TEN

59 4 55
                                    

It would be a wonderful day for you. Ngayon darating ang last boarder mo at special pa dahil si super friend ang nakakuha ng huling kwarto.

You checked your phone to see some messages and tama nga nag text ang super friend mo.

🐶: Good morning 😊😊

You: Good morning 😊😊

🐶: see you later. Bawal ma late 😂

You: opo 😂

🐶: kumain ka na?

You: di pa. Kakagising ko lang eh. Ikaw ba?

🐶: oo naman. Haha. Kain ka na. Text mo ko pag tapos ka na. Don't skip your breakfast. 😁

You: opo tay char

🐶: mamaya ka na mag reply. Kain ka na muna 😊


Sinunod mo naman ang iyong kaibigan at bumangon na sa kama para maghilamos. Pagkatapos mo ay pumunta ka na sa kinaroroonan ng mga kasama mo na nasa living room, naghihintay ng almusal na currently niluluto ni Doyoung at Taeyong.

"Ganda ng ngiti natin ah. Maganda ba panaginip mo?" Taeil greeted you. Obvious kasi napakalapad daw ng ngiti mo.

"Ay grabe. Good morning sa inyo." You greeted back as you sat beside Mark. "Asan nga pala si Jaehyun at Johnny?" Tanong mo nang mapansing wala ang dalawa.

"Otw na raw sila. Nagpunta lang ng Starbucks." Sinagot ka naman ni Yuta. You nodded as a response. Close na nga pala ang dalawa. Lagi yang magkasama.

Hindi pa luto ang almusal kaya you went to the messenger app and chatted with you friend once again. Nag-uusap lang about sa gala nyo mamaya.

Napansin na naman ng mga kasama mo ang kakaibang ngiti mo kapag ikaw ay abala sa phone mo. Sisilip na sana si Haechan at makiki-chismis nang maiwas mo agad ang phone mo.

"Ay tinatago. Jowa mo yan no?" Mapang-asar na tanong ni Haechan.

"Wala akong jowa." Sagot mo naman sabay iwas ng tingin.

"Dude, she is blushing." Sabat naman ni Mark.

"Yung totoo Lex... yiieee ikaw ah. Nagsisikreto ka." Gatong ni Taeil.

"Wala nga kasiiii." You defended yourself dahil ayaw katalaga tigilan ng tatlo.  "Pagtanggol mo ko Yutaaaaa."

"Guys di nya jowa yun." Yuta said. Thank God someone sided you. "Baka mapapangasawa nya yun." Dugtong ni Yuta sabay tawa.

You pouted dahil napagtulungan ka na naman ng apat. Di ka talaga titigilan ng mga yan for sure. Wala ka naman talagang jowa.

"Wag nyo na asarin si Lex. Tumayo na kayo jan. Luto na pagkain." Anunsyo ni Doyoung. Tumayo ka na at naghain.

Sakto namang dumating si Jaehyun at Johnny galing starbucks.

"Good morning Lex." Niyakap ka naman ni Johnny.

"Good morning din Johnny." You greeted back. "Kain na tayo." Pag aya mo.

Naupo na kayong lahat sa mesa at nagsimula ng kumain. Ang almusal nyo ay sinangag, itlog, corned beef, spam at bacon. Mayroon ding tinapay just in case merong may ayaw kumain ng kanin. Lahat ay masayang kumakain including Jaehyun na kahit papano ay nakaka adjust na sa isang linggong pagtira nya dito. Hindi na rin sya masyadong maarte sa pagkain although hinahanap hanap parin nya yung mga expensive food na nakasanayan nya.

After breakfast ay nagligpit ka na with Johnny's help. Si Yuta naman ay natulog na, mamaya na gising nun mga hapon na. Si Taeil, Taeyong at Doyoung ay sabay sabay na pumasok sa trabaho. Bale ang naiwan na lang ay si Mark, Haechan, Johnny at Jaehyun. Mamaya pa raw pasok nila except kay Jaehyun na maiiwan sa bahay dahil wala naman yung trabaho. Hindi sya nagtatrabaho.

My Roommates and I [NCT 127 Tagalog ff]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon