Kabanata 37

1.4K 34 0
                                    

Kabanata 37

----

[Mike]

Kasalukuyan akong nasa mesa at kaharap ang babaeng matagal ko nang hinahanap.. Oo sa sobrang tagal na halos nagtatalon ang puso ko nang muli ko syang makita, matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkasama at nagkausap nang kaming dalawa lamang.. At sa pagkakataong ito, hindi ko aakalaing may mas mauuna na sakin sa kanya...

"Mike..? God! You're spacing out.. A lot. What are you thinking? Bet it's important. Halos di mo nagagalaw ang pagkaing inorder mo." Sabi nya habang nakatitig pa rin sakin..

Pinagmasdan ko lang ang facial features nya.. Ang mata nyang nangingislap na kulay kayumanggi, ang ilong nyang sobrang cute, ang pisngi nyang makinis at mamula mula kahit di mo lagyan ng blush-on, at ang labi nyang nakakapanggigil..

Ano ba naman tong iniisip ko? Pinagnanasahan ko na si Zoe, ang bababeng nagturo sakin kung pano mabuhay nang may pagmamahal, ang babaeng bumuo ulit nang nawasak kong mundo.. Pero huli na ang lahat.. Naunahan na ako at ang masaklap naanakan na sya ng asawa nya! Tsk

"I better get going kung di ka magsasalita" sabi nya na agad ko namang ikinagulat, umayos ako nang upo at ngumiti sa kanya..

"I just can't stop thinking of you---by the way.. Nasaan si Crystal? Hindi ko ata sya nakita sa bahay nyo nung pumunta ako dun?" Tanong ko sa kanya

"Well, she's in LA with my father.. Bonding nilang mag-lolo sa ngayon" nakangiti nyang sabi, is it me o sadyang may ibang pahiwatig ang ngiti nyang yun?

"Ahh, okay" sagot ko..

Patuloy lang kami sa paguusap nang biglang may humigit sa braso nya.. Agad akong napatingin sa lalaking hawak-hawak sya ngayon..

"What is this!?" Galit na tanong ng lalaki sa kanya, kung hindi ako nagkakamali, sya ang asawa ni Zoe, Alvin Lionel Morello..

Saan at paano ba sila nagkakilala ng lalaking to? Pinagmasdan ko syang mabuti, nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya, tiningnan nya ko ng matalim, kung nakamamatay lang ang tingin nya, baka duguan na akong nakahandusay dito sa sahig..

"Bakit mo kasama ang lalaking yan!? At bakit ganyan ang suot mo Mrs. Morello?" tanong nya pa rin kay Zoe, tinignan lang sya ni Zoe na parang di ito natitinag..

"You're thinking too much Vin. Kasama ko sya kasi kaibigan ko sya at naguusap kami kasi matagal naming hindi nakita ang isa't isa.. At walang masama sa suot ko ngayon" mahinahong sagot ni Zoe sa kanya..

Kaibigan? That word hit me. So bad! Yeah, kaibigan lang ang turing nya sakin, at mukhang hindi na hihigit pa dun. So Mike, better get your ass off her life.. Now!

"Nasasaktan na sya, bitawan mo na" mahinahon kong sabi kay Vin, matalim lang syang tumingin ulit sakin.

Humarap sya sakin, at dahan dahan nya akong nilapitan..

So eto ba yung part na kukuwelyuhan ako ng asawa ng babaeng mahal ko at susuntukin nang paulit ulit hanggang sa awatin sya ng babae?

"You. Stay. Away. From. MY WIFE!!!"

Talagang inemphasize nya yung salitang "My wife" and that word hit me again. Strike two ka na Mike. Tinitigan ko lang sya, at nagtititan lang kaming dalawa.

"She's my friend, why would you want me to stay away from her? I'm harmless to her.." Matapang kong tanong.. Bat ba hindi nagsasalita si Zoe?

"Coz I'm the husband of your friend and I want you to stay away from her. Right now" maawtoridad nyang sabi..

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon