasama.." Sabi ni Vin, ramdam ko ang pagkamiss nya sa anak namin..

Ngumiti ako at tumango sa kanya, pero di ko maiwasang hindi mangamba, lalo na at nalalapit na ang Huling Hatol..

"Oo iuuwi na naten si Crystal" sabi ko naman, iniharap nya ako at mabilis na hinalikan sa labi at pagkaraa'y sa noo naman. Niyakap ko na lang sya para maitago ang pamumula nang aking mukha.. Oo kinikilig pa rin ako sa mga maliit na bagay na ginagawa nya. Pake nyo ba? Ang asawa ko ay kamukha ni Kyuhyun ng Super Junior, sinong hindi kikiligin dun? Tsk.

---

Pagkauwe namin sa bahay ay agad kong naabutan si Manang, naghahanda na ito nang makakain namin..

"Manang, mukhang masarap to ah.." Sabi ni Vin, ngumiti naman ang matanda..

"Oo naman. Espesyal yan." Sabi ni Manang

Naupo na kami sa lamesa, pinilit din namin sina Manang na sumabay na sa pagkain namin dahil di naman namin iyon mauubos.. At buti na lang ay pumayag ang mga ito.

Hindi naman kasi kami tulad nang ibang mga amo na ayaw isabay ang mga kasambahay nila.. Tinuturing din namin silang kapamilya kaya walang problema samin kung makikisabay sila samin nang pagkain..

"Nga pala Zoe, tumawag dito kanina ang Ate Gertrude mo, pinapasabi nya pala na kung pwede daw munang iwan nya dito sa bahay nyo sina Tyrone at Tiffany.. Alam mo anak, ang bibibo nang mga batang yun." Sabi ni Manang

"Bakit naman daw ho? Aalis ba sila?" Tanong ko

"Ahh ang sabi sakin ay hinahanap daw sya ng Papa mo sa LA, samantalang si Enzo naman ay may inaasikaso sa kumpanya ng pamilya nila sa America kaya walang magbabantay sa dalawang bata.." Sagot nya, tumango na lang ako, namimiss ko na din yung mga pamangkin kong yun.

"Sige ho, sabihin ko na lang kay Gertrude na dalhin dito ang dalawang bata bukas.." Sabi ni Vin

---

Kinabukasan

"Manang may kumakatok po, pakibuksan naman" sigaw ko mula sa sala.. Nanunuod kasi ako nang bagong movie na nai-download ko kagabi.. Mukhang maganda eh..

"Sige iha" sabi nito at agad na binuksan ang pinto..

"Nasaan ho si Zoe? Bat kayo ang nagbukas ng pinto?" Rinig kong boses ni Ate Gertrude yun kaya agad akong tumayo, pinause ang pinapanuod ko at tumakbo papunta sa kanya.. Agad ko syang niyakap..

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon