Kabanata 12

3.5K 90 2
                                    

last update for this month i think. balik probinsya na naman as usual.. hehehe :D sa province ako gagawa ng napakaraming update tas after may 18 baka maiupdate ko na.,. for now.. sorry for this.. :P

enjoy ...

Kabanata 12

[Zoe]

Heto ako ngayon, pinaliliguan ko na si baby Crystal. Bat nga ba Crystal yung pinangalan namin sa kanya. Eh kasi una namin syang anak. Masyado syang mahalaga samin at tulad ng isang crystal dapat namin syang pakaingatan. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung ipanganak ko sya. Alam nyo ba kahit sobrang hirap na akong umire ng mga oras na yun pinilit ko pa rin para ilabas si Crystal. At lahat ng pagod ko nawala matapos kong marinig ang una nyang iyak.

"Zoe, baka sipunin na si baby CL sa pagpapaligo mo. Ang tagal na nyan ah." narinig kong sigaw ni Vin mula sa labas ng banyo. Hmpf. Gusto mo lang sya ulit masolo eh. Alam nyo bang mas nawiwili ang batang to sa ama nya? Aba naman pano naman ako kung puro si Vin na lang. Kaya eto ako ang nagpaligo sa kanya ngayon.

Kinuha ko na yung towel at ibinalot sa katawan ni CL. CL yung nickname nya yun kasi ang initials ng name nya and I find it cute. Hehehe. Pagkatapos ay lumabas na kami ng banyo, nakita ko si Vin na nakasandal sa may pintuan habang nakacross arms. Anong drama yun? Baka masapak ko sya. -____-

"Anong tingin yan Vin? Baka gusto mong dukutin ko yang mata mo. -___-" tss. Nilapitan nya kami at kinuha nya sakin si CL. Tsk..

"San mo dadalhin si Crystal? Bibihisan ko pa yan huy!" ibinaba nya naman agad si CL sa kama kung saan naroon ang kanyang mga damit. Lumapit ako sa kanila at binihisan na si CL.

Pagkatapos kong bihisan si CL, bigla na lang tumunog yung cellphone ni Vin. Tiningnan nya kung sino ang tumatawag, nakita kong ngumunot ang noo nya, lumayo sya bago nya sagutin yung tawag. Tss, ayaw nya marinig ko ang pag-uusapan nila? Bakit naman kaya?

"Hon, sino yung nakausap mo?" tanong ko matapos nyang makipagusap sa kung sino mang tumawag na yun. Tumingin sya sakin at parang nagulat pa sa tanung ko.

"h-huh? Yun ba? Wala.. Wala yun.. Isa lang yun sa mga investors ng company!" sabi nya habang hindi mapakali..

Pink Reaper: Life of a Married GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon