FORTY SIX

25 2 27
                                    

Maaga palang ay busy at aligaga ka na. Mamaya na ang uwi ni Doyoung galing sa outing at hindi ka pwedeng pumalpak kaya wala kang sasayanging oras. Binilisan mo lahat lahat, pagligo, paglilinis, pagkain at lahat lahat. Pati tuloy mga kasama mo nahahawa na sa pagiging praning mo.

"Uy chill ka lang. Mamayang 8 pa uwi na. Anong oras palang? 6 ng UMAGA." Pinakalma ka naman ni Yuta dahil nga nahihilo na sila sa panunuod sayo.

"Baka akala nya 8 ng umaga uwi." Tinawanan ka naman ni Jungwoo.

"Mahabang mahaba pa oras mo." Taeyong reminded you. "Kumain ka ng maayos. Magagalit samin mama mo."

Ano pa nga ba? Edi sinunod mo na lang at pumirmi, inayos ang pagkain. Bakit nga ba kasi kinakabahan ka? Parang nag tumbling mga organs mo sa tiyan mo. Masyado kang anxious sa mga posibleng mangyari mamaya. Hindi mo naman dapat kailangan mag isip ng malalim dahil nandyan naman ang mga kaibigan mo na tutulong sayo.

Mukhang napansin naman ng mga kasama mo ang tila pag aalala mo kaya they comforted and assured you that everything will be okay. "Don't worry, everything is in place." Said Jaehyun.

After the breakfast ay binili mo na ang mga kakailanganin mo para sa 'Oplan Muling Ibalik Ang Tamis Ng Pag Ibig.' Corny diba? Si Haechan may sabi nyan. Cliche ang gagawin mo so ano ba mga karaniwang nakikita nyo sa mga surprise? Malamang balloons, candles, bulaklak, magandang ilaw etc. Basta yun. Corny ba? Ganun daw talaga. Wag na kayong magreklamo. Biglaan ito.

Nang ikaw ay makabalik ay inasikaso mo agad ang pagluluto. This time, helper lang si Taeyong. Sinikap mo talaga na ikaw talaga mismo ang magluto. Mag effort ka na rin lang, galingan mo na. Malay mo naman forever mo na sya ipagluluto. You are really hands-on and dedicated kaya bilib bilib sayo ang mga kasama mo.

Ikaw ang gumawa halos lahat. Ambag lang nila ay taga-abot, tagatulong sa paglalagay kasi nga labor of love. Para mas dama ni doyoung dahil ikaw mismo ang kumilos para sa surprise. Kiligin sana sya lol.

"Uy sa tingin nyo okay na 'to?" Tanong mo sa mga kasama mo.

"Mga pang 50 times mo na atang tinatanong yan. Okay na nga." Annoyed na sagot sayo ni Haechan dahil kaninang kanina ka pa nga namam tanong ng tanong. Sorry na. Kabado ka kasi talaga. Ayaw mo magkamali. Gusto mo perfect lahat. You want the best for Doyoung. Sa dami ng kasalanan mo, kahit eto man lang maitama at maisaayos mo.

"Maybe she needs to take a shower na para di sya panic." Mark commented at nagtawanan sila.

Tinignan mo ang orasan at isang oras na lang ay darating na si Doyoung. Tama nga si Mark, kailangan mo na maligo at mag ayos. Naghanda narin ang mga kaibigan mo.

Sinuot mo na ang bagong biling dress sayo ng mama mo. Di ka talaga masyadong nagsusuot ng dress pero para sa araw na ito, magiging extra ka. Nag make up ka narin ng kaunti kahit di ka talaga sanay. Nagpaturo ka lang sa nanay mo kanina bago sya umalis.

You checked yourself last minute just to make sure na di ka mukhang shunga at kahit papano ay nagmukha kang magandang dalaga. Lumabas ka na at pinuntahan ang mga kaibigan mo. Ang mga mata nila ay nagsilakihan, shookt sila.

"Ganda." Haechan commented. "Ng damit."

Panira. Magpapasalamat ka na sana kaso humirit pa. Wala ka talagang aasahan dito.

"You look gorgeous." Jaehyun commented.

"Oo na guys maganda talaga si Lex. Focus tayo pero bago yan, picture muna Lex." Johnny grabbed his camera and took couple of pictures. Photoshoot ampeg.

Dumating na ang tamang oras at pinatay na ni Yuta ang breaker kaya walang kuryente sa buong bahay para convincing. Everyone is on their position at hinihintay na lang ang bida ng chapter na ito.

"Next time ulit guys. Ingat kayo."

Doyoung reminded them as his workmates drop him off. Pumasok na sya ng gate at napakadilim ng bahay. He checked kung may ilaw ang mga kapitbahay at maging ang mga katabing bahay ay walang ilaw. Saktong nakita nya sila Taeyong sa garahe, nakaupo sa bench.

