THIRTY

34 5 44
                                    

Tuloy parin ang fishball business nyo. 3rd day na nito at malaki ang kinikita. Lahat naman kayo ay enjoy sa ginagawa nyo lalo na yung pinaka tindero nyo.

Ang mga nagbabantay lang ngayon ay ikaw, si Haechan, si Mark at si Jaehyun syempre. Wala pa kasi yung iba, pauwi pa lang habang si Yuta mamaya pa gigising.

Kakabukas nyo palang, alas tres na ng hapon. Magdadagsaan na naman ang mga customer nyo. May no tambay policy na rin kayo dahil may iba na after bumili, di agad aalis kasi sumasilay pa sa mga pogi mong boarders. Di tuloy makaupo ang ibang kakain. Halos namumukhaan nyo na nga din yung ibang bumibili.

At nagdatingan na nga ang bumibili pero hindi yun yung mga silay girls pero grupo ng mga lalaki.

"Pabili pooooo." Sigaw nung isa habang inuuntog pa yung piso sa counter. Kuya di mo na naman kailangan kalampagin yan kasi may tao naman.

"Ano sayo?" Tanong ni Jaehyun sa mga bata.

Hindi naman agad nakasagot ang magto-tropa dahil nagtatalo pa sila kung ano bibilhin nila. Jusko sana inisip nyo na yan bago kayo bumili. Naghihintay yung tindero.

"Pishbol po. Bente pesos." Sabi nung isa.

"Kikiam din bente pesos." Dagdag pa nung isa.

"May pambayad ka ba?" Tanong nung pinakamaliit.

"Ililibre ako ni Jeno. Diba?" Sagot nung isa.

Di talaga sila matapos magtalo at mag-ingay. Tagal na silang tinitignan ni Jaehyun. Mukha na rin syang nauubusan ng pasensya kaya sumingit ka na.

"Mga kuya oorder ba kayo o hindi?" Tanong mo sa kanila. Ang gugulo eh.

"Opo opo." Sagot nung lalaking pinaka matino sa kanila. Pogi rin kamukha ni Donghae ng SuJu.  "20 pesos po na kikiam, 30 pesos po na fishball saka po meron pong palamig?"

"Meron." Sagot mo. "Tinitimpla pa sa loob. Ilang palamig?"

"Lima po." He replied naman habang binubulungan mga kasama na mahiya naman.

Niluto na ni Jaehyun ang mga order nung magt-tropa. Naupo na rin yung grupo ng mga lalaki sa upuan and as usual ang ingay talaga nila. Hinayaan nyo na lang din.

Ilang minuto lang ay lumabas na si Mark at Haechan dala ang dalawang container ng palamig.

"5 cups nung 10 pesos na palamig. Orange juice dun sa mga boys dun." Inutudan naman ni Jaehyun sina Haechan at Mark at agad naman sila sumunod ang nilagyan ng inumin ang mga baso. They served it rightaway.

Haechan placed the cups in their table until one another recognized each other. Naglakihan ang mga mata nila.

"Anong ginagawa nyo dito?" Shocked na tanong ni Haechan.

"Kumakain. Bakit bawal?" Sagot nung isa sa magkakaibigan.

"Oo bawal." Sagot ni Haechan.

Kinurot naman sya ni Mark at binulungan. "That's a customer. They paid." At kumalma na nga si Haechan. "Enjoy the drink." At umalis na nga ang dalawa tlat hinintay na matapos magluto si Jaehyun.

"Grabe paano pa nila nalaman tong lugar na to?" Haechan asked.

"Okay nga yun eh marami agad bibili." You replied. "Yan diba yung tinutukoy mo noon na maingay sa Starbucks?"

"Yes, they are." Mark answered.

"Eh bakit angasan parin sila?" Makulit mo ulit tanong.

"Trip lang namin." Sagot ni Haechan. "Friends na kami ng mga yan pero ganyan na kami magbatian kasi ganyan first encounter namin."