"Anyare? Bakit walang kuryente?" Tanong nya sa mga kasama nya.

"Ewan nga eh." Sagot lang ni Taeyong at nagpaypay.

"Ang init. Tagal bumalik ng kuryente." Sabi naman ni Taeil.

"Ang lamok pa." Arte naman ni Haechan. "Pasok na lang tayo sa loob, okay na mainit wag lang makati."

"True. Doyoung hyung is also pagod from outing." Hirit pa ni Jaehyun.

Napahinga na lang ng malalim si Doyoung. Uwing uwi na sya kanina para makapagpahinga at makanood ng kdrama tapos walang kuryente pa aabutan nya. Mainit at walang wifi. Minamalas ka nga naman.

Dahil nga pagod na si Doyoung ay binitbit na nila Taeyong ang gamit nya, part talaga yun kaya nga nila hinintay sa garahe.

"Kain muna tayo sa taas. Maliwanag dun kahit papano kesa dito sa loob, sobrang dilim." Pag-aaya ni Taeyong.

Iniwan muna nila sa living room ang gamit ni Doyoung at umakyat na sa third floor. Nang makarating na sila sa terrace ay mga ilaw mula sa kandila ang bumati kay Doyoung. Bigla naman bumalik ang kuryente at bumukas na ang mga ilaw pati ang hinanda mong espesyal. Kitang kita na ang dekorasyon na pinagpaguran mo kanina.

Ikaw ay nakatayo, hawak ang bouquet habang nakatingin sa nakatayong Doyoung. Unti unti kang lumapit sa kanya at inabot ang mga ito. "For you." Sabi mo, tinanggap naman nya dahil siniko din sya ni Haechan.

Inaya mo na si Doyoung at pinaupo sa upuan para sa inyong 'date.' Hinain na rin ni Mark ang pagkain nyo. Pancit bihon niluto mo. Di mo kaya mga pangmalakasan. Sana ma appreciate nya.

"Ako nagluto nyan. Hindi kasing sarap nyo magluto pero sana magustuhan mo parin..." Nahihiya mong sabi.

Di na muna nagsalita si Doyoung at tumikim na ng niluto mong pancit. He nodded and looked at you. "Masarap sya. Thanks dito." Sagot nya lang.

Although short lang, nagpasalamat ka na rin sa comment nya. Naiintindihan mo din naman ang situation nyo pa. Kumakain lang ng tahimik si Doyoung habang ikaw naman ay nakatingin. Napansin naman nya ito kaya tinanong ka nya. "Bakit?"

"Ano kasi..." ayan na lumabas na ang kaba mo. Si Doyoung naman ay nagtataka sayo.

"Ano meron? Bakit may pa ganito? Ano nangyayari?" Nagtataka na rin si Doyoung.

You gathered your thoughts together, huminga ng malalim then held his hand. "Doyoung, sana di pa huli ang lahat." You started and feeling mo naluluha ka. "I know ang dami ko ng katangahan, sobra kitang nasaktan. Paulit ulit ako..." Napayuko ka dahil di mo na mapigilan, bumagsak na ang luha mo. "Kahit na ganito ako, hindi ka nagsawang alagaan ako at suyuin ako. Napakadami kong pagkukulang sayo." Tumayo ka na at naglakas loob na tanungin sya. "Can you give me a second chance? Promise aayusin ko na this time."

Nakatingin sayo si Doyoung, hindi makapaniwala sa ginawa mo. "Nililigawan mo ba ko?" Nasabi lang nya.

"Sasagutin mo ba ko? Pwede ba kitang maging boyfriend ulit?" Tanong mo ulit.

Tumayo sya at niyakap ka ng mahigpit. Ilang araw din kayong di nagkita. Pero sa kanya parang ang tagal na dahil di mo nga sya pinapansin. Na miss ka nya sobra. Walang araw na hindi ka nya inisip buong outing nila. Hindi din nya inasahan na gagawin mo ito para sa kanya. Nakakapanibago, nakaka-touch, nakakaiyak.

"Alam mo naman na marupok ako sayo syempre oo yan. Babalik at babalik ako sayo." He replied.

Sobrang saya mo, para kang nanalo sa lotto. Iba pala ang saya kapag ikaw ang nag effort. Napaka fulfilling pala na sagutin ka ng oo. Sa sobrang galak mo, you leaned and kissed him straight to his lips which he responded.

Nanonood naman ang mga kaibigan mo at si Johnny ay kinukuhaan kayo ng litrato.
"Grabe di ko ready maging tito." Sambit ni Jungwoo.

My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Where stories live. Discover now