Kinuha na ng dalawa ang mga pagkain na hinango ni Jaehyun at nilapag ito sa mesa ng magbabarkada.

"Oh eto na." Dinabog pa ni Haechan yung cup na may lamang kikiam.

"Salamat." Sagot nung isang lalaki sabay hampas sa pwet ni Haechan.

"Parang gago tong si Jaemin."

"Sorry na. Kiss na lang kita." Sabi nung Jaemin.

Yung dalawa naman sa magkakaibigan ay napailing na lang at kumain na.

"Hoy Chenle, Jisung wag nyo ubusin."


Ganun parin ang dami ng customer pero buti at dumating na si Taeil at nagising na si Yuta. Tumulong na sila sa pagtitinda at pinagpahinga saglit si Jaehyun. Kumakain sya ng fishball kasama kayo ni Mark.

"Daming customer ngayon kesa nung first day." You said.

"True. Buti I already know what to do kaya di naman masyadong hard para sakin." He replied at kumain ulit ng fishball.

Ramdam mo naman na medyo ilag pa sya sayo dahil nga sa ginawa mong pag-reject sa kanya. Di mo sya masisisi, ganyan din kayo ni Jungwoo nung umamin ka sa kanya. Hindi naman sya cold sayo, ramdam mo lang yung awkwardness nya sayo. Hinayaan mo na lang sya to take his time.

"Hula ko ni-reject mo sya?" Tanong ni Haechan.

"B-bakit? P-paano?" You nervously ask.

"Narinig ko sila ni Jungwoo na nagchichismisan kaninang umaga."he replied. "Ni reject mo nga raw sya. It really hurts pa nga sabi pero tanggap naman daw nya." Lakas talaga ng pandinig nito pagdating sa chismis. Napayuko ka naman nang malaman. "Uy wag ka ma guilty dun. Di mo kasalanan na wala kang feelings sa kanya." Seryoso naman na dumamay sayo si Haechan. "Pero tita..."

"Alin yun..."

"Bakit nga ba wala? Mayaman yun tita."

"Gago talaga to." Binatukan mo naman sya.

Napalingon naman kayo ng maramdam na parang ang init ng paligid nyo. Aba kelan pa sila nakikinig sa usapan nyo.

"Sino nabasted?"

"It really hurts talaga na magmahal ng ganito."

"Bakit daw nabasted?"

"Hoy hyungs masama makinig sa usapan ng iba."

"Okay lang yan Ji, nakikinabangbka din naman."

"Uy guys awat na."

"HOY KAYO!" Sigaw ni Haechan sa mga magtotropa. "DI KAYO KASALI DITO SA SUSUNOD KAYO. FEELING CLOSE AMP." Nag-alisan naman ang mga bata.

Nang makasigurado naman na wala ng nakikichismis ay nagtanong na naman si Haechan. "Anyway, may napupusuan ka ba?" Humirit ng asar ang bata.

"Luh nababaliw na to." Sagot mo.

"Kasi ni-reject mo, di mo binigyan ng chance yung tao baka ma fall ka eh. Curious lang."

"Di ko alam. Wala pa sa isip ko." Yun sinply replied.

Ang totoo ay di mo rin talaga alam kung bakit. Wala ka talagang romantic feelings for him. Confused ka pa sa nararamdaman mo. You don't want to feel awkward sa mga kasama mo. Basta magulo ang isip mo dahil may bumabagabag talaga sayo since mga last week pa. Hindi ito about sa mama mo pero something complicated at hindi ka pa handang pag-usapan ito.

💚💚💚

Nakarating na tayo ng chapter 30. I didn't expect any of this. Naloloka na nga ako sa pinagsususulat ko. Hindi parin sya maayos maybe next time ko na lang sya aayusin. Wala naman akong babaguhin sa plot since nasulat ko na kahit ang panget talaga HAHAHA. Anyway, thank you for supporting this story. Idk pero feeling ko malapit na ito matapos. Not sure 😂😂

My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Where stories live. Discover now